CHAPTER ONE

120 1 0
                                    

CHAPTER ONE
*********

" Can I call you baby?
Be with me up until the very end?
Tho,
I'm a mess
I'm a pain in the ass
I'm hard to read
I'm hard to deal with
I had ups and downs
Will you still?
I just need someone to,
Understand me
Accept me
Afraid of losing me
Isn't it hard?
'Cos it feels so heavy
I'm done dealing with shit
I hope you see my worth
And with that,
I swear
To be always the best. "

*****""

I'M ALMOST there, I'm almost one step ahead para makatakas sa kanya, isang semester na lang at gra- graduate na ako, sa wakas ay aalis na din ako dito sa paaralang ito at 'di ko na siya makikita pa .... Yes, I can honestly say, that I already fall for him, that I'm already - I mean from the very first time we've met, I'm already into him. But because of the possible judgment niya sa akin, I choose to shut my mouth up, I choose to stay away from him and try to do things na magiging rason upang makalimutan siya. But I guess I'm not good in it, of hiding my feelings from him.

He figured out one day, about my feelings for him kaya nga mas nagiging feeling close pa siya lalo sa akin. Hindi ko alam kung nasabi ko ba sa kaya o may nakapag-sabi sa kanya. All I know is I keep it in myself, I didn't told anyone, even to my best friend I don't have a single word na sinasabi about my feeling towards him ngunit nalaman niya pa din - nalaman niya pa din na matagal na akong hulog sa kanya.

After seven years of hiding my feeling towards him, ngayon ay nalaman na niya at hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya. Nakakainis lang Kasi, ba't ba niya kailangan pang malaman kung sa gayong wala naman talaga siyang paki-alam sa akin.

Arghh.
Nakakainis.

••••••
"Good afternoon, SSG officials, please go to the SSG conference room immediately." Anunsyo ng kanilang Dean.
"SSG Officers and class President, go to the conference room immediately, May e-announce lang si Dean." Saad naman ng kanilang subject teacher.

May pagaalin-langan siyang humarap sa kaibigan niyang si Nicole na siyang SSG Vice-President nila. Alam niyang naroon ang taong iniiwasan niya pero wala siyang magawa dahil utos ng Dean nila na pupunta sila sa conference office dahil may importante itong sasabihin sa kanila.

"What?" Pagtatanong sa kanya ni Nicole habang nakangisi ito sa kanya. "You know what, face him as if naman magugustuhan ka nun, hello, his not into gay kaya, tara na ... Dali !!" Para namang nakapitan ng higad ang kaibigan niya dahil sa nararamdaman nitong kilig dahil sa wakas, magkikita na sila ng taong iniiwasan niya. Sabay irap nito sa kanya.
"Alam mo, ang landi mo talagang babae ka!, Tara na nga!" May inis niyang iniwanan sa loob ng room ang kaibigan niya. " Kaibigan ba kita o ano, dapat pinapagaan mo loob ko, hindi yung dadag-dagan mo pa!" Pahabol niyang saad sa huli.

Nasa ground floor ng building nila ang conference room, at habang naglalakad siya iniisip naman niya kung paano haharapin ang taong iniiwasan niya. May elevator na maaari niyang gamitin para mapadali siyang makababa sa ground floor pero mas pinili niyang gamitin ang hagdan. Alam niyang pinapadali sila ng kanilang dean na makapunta sa conference room pero sa kaba na nararamdaman niya ngayon ay mas pinili niyang dumaan sa hagdan.

"Aris, wait naman ... My. God! Ang sakit kayang tumakbo habang naka takong!" Pagmamaktol ng kaibigan niya dahil tumakbo ito upang maabutan siya. "Bakit ba dito tayo dadaan e may elevator naman ahh." Reklamo pa nito.
" Alam mo, Hindi ko naman sinabing dito ka din dadaan, pwede ka namang mag elevator." Pagsusungit nito at nagpatuloy siyang bumaba habang naka-kapit ng mahigpit sa sling ng kanyang shoulder bag.
"Antaray mo namang bakla ka." Saad naman ng kanyang kaibigan sa kanya at sinundun siya pababa ng hagdan. My. God can't wait ahhh nakakakilig." He giggled at Nagpapadyak-padyak pa ito.
"Tumahimik ka nga, ano ba ...!" Pagsusungit pa din niya sa kaibigan niya.
"Ito naman, ang sungit. Tara na nga!" Umayos na itong naglakad pababa ng hagdan pero hindi pa din nawawala ang ngiti nitong kinikilig.

I'm In Love With A Ghost Where stories live. Discover now