PROLOGUE

209 2 0
                                    

PROLOGUE
********

Isang nakakabinging tunog na nanggagaling sa cellphone niya ang pumukaw sa kanya mula sa kanyang pagkakatulog. Pupungas-pungas niyang kinapa ang cellphone niya na nilagay lang niya sa lamesa na malapit sa kanyang kama.

"Ouh?" Patanong niyang bungad sa tumatawag sa kanya.

Hindi niya kilala ang tumatawag dahil sa antok pa siya, sinagot niya ito agad kaya hindi man lang niya nabasa ang pangalan nung tumatawag sa kanya.

"Aris, where are, nandito na ako." Boses ni Eliseo ang narinig at bumungad sa kanya sa kabilang linya.
"Shit." Agad niyang nasabi na siyang ikinagulat nung huli. " Sorry, I'm getting ready, nandyan na ako, mga twenty minutes. Sorry. Antayin mo ako." Sabi niya sa huli.
"O-okay, I'll wait." May bahid na lungkot sa boses nito pero sa pagmamadali niyang makabangon at makapunta sa banyo ay hindi na niya iyon napansin.

******

"Eli?" Pagtatanong niya sa lalaking nakatalikod habang naka-upo ito sa damo.
"Hey." Lumingin sa kanya ang huli at ngumiti ito sa kanya. "You're late." He pouted.
"Sorry nga, ito naman tampo agad." Sabi naman niya dito at tinabihan niya ang huli sa pagkaka-upo.

Agad niyang namalayan na nilagay ni Eliseo ang ulo nito sa hita niya. Humiga sa hita niya si Eliseo habang nakatingin ito sa kanya na wari ba'y may iniisip itong malalim.

"What's wrong, Eli?" Naka-kunot ang noo niyang pagtatanong sa huli.
"Nothing, I just can't believe na naging parte ka sa buhay ko, I love you so much, Aris paka -tandaan mo iyan, I always do." Saad sa kanya ni Eliseo habang nakatitig ito sa kanya at habang ang isang palad nito ay nasa kaliwang pisngi niya. Napapikit naman siya dahil sa ginawa ng huli, at dinama naman niya ang init ng palad nito na nakahawak sa kaliwang pisngi niya.

"Me too, I always love you." Saad niya dito "... It's our one month Eli." Naka ngiti niyang saad sa huli at ipinatong niya ang kaliwang kamay niya sa kamay ng huli na nasa kaliwang pisngi niya pa din.

"Wait, what's happing?, Ba't ka nagiging malabo sa paningin ko at bakit ang putla mo? Eli ...??" Naguguluhan niyang tanong sa huli habang tumutulo ang luha niya sa kanyang pisngi. "Eli, what's happing to you ...!" Umiiyak na talaga niyang tanong sa huli dahil unti -unti na itong naglalaho sa paningin niya.

Abut-abot ang kabang naramdaman niya dahil sa nagaganap. Parang may bumara naman sa lalamunan niya nung magsalita ulit ang huli.

"Please don't cry, Aris, don't make this hard to me ... Nahihirapan na nga ako dito ohh, please." Saad ng huli sa kanya habang nakahawak pa din ito sa pisngi niya. " I don't want to leave you like this, don't cry please ... I love you so much, Aris and always remember that, okay ... I always love you even in the next life ..." Unti-unti na itong nagiging invisible sa paningin niya.
"Eli, don't leave me please ... Sasama na lang ako sa'yo, 'wag mo akong iwan, di ko kaya ..." Naguguluhan pa siya dahil hindi pa pumapasok sa isipan niya ang mga nangyayari ngayon.

Kani-kanila lang ay kausap pa niya ito sa cellphone niya pero ngayon, unti-unti na itong naglalaho sa kanyang paningin at tila ba'y nagiging hangin ito.

"Please, don't say it darling, magmamahal ka pa ng mas higit pa sa pagmamahal mo sa akin ... May magmamahal pa sayo .. okay? Hindi dito magtatapos ang pag-ibig mo, okay? ..." Ngumiti ito sa kanya, a half smile flash on his handsome face while theirs a tears flowing down to his cheeks. "Please let me go ..." Umiiyak nitong Saad sa kanya.
"Eli no ... Please huwag mo akong iwan ... Eli ... No ... Please don't go ... No ..." Mas lalo pa siyang naiyak dahil tuluyan na itong naglaho sa paningin niya. "Eli .... No ... I love - " napahagul-hul na siya ng iyak dahil tuluyan ng nawala sa paningin niya ang taong Mahal niya at kahit presenya nito ay hindi na niya maramdaman ... "you so much ..." Huli at halos bulong na niyang saad sa huli kahit na wala na ito sa paningin niya.

"I love you, Aris." Isang mainit na hangin ang huli niyang naramdaman bago sakupin ng malamig na hangin ang buong sistema niya.

I'm In Love With A Ghost Where stories live. Discover now