CHAPTER TWO

52 1 0
                                    

CHAPTER TWO
********

"Itago't magsinungaling ka man sa akin, ngunit, hinding-hindi mo maitatago sa iyong mga mata na ako'y iniibig mo.

'wag kang magalala dahil Ika'y tinatangi din nitong pusong sabik sa pagmamahal, kaya't maaari bang tayo na lang?
Maaari mo bang pasiyahin ang aking mundong matamlay."

-----------------------------------------

HINDI pa man siya nakapasok sa loob ng kanilang bahay ay rinig na rinig na niya ang sigawan ng kanyang mommy at daddy.

"Ano ba, Frank, walang kinalaman dito si Eli, so stop blaming your son here, ikaw ang may kasalanan kung bakit nawalan tayo ng anak!" Rinig niyang giit ng kanyang ina sa kanyang ama.
"Seriously? Kung hindi naglayas 'yang anak mo hindi natin siya hihigilapin kung saan-saan at hindi sana tayo na aksidente!" Giit naman ng kanyang ama.
"Paulit-ulit na lang ba tayo dito, Frank?" Napapagod na tanong ng kanyang ina sa ama niya. "Can we forget the past, Frank ... Don't shut yourself to the past, may anak kang nasasaktan dito sa pinanggagawa mo, so please, kalimutan na natin ang nangyari ... Frank, Naiintindihan mo ba ako? Dahil kung palagi na lang ganito ang pinapakita mo sa bunsong anak natin baka mangyari na naman ang nangyari noong una and worst baka 'di na natin makita pang muli ang anak natin, kaya hinto ka na Frank ..." Umiiyak na litanya ng kanyang ina sa ama niya.

Nagtaas kamay lang ang kanyang ama bago iniwan ang Ina sa sala.

BAGO pa man siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila'y umupo muna siya sa hagdan sa tapat ng kanilang main door.

Totoo naman talaga, kung hindi siya naglayas ay hindi sana siya hahanapin ng mga magulang niya at hindi sana na-aksidente ang mga ito.

Napasabunot na lamang siya sa kanyang buhok habang nagsisimula ng pumatak ang kanyang mga luha. "Kung naging patas lang sana si dad, hindi naman ako maglalayas nun eh." Saad nito sa sarili.

"Eli?" Agad siyang nagangat ng tingin nung marinig niya ang boses ng kanyang nana Lisa.
"Nana." Para siyang batang paslit habang pinupunasan ang mga luhang tumulo galing sa kanyang mga mata.
"Okay ka lang?" Pagtatanong sa kanya ng kanyang nana Lisa.
"O-okay po ako." Pagsisinungaling niya dito.
"'wag ka sanang magtanim ng galit sa daddy mo Eliseo, hayaan mo, balang araw makakalimutan din niya ang sinapit ng iyong kapatid." Ang saad nito sa kanya "Naiintindihan mo ba ako, Eliseo?" Pagtatanong nito sa kanya.
"Hindi ko alam Nana Lisa, dahil nagsisinungaling ako kung sasabihin kung Wala akong galit kay dad ... Dahil sa totoo lang nana Lisa, Bata pa lang ako ay may galit na akong nararamdaman kay dad. " Ang sabi niya sa nana Lisa niya. "Sige nana Lisa, pasok na po ako, magpahinga na din kayo nana Lisa." Pagpapaalam niya dito.

Agad siyang nagbuntong hininga bago pinihit ang door knob at nung makapasok siya sa loob ng kabahayan ay wala na 'don ang ama niya tanging ang kanyang ina na lang ang nakita niya habang naka-upo ito sa pang-isahang sofa.

"Anak, Eli." Tawag sa kanya ng Ina.

Binalingan niya ito ng tingin.

Nais man niya batiin ang Ina at gawin ang kinagawian niya sa tuwing uuwi siya galing sa skwela pero mas pinili niyang 'wag magsalita at hindi pansinin ang Ina na nakatingin lang sa kanya.

Agad niyang binaybay ang hagdan paakyat sa kwarto habang puno ng pagdaramdam ang kalooban niya.

"Ano ba ang muwang sa batang singko anyos sa mundo? Diba wala pa ... Kung alam ko lang sana nun ang kahihinatnan sa aking paglalayas 'di sana, hindi ko na lang ginawa ang paglalayas pero bata pa ako nun, hindi ko pa alam ang mga kalalabasan sa mga bagay-bagay na aking gagawin.

I'm In Love With A Ghost Where stories live. Discover now