CHAPTER FOUR

24 1 0
                                    

CHAPTER FOUR
******


      SABADO ngayon pero kinakailangan niyang gumising ng maaga para ihanda ang sarili dahil pupunta siya ngayon sa flower shop ng kanyang ante upang bumili ng bulaklak para sa kanyang lolo't lola na matagal ng namayapa at pagkatapos nun ay di-deretso na siya sa sementeryo kung saan nakahimlay ang lolo't lola niya. Hindi niya dapat makaligtaan ang araw na ito dahil ngayon ang anniversary ng pagkamatay ng kanyang lolo't lola.

Insaktong alas otso y medya siya nakarating sa flower shop na pagmamay-ari ng kanyang ante Claire na kapatid ng kanyang daddy. Insakto ding kakabukas lang din ng shop, Wala pang mga costumers dahil maaga pa kaya malaya siyang nakakatingin sa mga bulaklak na naka- display.

"Oh, Eli, may napili ka na ba?" Pagtatanong ng kanyang ante sa kanya na siyang ikinaligon niya sa huli, napa-igtad pa siya nung nagsalita ang ante Claire niya dahil hindi niya alam na nasa likod niya pala ito.

Nagbuntong hininga lang siya at napakamot sa ulo. Hindi niya alam kung ano ang bibilhing bulaklak. Rosas ba o ang Jonquil na parehong paborito ng kanyang lolo't lola.

"Ito pong Rosas at jonquil, ante." Tugon niya sa kanyang ante.

Nang maibigay na nang kanyang ante Claire ang mga rosas at jonquil ay agad siyang nagpasalamat dito at umalis na. Bago siya tuluyang pumunta sa sementeryo ay dumaan muna siya sa may simabahan upang bumili ng dalawang candila.

Fifteen hanggang sa thirty minutes ang byahe papunta sa sementeryo dahil nasa labas ito ng lungsod nila pero dahil sa nag- GCQ sila ngayon ay matumal lang ang mga sasakyang nakakalat sa lansangan kaya madali siyang makarating sa Ichon sementery kung saan naka-lagak ang kanyang lola't lolo. Isa iyong private sementery.

Mga alas nuebe bente  na siya nakarating sa sementeryo. Agad naman niyang pinarada sa labas ng mausoleum ng lolo't Lola niya ang kanyang motor. It's been a months na hindi siya naka punta sa puntod ng kanyang lola't lolo dahil sa pagiging abala niya sa mga gawain niya sa pag-aaral.

Nang makapasok na siya sa loob ng mausoleum ay iginala niya ang kanyang tingin sa apat na sulok ng mausoleum. Ano kaya ang magiging reaction ng mga magulang niya, lalong-lalo na sa daddy niya kung magpapakamatay siya, at tanging larawan na lamang niya ang magiging bakas sa kanyang mga ala-ala nung nabubuhay pa siya? Siguro ay doon pa ma-realize ng kanyang daddy ang kanyang pagmamahal dito. Ang mga sakit na binigay niya sa kanya. Will, ganyan naman ang mga tao diba? Doon lang makikita ang kahalagahan ng isang tao kung wala na ito o kung patay na ito.

"Nay, Tay. Musta na po?" Pagtatanong niya sa lola't lolo niya habang nilalagay niya ang dalang mga bulaklak sa gitna ng dalawang puntod. "Kung nandirito pa siguro Kayo ngayon, may kakampi sana ako." He started to cry habang sinisindihan niya ang dalawang kandila. "I just wanted to disappear nay, tay. Di pa rin ako napapatawad ni dad. Ako pa din ang sinisisi niya sa pagkawala ng anak niya. He always go back to the past kung magagalit siya. Ang unfair ni dad."

Dalawang oras siyang mananatili sa mausoleum ng lolo't Lola niya. Doon niya pinalabas lahat ng hinanakit niya sa ama. Wala naman siyang mapapalabasan. Close sila ni Nicole pero di niya gustong maka abala dito dahil busy din ito sa buhay. Lalong-lalo na ayaw niyang maglabas ng sama ng loob dito dahil baka masabi nito kay Aris ang mga pinag-daraanan niya. Ayaw niyang kaawaan kaya hangga't sa kanya niya ay sinasarili niya ang kanyang mga hinanakit at problema.

Pinatahan niya ang kanyang sarili sabay punas sa mga luhang lumabas sa mga mata niya. He smile, as he stared at the picture of his lola. Nung nabubuhay pa ito ay sobrang close nila. Ito ang unang naka alam na hindi siya straight na lalaki. Grade nine siya nun nung pinagtapat niya sa lola niya ang tunay na nararamdaman. Ang buong akala niya noon ay magagalit ito at magsusumbong sa ama niya pero nagkamali siya, ang lola niya ang unang taong tumanggap sa kung sino siya.

I'm In Love With A Ghost Where stories live. Discover now