Mga Alagad ni Andre
7:15 PM
Gian:
Poporma na talaga ako kay Kim
Cyd:
Finally?
Travis Avan:
Support lang kita baby
River:
Hinintay pa kasing umabot ng ilang buwan
Kung yung mga araw na yon kumilos ka na sana diba
Dous:
Chill
Ang mahalaga napag-isipan na
Andre:
Ako na bahala sa gin bilog pag nabasted
Gab:
Kaya walang may gusto sayo dito e
Andre:
Bawal na ba ako magsalita dito?
Gian:
Mas okay yatang hindi ko na lang sinabi sa inyo
Wala naman kayong nadudulot
Cyd:
Ako na bahala ng gastos sa first date niyo
Basta yon na ambag ko ha hanggang lamay mo na yon
Gian:
Tangina mo salamat?
Andre:
Ang lagay ba e siya lang?
River:
Nakakatampo cyd
Cyd:
Sige rivs ako na bahala sa tuition pag nagka-anak ka
River:
Valid yan ha?
Na screenshot ko na, baka mangailangan sa future
Cyd:
Oo naman basta ba si Brandy ang nanay
River:
Gago
Wag na iyo na pera mo
Di mo pa ko diretsohin na kuripot ka pagdating sakin
Cyd:
Pag hindi siya mabaog ka na lang
River:
👍
Andre:
HAHAHAHAHAHA
River:
Liligawan mo o aamin ka muna?
Dous:
Tanungin mo na agad kung pwede maging kayo
Gab:
Dos sabihin mo kayang ayain na niya ng kasal nahiya ka pa sa pagka speed e
Travis Avan:
Ganon daw talaga dapat
Speed lang
Gian:
Velocity to uy
Di lang basta speed dapat may direction
Gab:
Alam mo pala yan gi? Nag-aaral ka pala
Gian:
Diniscuss ni ma'am princess yan nung grade 8
Travis Avan:
Bakit parang wala akong natandaan na ganyan
Gian:
Natutulog ka kasi nung diniscuss yon
Cyd:
Pumapasok ka lang naman talaga para matulog
Gian:
I-chachat ko na anong sasabihin ko?
Kinakabahan ako
Gab:
Sabihin mo hi
Cyd:
Tapos dugtungan mo 'ikaw na ba ang bucks sa starbucks?😍'
Travis Avan:
Try mo tanong 'open minded ka ba?'
River:
Ano yan front row
Andre:
Rivs sendan mo nga ng mga banat ni brandy sayo
River:
Wag baka mabasted kaagad si gi
Gab:
Hahahahaha
_______
A/N
I published this story here na hindi naproof read so expect grammatical and typographical errors.
Long chapters ahead.
May narrations po epistolary ko and mahaba each chapter, so if you don't want that, sinasabi ko na po to save your time
YOU ARE READING
Cupid's Chokehold
Teen FictionEpistolary: QL Series #2 Gian Enoch Arenas QUANTUM LEAP SERIES "I know I'm young but if I had to choose her or the sun I'd be one nocturnal son of a gun."
