I feel heavy, 'yung katawan ko parang bibigay.
Kulang tulog ko kagabi, I had to finish my report sa isang subject. Ppt, as well as portfolio. Tapos nagreview pa ako dahil may quiz saka recitation sa magkasunod na sub. Hands on pa pala sa major shit.
Lord pakiremind po ako bakit ko ulit kinuha 'tong bio.
Habang inaantok pa nasa tapat na ako ng daan malapit sa rios, tatawid na lang ako tapos ilang lakad pa. Kahit parang zombie ako parang ang gaan ng mga dala ko ngayon?
Lalakad na sana ako patawid, kaso paghakbang ko imbis na umabante napaatras ako at muntikan ma out of balance dahil may humila sa'kin.
Ramdam ko 'yung paghila sa hood ng sweater ko. I was ready to go berserk, pag ganito pa namang kulang ang tulog ko makakakain ako ng tao.
Paglingon sa likod, nakita ko ang dahilan kung bakit hindi ako tuluyang nakatawid.
Si Gian nanaman, binitawan niya ang pagkakahawak sa hood ko.
Masungit ang tingin nito sakin.
Aba kung may dapat magsungit dito ngayon ako yon. He literally dragged me from the hood of my jacket, I almost hit my face on the ground.
"Tumingin ka nga muna sa kaliwa't kanan bago ka tumawid."
"'Di na kailangan 'yon hihinto naman sila pag nag-iron man hand ako."
I said proudly, pinakita ko pa kung paano ko itaas ang palad ko tulad ng ginagawa ko pag tumatawid para himinto ang mga sasakyan.
"Batas ka ba?"
"Medyo, ngayon mo lang alam? Tabi nga magsusunog pa ako ng kilay sa lib."
Actually mamaya pa talagang 9:30 pasok ko, maaga akong pumasok para magreview sa lib, pag sa bahay kasi baka tamarin ako magreview at baka dumiretso ang tulog ko.
Imbis na umalis sa dadaanan ko sumabay pa sa akin sa pagtawid.
Hindi ko na siya pinansin dahil marami talaga kong iniisip ngayon, next time na niya ako landiin. Aral muna.
Payapa na akong nasa lib at nagbabasa nung natigil ako dahil sa umupo sa harapan ko. Siya nanaman, ang lakas ng trip nito ni Gian, bakit hindi niya to ginagawa dati nung crush na crush ko pa siya.
May coffee siya na nilapag sa table sa inislide niya palapit sakin, kasabay ng paglapag niya ng books na nalimutan ko kahapon sa kotse niya.
"Drink that, mukha ka ng bibigay sa antok."
"Bawal 'to diba?" Mahinang bulong ko tapos hesitant ko pang kinuha yung coffee kasi baka mahuli ako, bawal food sa lib.
"Batas din ako dito."
Buti na lang wala yung masungit na bantay ngayon.
Student assistant lang nagbabantay. Friend niya siguro.
"Edi thank you po. Wala ka bang pasok?"
"Wala, my class starts at 10. I went early because you said you need your books."
Salamat naman.
After non saka ako nakapagfocus magbasa not until tumunog phone ko.
Yung kagroup ko sa reporting. Shuta parang gumuho mundo ko, major ko yon I can't fail.
Hindi daw niya nagawa yung ppt saka hindi naaral yung report kasi busy siya, since 3rd year na siya at ewan ba't tinetake niya course namin. Pero nagpetiks siya while I can't do that. Actually tatlo kami, yung isa walang pake sa report kaya ako na nagcover nung gagawin niya.
Ang unfair putangina andami ko ng problema e.
Bakit nagsabay-sabay. Masakit pa loob ko don sa hindi nagpapasa sakin ng assignment kasi nalate ako ng one minute.
No choice ako na gagawa ng buong report at kailangan ko tapusin ng buo in 40 min. Andami non.
I was about to do it kaya hinanap ko mga gamit ko.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko noong marealize ko na nakalimutan ko pala laptop saka portfolio sa bahay for report, kaya pala ang gaan ng bitbit kong bag.
"Hey bakit ka umiiyak?"
Napatingin ako sa harap ko saka ko naalala na nasa harap ko pala si Gian, hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.
I tend to cry whenever I feel something is unfair. Nakakainis yung mga kagrupo ko kasi parang wala lang sa kanila while pagod na pagod ako sa pagtapos ng report, gagawin ko pang buo. I also have lots of subjects to think about, nagpuyat ako and all tapos sila kukuha ng credits. Nakakainis yung teacher na hindi nagbigay ng consideration kasi nalate ako magpass ng one minute, I attended some class before that. Nakakainis yung sarili ko nakalimutan ko pa yung report sa bahay.
"Y-yung report ko." Sumbong ko habang naiiyak pa rin.
Ewan ko I'm at my vulnerable state I told him about everything today.
Everything is so fucked up, umagang-umaga pa lang.
"Napakaiyakin nito."
"I have to finish the report pa, i have a class na hindi ko na maabutan yon." Umiiyak pa rin na sabi ko. Anong gagawin ko?
"Sandali, diyan ka lang."
"Bakit?"
"Ako na kukuha ng mga naiwan mo sa bahay niyo, pumasok ka na ng first class. For now type mo sa phone mga kulang pa sa ppt mo tapos copy paste na lang pagdating ng laptop mo. Second class pa naman reporting mo diba?"
Tumango ako habang umiiyak pa rin.
"Instruct mo na sa bahay niyo na iready yung kukunin ko matatagalan pag ako pa hahanap, tumigil ka na sa kakaiyak tulo sipon o."
"Hmm, I'll tell kuya Hans na ibigay sayo agad pagdating don, kilala mo yon diba?"
"Aight, magpunas ka ng sipon bago pumasok sa klase."
YOU ARE READING
Cupid's Chokehold
Teen FictionEpistolary: QL Series #2 Gian Enoch Arenas QUANTUM LEAP SERIES "I know I'm young but if I had to choose her or the sun I'd be one nocturnal son of a gun."