Mga Alagad ni Andre
5:12 PM
Gian:
Aaaaaa
Kinikilig ako
Cyd:
Tinanggap niya?
Gian:
Oo gago
Nung inabot ko yung graham yung ngiti niya aaaaahhhg
Ang ganda ganda niya ngumiti!!!
Tas yung mukha niya?
Tanginang mukha yon ang ganda
Nakita niyo ba yung mga matang yon?? Parang bituin kumikinang
Tapos nanood siya sa performance natin kahit na sa jhs tayo
Dous:
Ang lapit lang naman ng jhs satin oa mo naman kiligin
River:
Grabe ayokong umabot sa point na ganyan
Gab:
Medyo cringe
Cyd:
HAHAHAHAHAHA
Gian:
Gago wala na akong pakialam basta ako masaya
Andre:
Bastedin ka sana
Cyd:
Kelan kaya yung akin
Pag ako talaga nagkajowa pati mga girlfriend niyo kikiligin samin
Doon niyo malalaman ang tunay na all in😎
Gian:
Pag kayo talaga dumating sa puntong ganito, ako unang unang mumura sa inyo
Gab:
Sige
Matagal pa naman yon gi
Sa ngayon ikaw na muna pagtutulungan namin
Andre:
Sa totoo lang proud talaga kami sayo
Akala ko habang buhay kang torpe
Gian:
Akala ko rin
Pero iniisip ko pa rin paano pag nag reunion kami
Alam pa naman nila marami pa rin akong chics, anong sasabihin ng mga kamag-anak ko
Nako mapapahiya angkan namin😔
Cyd:
Tanga yan pa talaga naisip mo HAHAHHAHAHAHA
Dous:
Kanina talaga ramdam ko yung pagtataksil
Yung graham na binigay satin isang lalagyan lang hati-hati pa tayo yung kay Kim andami
River:
Parang napilitan pa tayong bigyan tira-tira pa nga yata yon
Gian:
Sino ba kayo
Pasalamat kayo binigyan ko pa kayo e
Basta kay kim all in😍
Ahh the things i do for love nga naman😌
YOU ARE READING
Cupid's Chokehold
Teen FictionEpistolary: QL Series #2 Gian Enoch Arenas QUANTUM LEAP SERIES "I know I'm young but if I had to choose her or the sun I'd be one nocturnal son of a gun."
