Hindi mapakali si Wren. After ilang months or say a year nandito nanaman siya sa office ng dean because of the same reason at hindi nakakatulong ang lamig at ingay ng aircon sa katahimikan ng buong office.
She shifted from her seat, unable to keep herself calm.
Isang pagkakamali pa baka itakwil na siya ng daddy niya, kakabasag lang niya sa iniipon na collection nito last week at hindi pa sila totally okay.
Kanina pa rin niya hinihintay yung reply ng mga kaibigan niya.
'di kaya pinaprank lang siya ng mga kaibigan niya at di talaga nila pinuntahan ang kuya niya?
Ang weird kasi ng chats ni ayi, no -scratch it halos lahat ng mga tao ngayon weird simula pa kaninang umaga.
Kagaya kanina nung bumaba siya para kumuha ng tubig at nakasalubong niya ang ate Hana niya, naalala niya yung pinagsasabi ng ate niya.
"Bumaba ka na pala? Naayos ko na kasi yung pinapaayos ni And-
Gulat pa ito nang makita siya, animo'y nakakita ng galing ibang planeta.
"Sino? And?
"Si undertaker oo, kilala mo yon?"
Gulat man at nagtataka ay tumango na lang siya, siyempre kilala niya yon. Sino nga bang hindi nakakakilala kay undertaker.
"Nanonood kasi akong wrestling, enjoy pala 'no?"
Tapos non ay iniwan siya kaagad. Minsan talaga may panahon na hindi niya magets ang ate niya, siguro totoo yung you can't have it all. May flaw rin pala kahit mga eleganteng tao.
Napakamot si wren sa ulo noong mainip ng kaunti, nasaan na ba ang mga kaibigan niya?
"Miss Riva-aguero ayan na pala yung may ari."
Napatayo siya ng mabilis at parang natanggalan ng tinik sa dibdib nang makita kung sino ang papalapit.
"Caleb!"
Yun ang dahilan kung bakit siya ngayon nakasakay sa puting corvette na nabangga niya kani-kanina lang.
"Huy sino ba kasing kaibigan mo yung may ari? Di ba pwedeng pakiusapan na lang baka isalvage ako leb."
Pakiusap niya, nasa shotgun seat habang nagmamaneho si caleb na nakangiti ng marahan.
Pinapatawag daw kasi siya ng may ari ng kotse na kakilala pala ni caleb. Di naman siguro siya pababayaan ng kaibigan?
"Relax ka lang diyan, hindi ka naman siguro papatayin."
Gago? Dapat ba akong matuwa sa sinabi niya
"How ironic, I always found myself leading you back to him."
"Ano leb? 'Di ko narinig."
"Wala, ang sabi ko pag masaya ka masaya na ako."
"Tanga mukha bang masaya ako?! Can't you tell pinagpapawisan ako ng malamig baka malaman ni dad 'to! Leb itatakwil na niya ako."
Ever since this morning nothing's going her way. Pumunta siya sa library para magbasa pero hindi rin niya natagalan dahil naaalala niya si Gian na madalas niyang kasama magreview doon, so she decided to go to District cafe instead. Which seems to be a bad decision, pagkapasok na pagkapasok niya debut song ng Quantum leap ang tugtog sa cafe, ang malala pa iyon ang paboritong kantahin ni Gian sa kaniya. She waited until the end of the song but it's not really her lucky day. The band's song played one after another, and another yet again. Kaya padabog niyang nilisan ang cafe.
Pagbalik niya sa RIOS naabutan niya sa quadrangle ang iilang estudyante na parang may tinitilian, dalawang estudyante na nagpipicture doon.
Mga bastos! Kung gusto niyo maglampungan wag dito. Sa isip niya.
Kaya napagdesisyonan na niyang umuwi ngunit naharang naman siya para hiraman ng kinse pesos at ngayon nasa isang kotse siya na nagasgasan niya.
Putangina ng buhay simula kanina lahat ng kaganapan sa kaniya naaalala niya si Gian at hindi na siya natutuwa.
Ilang sandali lang ay parang nagiging pamilyar sa kaniya yung daan.
Papunta samin ata 'to?
He asked caleb about it, but he just smiled at her.
Bababa na sana siya para tignan kung nasaan na ba sila at bakit parang nasa subdivision nila sila noong bigla siyang nakarinig ng malakas na tugtog.
Hala gagi talaga yung taga kabilang villa ang tapang sa isip isip niya, bawal kasi sa subdivision nila yung masyadong malakas na tugtog.
Mapapagalitan nanaman yon sa homeowners.
"Baba."
"Huh?"
"Hinhintay ka na ng may ari."
"Sa tapat ng bahay namin?"
Pinagbuksan na siya ni Caleb ng pinto kaya naman ay sumunod na siya.
Ngunit biglang nabingi siya sa lakas at kabog ng sariling dibdib sa nakita pagkalabas ng kotse.
In front of their house, there are 7 handsome idiots dressed in barong tagalog, holding each of their own instrument.
Gagi anong nangyayari? Gulong-gulo at litong-lito na siya.
She mouthed 'WAIT' to them and she ran as fast as she could hanggang sa makalapit na siya sa tapat ng gate kung nasaan ang mga ito.
Ang malupit pa hindi lang sila, sa likod ng mga binata, nandoon nakatayo ang tatlong tangang kaibigan niya na naka pilipiñana at may tig-iisang hawak na maracas.
Nakadecorate pa ang tapat nila.
Lahat sila nakangiti maliban na lang kay dous na magkadikit ang kilay sa harap ng drumsets niya at kay elaine na mukhang 'di na natutuwa sa nangyayari. Nangangati na siya dahil sa suot niya.
Wren doesn't know what to feel. She can't even process what's happening.
Nakangiting sumalubong sa kaniya ang nag-iisang lalaking gustong-gusto na talaga niyang makita. Perhaps the guy is also the reason of her grumpiness these days. Because she missed him, his presence, his smell, his company, everything about him.
"Binibini sa aking pagtulog-
"Tanga wala pa."
Nakatanggap ng isang hampas ng drumstick si andre mula kay gab, drumstick na nahablot pa nito kay Dous.
"Aray ansakit non! Sorry naman naexcite lang."
"Uh-ehem mic test ah-ah spaghetti, pansit mic test." Si Gian iyon, nasa harapan, at sinusubok ang mikroponong hawak.
Bakas ang pagkakaba sa mukha nito at ang paglipat ng paningin sa bintana at labas ng gate ng ibang bahay dahil nagsilabasan na para maki-usyoso.
Hindi man masabi ni Wren pero gustong-gusto na niyang takbuhin at yakapin ang binata, his hair's in a brushed up manner parang sa sinaunang panahon talaga, ibinagay sa suot nila na barong.
Walang naiintindihan si wren sa nangyayari pero hinayaan niya na lang, ang mahalaga ay ienjoy niya 'tong moment.
Ganon siguro ang pakiramdam ng may manliligaw na manghaharana, natutuwa siya sa pakiramdam.
"Doc nahihiya na ako sa pinagagawa ko ngayon, gagi ngayon nagsisink in sakin kaya kailangan ko na umpisshan 'to bago umurong ang lakas ng loob ko. Kaya pala tinawanan ako ng mga mgaulang mo nung nagpaalam ako."
Dinig ni Wren ang tawanan ng mga 'audience' na kasama na pala ang daddy at mommy niya na nasa likod niya at magkayakap na nanonood.
"So, for the lady who keeps my heart beating extra faster and sometimes a beat slower, who managed to mess up my system 24/7 this is for you, my doctora." Huling wika nito bago kumindat at tinuro siya saka nagsimulang kalabitin ang bawat kwerdas ng gitara at simulan ang marahan at malumanay na pagkanta.
YOU ARE READING
Cupid's Chokehold
Teen FictionEpistolary: QL Series #2 Gian Enoch Arenas QUANTUM LEAP SERIES "I know I'm young but if I had to choose her or the sun I'd be one nocturnal son of a gun."