CCH #53

1.8K 33 6
                                    

Kim's

"Sandali sumakit yung balakang ko, tapos naman na tayo tara na sa cottage?"

Nag-inat pa ng kaunti si Mavis, medyo tumunog pa nga yung buto niya.

Tumulong kasi kami sa pag set up ng tent.

"Sige mauna ka na, liligpit ko lang tong ibang gamit."

"You sure?"

"Yeah, sunod na lang ako."

Paninigurado ko sa kaniya, nakangiwi pa siyang naglakad papaalis.

Yung iba nasa cottage na at nag-iihaw habang hinihintay namin sila Brandy na bumalik mula sa pag grocery.

Banda sa likod ko andoon si Gi, nakaupo lang siya malapit sa isang tent. Hawak yung phone habang naglakad malapit doon sa kita yung pond.

Eto rin kasi yung dahilan kaya nagpaiwan ako at hindi muna sumama kay mavis.

Kahit na kinakabahan at parang lalabas na yung puso ko sa lakas ng kalabog, hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya.

Ngayon nakaupo na siya sa upuan na semento doon sa ilalim ng isang puno, kung di ako nagkakamali puno yon ng bulak. Sa ilalim kasi ay may sementong lamesa at upuan, maliit lang.

Nakaupo siya don tutok pa rin sa phone niya.

"Gi.."

Mahina ang pagkakasabi ko, humarap siya sa akin, ni walang mababasang emosyon sa mukha niya.

Dapat matuwa ako kasi hindi mukhang galit siya sa akin pero ganon yata talaga pag mahal mo yung tao. You'll become greedy. Kasi imbis na matuwa ako nasaktan ako na wala na yung dating malambing na mukha at nagniningning niyang mata pag tumitingin sakin.

I lost my sweet and lovely Gian, oh god what have I done?

"You need something?"

"Ano.. can I talk to you? Please?" Nung nakita kong wala pa rin siyang balak sumagot sinegundahan ko na agad, "kahit saglit lang, I'll answer your questions."

Ilang segundong katahimikan, kada segundong lumilipas mas lalong lumalakas ang kaba ko.

"Sit." He motioned his hands, kaya naman dahan dahan akong umupo sa harap niya. Ngayon seryoso na ang mukha niya.

Ngayong nandito na hindi ko naman alam kung saan sisimulan.

"Gi I'm sorry. Sorry kasi umalis ako ng walang pasabi, believe it or not hindi ko ginusto na saktan ka."

"But you still did."

Natahimik ako, hindi alam kung ano yung susunod na sasabihin habang nakayuko lang.

"Sorry.." sorry, yun lang naman yung kaya kong sabihin e, at naiinis ako sa sarili ko.

"You could've at least told me you're leaving. Para hindi ako mukhang tanga."

"I'm- ayokong saktan ka, I couldn't face you."

"Hindi naman tayo mahihirapan ng ganito kung sinabihan mo man lang ako diba, 'gi aalis na ako, iiwan na kita, forget about me kasi ayoko na.' Kim that's better than leaving me without saying anything. Gigising na lang ako ni walang kaalam-alam iniwan na ako. It's like all those 5 years that I spent with you was nothing. It felt like I was nothing. Parang hindi mo man lang ako kakilala kung iwan, alam ko wala naman 'tayo' non pero sana naisip mo man lang."

Once again, natahimik ako. I don't know what to say anymore. Alam ko analaki-laki ng pagkakamali ko. All this time sa lahat ng desisyon ko palaging palpak. Si gi lang yung desisyon na hindi ko pinagsisisihan, siya lang yung magandang desisyon ko sa buhay. Sana.

Kung alam mo lang, you're my everything.

"Ganon lang ba? Yun lang ba yung tingin mo sakin kaya isang iglap nakaya mo akong iwan na walang pasabi? You're not sure with me right? Hindi mo nakita yung hinaharap sakin? You can say it."

Dinig ko yung panginginig ng boses niya, ni hindi ako makatingin sa kaniya at dahil nakayuko ako kita ko yung pagkuyom ng kamay niya sa lamesa. He's mad.

"No! No gi hindi mo alam kung paano ko kagustong ikaw yung lalaking maghihintay sakin sa altar. You don't know how I wished every night, every night na ikaw na yung ibigay sakin, kasi sayo lang ako tama ng desisyon. Hanggang ngayon, sayo lang ako sigurado Gi, bigyan mo naman ako ng pagkakataon."

Akala mo lang ikaw yung mas nagmamahal satin pero alam ko, mas baliw ako sayo non. Ako yung pinakamasayang tao non.

"Hindi mo pa nasasagot yung pinakasimpleng tanong, bakit ka umalis?"

"It's because of him again, si dad. Alam mo naman siya diba? Dahil lang bumaba yung grades ko kumpara dati, gusto niya ilayo ako, he said mas better abroad. Isa pa I thought I always have to choose between you, and my friends family- their dreams for me."

Ramdam ko yung panunubig ng mata ko at pagbara ng kung ano sa lalamunan. I tried hard not to cry.

"Gusto kong patunayan sa kanilang lahat na kaya ko at hindi ka hindrance sa mga pangarap ko gaya ng sinasabi nila. But, while Im proving myself to them, I lost you along the way."

Hindi ko na napigilang mapaluha.

"I didn't consider na I don't have to choose naman, na kung sinabi ko sayo you would understand and we could've fix it together pero siguro natakot rin kasi ako na pag nalaman mo sumuko ka sakin e."

"Kaya naisip mo na wag na lang sabihin sakin? You think I was that petty? Na aayaw ako kasi long distance? Susuko akong ganon? Kilala mo ba talaga ako? You left me without anything, and you thought that was better? That doesn't make any sense kim, alam ko matalino ka so think about it, anong rason ang sinasabi mo sakin. That's bullshit."

"Gi sandali I-

Bago ko pa matapos yung sasabihin ko umalis na siya, he's still mad.

Cupid's ChokeholdWhere stories live. Discover now