Anak ng tokwa
3:18 PM
Wren:
Guys
Saisha:
O ano nang nangyari?
Sabi na kasing puntahan na kita
Ayi:
Ano pong meron?
Saisha:
Nakabangga ng kotse sa school
Ayi:
Hala are you okay wren?
Elaine:
Ano siya si iron man?
Wala naman siyang kotse anong pinambangga niya katawan niya?
Saisha:
Kotse ni Miguel pinambangga niya
Wren:
Ayon na nga
Pwede na ako magkuwento?
Elaine:
Wait nasaan ka ngayon?
Wren:
Dito pa din sa office ni dean
Kausap niya pa yung may ari ng kotse
Elaine:
O ano na ikukuwento mo
Wren:
Pambihira
Yung may ari ng tesla
Si Gian
Saisha:
Seryoso??
Elaine:
Ang daming mababangga kaniya pa napili mo
Sinasadya mo yan no
Wren:
Gaga wala akong pambayad bakit ko sasadyain
Saisha:
Ano na napagdesiyon ng dean?
Wren:
Si Gian na daw bahala sa gustong gawin
Pautangin niyo ako wala akong pera
Saisha:
Gipit ako ngayon sa allowance bahala ka diyan
Elaine:
Mas lalong ako
May utang pa ako sa kapatid ko
Ayi:
Pasensya ka na wren, pag nanghingi ako kay daddy itatanong kung para saan baka isumbong ka pa sa daddy mo
Elaine:
Daanin mo na lang sa ganda
Kaya mo na yan
Saisha:
Magpacute ka na lang
Wren:
Ayoko nga
Di naman gagana sa kaniya, ang sungit sungit nito e
Maya na lang
Saish pasabi kay migs sunduin na lang niya susi ng kotse niya kay dean
Bye
Ipagdasal niyo ako
YOU ARE READING
Cupid's Chokehold
TeenfikceEpistolary: QL Series #2 Gian Enoch Arenas QUANTUM LEAP SERIES "I know I'm young but if I had to choose her or the sun I'd be one nocturnal son of a gun."
