Quantum Leap
1:04 PM
Andre:
Walong araw pa lang akong wala sa studio parang isang taon na
Mababaliw na yata ako
Gab:
Ganyan talaga kapag walang girlfriend
Andre:
Tangina nito a
Dous:
Si Avan nagmumukmok pa rin
Bantayan niyo yung isang yon masyadong malungkot sa buhay
Andre:
Malaki na yon
Cyd nasa kompanya ka? Punta ako diyan
Cyd:
Ayoko nga, wag kang pupunta dito maghahasik ka lang ng lagim
Sa hideout ka na lang
Andre:
Umiiwas nga ako sa hideout kasi puro gitara saka mic nakikita ko
Hindi ko matanggap
Gab:
Parang may nakatanggap naman satin
Tignan niyo nga yung tatlo parang tinanggalan na ng buhay hindi na natin makausap
River:
Wag niyo ako isali diyan
May buhay pa ako di katulad nung dalawa
Andre:
Tara Rivs nomi
Cyd:
Maawa ka sa atay mo andre
Gab:
Hanggang kailan ba kasi tong parusa na to?
Andre:
Mas okay pa mamatay na lang din ako kung di matatapos to
Sunduin ko na lang nga si Gi baka game yon uminom
Sadboi ng taon yon e
Gian:
Di ako iinom wag mo na subukan
Andre:
Lah gago nabuhay?!
Gab:
Himala hahahaha
Akala ko hindi mo kami kakausapin ng ilang buwan
Gian:
Bakit ko kayo hindi kakausapin
Di lang ako nag-open ng soc meds last week kasi andaming nakikichismis
Gab:
Buti pa ito mukhang mas matino pa kay andre at avan ngayon
Iba talaga ang character development, di na nagmumukmok sa sulok
Cyd:
Ganyan talaga pag may taga-alaga
Alagang doktora hahahahahaha
Andre:
Andito ba kayong tatlo nila gab para ipamukha samin kung gano kami kamalas sa buhay
Gab:
Oo lalo na sayo
Cyd:
Dre para kanino ka bumabangon?
HAHAHAHAHA
River:
Gago ka cyd kapag yan tumalon sa bintana
YOU ARE READING
Cupid's Chokehold
Novela JuvenilEpistolary: QL Series #2 Gian Enoch Arenas QUANTUM LEAP SERIES "I know I'm young but if I had to choose her or the sun I'd be one nocturnal son of a gun."
