01

74 2 0
                                    

"Ang pangit," I said while looking at my drawing. Nasa main library ako ngayon, gumagawa ng plates. Bukas pa naman 'to pero gusto ko nang gawin ngayon. Pero gutom na ako. "Should I do this tomorrow?"



Bukas na lang. Mabilis lang naman ako gumawa ng plates.



"Sinong kausap mo riyan?" Napatingin ako kay Aiden nang bigla siyang umupo sa tabi ko. He's my best friend since high school. He looked at my drawing. "Anong nangyari riyan? Bagyo?"



I rolled my eyes. "Sketch pa lang 'yan, 'di ka marunong."



He smirked. "Nag-lunch ka na?"



Umiling lang ako at inayos ang mga gamit ko. Tumayo na ako at umalis doon. Sumunod naman sa'kin si Aiden.



"Hoy, Cass. Sabay ka na sa'kin." Sumipol siya at pinakita ang susi na nasa kamay niya.



"Oh! May kotse ka na?" Ngumisi ako sa kaniya. "Nakaw?"



"Mag-jeep ka na lang." Tinulak niya ako nang mahina pero natawa lang ako. "Sumunod ka sa'kin."



Ngumiwi ako at sinundan siya. Nang makita ko na ang kotse niya at napangisi ako. Dude, this guy is well-off. Bubuksan ko na sana ang shotgun door nang bigla akong tawagin ni Aiden. I raised my brows.



"Anong ginagawa mo riyan? Dito tayo." Tinuro niya 'yung kotseng parang pasuko na. Hindi naman masyadong luma, parang pinaglumaan lang.


 
"Huh?" Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko ang kotseng tinuro niya. "Is that even working?" I joked.



"I can make it work." Pumasok siya sa driver's seat at nilabas ang ulo niya sa bintana para silipin ako. "Halika na, gago."



I scratched my nose a little and opened the shotgun door. Pagkaupo ko ay nag-seatbelt kaagad ako. "Pwede bang mag-jeep na lang ako?"



"'Wag mong sayangin ang pera mo. Kabado ka masyado." He started the engine and looked at me. He smiled. "I know I look cool. Please, I value our friendship."



I rolled my eyes at him and held tight. I was so nervous while we were on our way. I was wondering what would happen to my life if we got into an accident. That was such a stupid imagination so I just prayed. Oh Lord, have mercy. Sounds overreacted but believe me, first time ko siya makitang mag-drive.


"Saan mo ba nabili 'to? It looks old," I asked.



"Binigay ni kuya. Bumili siya ng brand new," he replied, smiling from ear to ear. 



Natawa na lang ako nang mahina nang mapansin kong ang saya saya niya kahit napaglumaan lang ang binigay sa kaniya. Well, mukhang mas mapaparami ang takas niya kapag may sarili na siyang sasakyan. Nanahimik na lang ako habang pinapakinggan ang mga kwento niya. Mabuti naman at nakarating kami ng payapa sa area 2. Dito kami lagi nagl-lunch dahil sulit ang mga pagkain dito. Agad kaming pumunta sa lagi naming pinupuntahan na kainan.




"Naghahanap ng tutor 'yung pinsan ko. 1st year high school," Aiden said while eating. "Ni-recommend kita."



Tumaas ang kilay ko. "Paano ang sched?"



"I don't know. Weekends?" He shrugged. "Pumayag ka na. Sayang, allowance mo pa 'yon."



"Tanungin mo muna ang sched. Mahigpit oras ko sa buhay, uy."



Kung everyday ay hindi ko naman kaya. Nagwo-work ako as cashier after class sa 7-eleven, UP Town Center.



Half of 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon