18

15 0 0
                                    

It's been three days since Ate Danica lost her baby. Kinulong niya ang sarili niya sa kwarto. She hasn't eaten properly since then. We were so worried about her mental health. We tried to talk to her pero sarado ang isip niya. So, we let her have the peace that she wanted.



Brian called and texted me a few times but I didn't respond. My heart still feels heavy about it. I don't even want to talk about it. Nakakatakot ang katotohanan minsan. But I don't have a choice but to face it. I just need some space for now.



"Ate..." tawag ko kay Ate. Nakahiga lang siya sa kama habang nakatitig sa kisame. She didn't even look at me. Umupo ako sa kama. "Kakain na."



"Mauna na kayo," her voice was weak.



"Sabay ka na sa'min, ate. Naghihintay sa hapagkainan si kuya Janrei."



Nilingon niya ako. "Ano na naman ang ginagawa niya rito?"



Nginitian ko lang siya at tumayo. "Sumunod ka na roon."



Bumalik ako sa hapagkainan kung nasa'n ang mga bisita. Nandito rin ang best friend ni ate. Napatingin ako kay ate nang lumabas siya ng kwarto. Inayos niya ang magulo niyang buhok. Ate Kiana, ate's best friend, stood up and hugged ate Danica. Dahil doon, nagsimula na namang tumulo ang mga luha ni ate. Nag-iwas ako ng tingin at nilapitan si Anica.



"Cassandra, ayusin mo ang hapag. Mamaya na tayo kumain, paunahin mo ang mga bisita," sabi ni Mama.



Tumango lang ako at sinunod ang sinabi niya. Kinuhanan ko si Anica ng pagkain at hinila siya papunta sa sala. Habang sinusubuan ko siya at nakatingin lang ako sa kaniya. She was busy watching.



"Sisiguraduhin kong hindi mo mararanasan ang mga ito," I whispered and caressed her cheek.



Nilingon niya ako. "Ano po 'yon, Ate?"



Tipid akong ngumiti at umiling. "Kumain ka nang marami, bunso."



Umalis din sila ate pagkatapos nilang kumain. Pinilit pa nila si ate na lumabas dahil ayaw niyang pumayag kanina. I sighed when all the tragedies flashed on my mind. Napapagod na ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung kailan matatapos 'to. But hopefully, sana matapos na. Hindi ko na kaya, at ng pamilya ko, ang magdusa pa. We've been through enough suffering. Hindi ito ang hinangad ni Papa na buhay para sa pamilya namin.



Bago lumubog ang araw ay napag-isipan kong lumabas ng bahay. Kailangan kong libangin ang sarili ko sa dami ng tumatakbo sa isip ko. I decided to call Aiden but he didn't answer. Hindi ko na lang siya in-istorbo.

Half of 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon