04

31 0 0
                                    

Tumulo ang mga luha ko nang sabihin 'yon ni Brian. I bent down and covered my face. Hindi ko ugaling umiyak sa harap ng isang tao pero hindi ko na kayang pigilan. Tears just kept falling from my eyes. 


 
I looked at Brian when he handed me his handkerchief. He put his tongue on the insides of his cheek and put it in my hand. Nakatingin pa rin ako sa kaniya.



"Stop staring and wipe your tears." He looked away. Kinagat ko ang loob ng pisngi ko at pinunasan ang buong mukha ko dahil pawis na pawis ako. Napatingin uli ako kay Brian nang ilapag niya sa harapan ko 'yung bottled water. "Malinis 'yan."



"Tumilaok ba 'yung kambing?" taka kong tanong habang nakatingin pa rin sa kaniya. "Bakit ang bait mo ngayon?"



He scoffed. "I just don't like seeing a woman cry."



"Oh." Ngumisi ako at ininom 'yung tubig na binigay niya. "Dapat pala kapag makakasalubong kita, hahagulgol na kaagad ako para maging mabait ka sa'kin. Nice idea."



"This is the first and last time. Don't expect that we will be friends after this."



"Sus." Inirapan ko siya. Pakipot pa siya. I cleared my throat. "Hindi mo ba ako tatanungin?"



"About what?" He raised a brow.



"Kung ilang bilog ang nasa damit ko ngayon?" sarkastiko kong tanong. Naka polka dots shirt kasi ako. "Alam mo na 'yon."



"Bakit, sasabihin mo ba kapag tinanong kita?" he shot back.



"Dipende, kung hindi mo ipagkakalat," I joked. 



Ngumiwi siya. "I won't ask if you're not comfortable."



Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin. Honestly, I wanted to let my emotions out. I sighed heavily.



"Minsan, iniisip ko na lang, paano kaya kung mayaman kami in the first place? Weird, 'no?" I faked a laugh. "Ang hirap maging mahirap. Hindi ka pwedeng mag-inarte, hindi ka pwedeng magreklamo. Kung ano lang 'yung kaya, dapat makuntento. Kung may gusto ka... dapat paghirapan mo. And it's tiring."



Sinandal ko ang ulo ko sa puno at tumingala. Bigla kong naalala si Papa. Siguro hindi magiging ganito ang buhay namin kung hindi siya nawala. Siguro kung nandito lang siya... masaya rin ako tulad ng iba.



Nilingon ko si Brian at nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Natawa ako.



"H'wag mo akong tingnan nang ganiyan. Para kang naaawa." I shook my head.



"No. Bilib nga ako sa'yo," he said.



Tumaas ang kilay ko. "H'wag ka ngang plastik."

Half of 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon