11

16 0 0
                                    

"You're so deep," natatawa ko siyang tiningnan. Pero 'yung totoo, napangiti ako roon sa sinabi niya. I sipped on my drink to hide my smile.



He scoffed and sipped on his drink too. "Do you have time tomorrow?



"Anong meron bukas?" Kumunot ang noo ko at ngumisi. "Date?"



"Let's watch the sunrise," he replied, licking his lower lip. "I'll pick you up around 4am."



"Huh?" I gasped. "Gano'n kaaga?"



"I want to be with you for a long time, so yes." He shrugged. "Unless ayaw mo?"



I laughed. "Kailan mo pa plinano 'to?"



"Just now. It was just a random thought." He sipped on his drink again.



I heard someone cough behind me so I turned my gaze. Lumapit sa'min si Aiden, he was holding a wine glass. He glanced at Brian first before looking at me.



"Istorbohin ko lang kayo saglit, ah?" Nilapag niya 'yung wine glass sa table at nilingon ako. "Cass, sa rooftop tayo."



"Hmm? Okay," I slowly nodded and turned my gaze to Brian.



"Hiramin ko lang siya saglit, bro." Natatawa niyang tinapik sa balikat si Brian bago niya ako senyasan. "Tara."



Brian just nodded. "Take your time."



Nauna nang maglakad si Aiden kaya sumunod ako sa kaniya. Tumigil siya saglit at nilingon ako para magkasabay kami. Inakbayan ko siya nang makalapit ako sa kaniya. Natawa lang siya nang mahina at pinisil ang ilong ko. I gave him a death glare.



"Nagugutom ka ba? Hindi pa kita nakitang kumain kanina." tanong niya sa'kin pagkarating namin ng rooftop. "Teka, tatawag ako kay Manang."



I shook my head. "Okay lang, tanga."



Hindi niya ako pinansin at nilabas 'yung phone niya. Ngumuso lang ako at tumingala. Binalik ko lang ang tingin ko sa kaniya nang ibaba niya ang phone niya.



"Nagugutom din ako. 'Wag kang feeling." He put his hands on his pockets.



"Whatever," Humalukipkip ako. "Umpisahan mo nang magpaliwanag."



"Tungkol saan?" He laughed. "Care to elaborate?"



"Elaborate ko nguso mo." I glared at him.


Half of 365Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon