How amazing of you guys, kahit umabot tayo ng forever dito, binabasa niyo parin. Labyuuu! Sorry natatagalan lagi. Trying to get new ideas for this story.
_
B.
Nagulat nalang ako dahil namulat ang aking mga mata sa lugar na hindi ko naman nadaanan kanina. I mean, nasa loob na ako ng arena. Sitting in the bench with a bunch of tall boys. Nakatalikod sila sa akin at para bang may pinag-uusapan.
Paano ba ako nakarating dito? Nilingon ko rin ang paligid. Where's Apollo? Hindi ko siya mahanap kahit saan. Hindi kami nagpunta dito kanina kaya imposibleng makarating ako dito.
"Coach, may bagong import ang kabila. Hindi kasing galing ng Apollo pero mabilis." Sabi ng isang matangkad na lalaki.
"Huwag kayong mag-alala diyan," ngumisi ang sinasabi nilang coach. "Diskarte ko na 'yan." Dugtong nito.
"Dapat lang, kung hindi nasayang na ang pinaghirapan natin noon. Napatay pa natin ang Apollo na 'yon." Sabi ng isang lalaki.
Nakikinig ako sa plano nila. Balak nilang ipahanap ang identity at history ng import na 'yon at magagawan na ng paraan kung papaano nila mapapabagsak. Three years ago, they were the best team. Team Savior. Siyempre dahil ang MVP na si Apollo ay nasa kanila. Ngayon, threaten na sila dahil maraming umalis na team mates ni Apollo noon para hindi madamay o makatakas sa kasalanan.
Mga immoral. Siguraduhin lang nila na matatagumpay sila dahil ako? Hindi ako titigil para makamit ang hustisya ni Apollo. Mayabang siya. Leche siya para sa akin. Makulit. Nakakainis. Pero hindi ko iisiping patayin siya (kahit nga patay na siya), hindi ako gagawa ng immoral na bagay.
Tumayo ako at umalis. Laking pasasalamat ko at hindi nila ako napansin. Kailangan kong mahanap ang kabilang team, hindi man nila nasabi ang pangalan nito pero si PO3 De Vera, alam na alam niya ito. Kung nasaan man si Apollo ay hindi ko siya gagambalain. I need to save that guy, at I will find a way para makuha ni Apollo ang hustisya at kung sino talaga ang totoong may kagagawan nito.
Pagkadating ko sa opisina ay binungad agad ako ng isang lalaki. Puno ng pag-aalala ang mukha niya, mabilis niya akong dinaluhan at may pagtatanong ang mga mata niya.
"Where have you been?" Tanong ni Chief Bustamante.
Nakahawak ang dalawa niyang kamay sa braso ko. Inaalam kung saan talaga ako galing. "D-Diyan lang sa Colliseum. M-May pinuntahan..." Sagot ko.
"I know what you're up to. And Muestra we talked about this. Nandito ako para tulungan ka sa mga kasong 'yan. I'm here to protect you," ani Chief.
Tumango ako. Siya lang ang nakakaalam sa nakikita ko. Siya lang ang nakakaalam sa sikreto kong ito. Ayaw niyang nagdidesisyon ako ng basta-basta lalong-lalo pa't may iniinda akong sakit sa ulo. I need to tell him everything.
Napatingin ako sa buong opisina. Kami lang dalawa pero may nararamdaman akong kakaibang aura o enerhiya. Someone's here. Not Apollo, someone else. Inikot ko ang mata ko sa paligid. Hindi ko siya nakikita pero alam kong nandiyan lang siya, nakamasid.
"To my office Muestra." Sabi ni Chief.
Sumunod agad ako. Nasaan ba si PO3 de Vera? Siguro ay may assignment. Hihintayin ko nalang o kaya kay Chief ako magtanong. Baka may alam siya about basketball, I mean, that's a boy game. Well, girls can play pero... basta!
"What happened?" Tanong niya, umupo na sa chair.
"His name is Apollo." Sabi ko.
Pinagsalikop niya ang kamay niya at tinukod ang siko sa desk niya. Makikinig siya sa sasabihin ko pero wala na akong masyadong oras para magkwento pa o ano.
![](https://img.wattpad.com/cover/17786019-288-k145494.jpg)