B.
Pagpasok ko sa loob ay madilim, walang katao-tao ngunit maluwang ang buong paligid. Kung may ilaw ka mang makikita, 'yon ay ang makukulay na maliliit na ilaw sa stage. Sa unang tingin ay makikita mo na ang buong larawan ng buong paligid. May visualization ka na sa operasyon o pangyayari na nagaganap sa buong paligid. Nakakatakot! Nakakakaba! Nakakapangilabot! Yun bang gusto mo na lang umatras.
"Ready na tayo sa backstage girl. Alam mo na ang trabaho mo. Don't be aggressive. Hindi mo dapat madaliin ito para matapos lang. You have to wait when will they gave out information." Ani Juditha.
Tumango ako.
"Be careful to whom you will trust. Kami lang ni Joel ang nakakaalam ng hangarin mo dito at siguro naman nabasa at sinaulo mo ang lahat ng mga backgrounds na pinakita sa 'yo ni Joel? Hindi lahat ng informante ng Pulis ay loyal. Ang iba sa kanila ay loyal din sa kabila dahil malaki ang gatong." Aniya.
"Makakaasa ka." Sagot ko.
"Great! Now, I'll introduce you to everyone. Get yourself together before the battlefield. Kailangan mo lang ang sarili mo para sa laban na ito. Wala ng iba pa." Sabi nito.
_
"What's your name?" Tanong ng lalaki. Amoy sigarilyo ito at puno ng tattoo ang kaniyang leeg. Nakalong-sleeve ito ngunit gaya ni Joel, marami din itong tattoo sa katawan. I know! May mga iba't ibang klaseng tattoo na nagpapagiwatig ng iba't ibang grupo. "Bago ka? Taga-saan? Kahit na sobrang ganda mo, pukpok ka pa rin." Aniya.
Nakakainsulto! Gusto ko siyang barilin. Ngunit hindi ko gagawin. Ngumiti ako at pinaglalaruan ang kaniyang gold na kwintas. Nararamdaman ko ang umbok sa aking hita. Ang sarap, sarap, sarap putulan! Nakakadiri! Kaya lang hindi ko pwedeng gawin 'yon. Hindi ako pwedeng magreklamo. Hindi ako pwedeng gumalaw na hindi nag-iisip dahil paniguradong ikakamatay ko.
Joel! Kailan ka pa ba papasok sa eksena? Stop flirting there! Look here!
"Gwen... but you can call me yours." Sumilay ang mapanukso kong ngiti. Hanggang sa kaya ko pa! "Taga-saan ako? Kung sasabihin ko bang wala akong bahay, patitirahin mo ako sa inyo?"
"Nice try, bitch!" Lumapit siya sa aking leeg at inamoy ito.
"Bakit? Ayaw mo?" I pouted. Leche!
Sinimulan niyang dilaan ang aking leeg na parang aso na pinupuri ang kaniyang amo. Nagsitaasan ang aking balahibo sa kaniyang kalapastangan. Nakakadiri! Nakakasuka! Halos lumabas na ang ugat ng aking kanang kamay dahil gusto ko na siyang saktan o patayin sa pandidiri.
This is really is it.
I'm officially in to this game. Wala na akong babalikan pa ng buhay kapag ako ay nabuliyaso dito. I need to play clean and safe! Marami pa akong kailangang tuklasin tungkol sa sarili ko. Kailangan ko pang malaman ang totoong pagkatao ko. Marami pa akong magagawa bilang isang Pulis.
"Hmmm... bango..." Taghoy niya sa aking leeg.
Ilang saglit pa ang kaniyang panghahalay sa aking leeg at halos sa dibdib. Nasusuka na talaga ako ngunit pinipigilan ko lang talaga.
"Ser, order niyo po." Biglang sulpot ni Juditha.
"O, Judith! Aking hangal na kaibigan!" Anang lalaki.
Sinipat lamang siya ni Juditha. Talagang kilala na siya sa larangang ito. I wonder how she survived this? Ang alam ko ay nagkukunware siyang informante sa kabilang grupo para hindi mapaghalataan ngunit ang totoo ay hawak siya ng gobyerno.
Tinatraydor niya ang gobyerno at tinatraydor niya rin ang pinaglilingkuran niyang grupo. She's killing two birds with one stone. She's really a veteran then.
