Case Six: The Player

1.9K 77 19
                                        

B.

Angelica left. Naipakulong ko na ang dalawang lalaking nanggahasa sa kanila. Ayon sa imbestigasyon ay hindi lang dalawa ang gumahasa kay Angelica at nagtatago na iyon ngayon. Hindi ko bibiguin si Angelica, kahit na abutin ako ng habambuhay ay hahanapin ko ang mga taong nanakit; nanggahasa at pumatay sa kaniya. Pina-cremate siya ng kaniyang pamilya. Hindi rim titigil ang Dad niya hangga't hindi pa nahahanap ang iba kahit na nasa pangangalaga na ng DSWD ang mastermind sa krimen.

Nakikipagtulungan ako ngayon sa Dad niya. Pagkaumagahan ay ganoon parin, nasa ospital pa si PO2 Dominguez. Ang ibang teams ay may ibang assignments at ako naman ay naghihintay ng command. Chief Bustamante adviced me to be in the headquarters. For the mean time dahil puro shoot out ang mga cases ng iba. Katatapos lang namin sa Rape Case ni Angelica.

Christian Ladera. I searched. Sa Police Information Center Site namin nakalagay ang lahat ng mga files at mga identities ng mga Police namin dito. Sa aming Special Investigation Team. Hindi lang kami involve sa killing cases pero mostly marami ganito pangyayari sa buong Manila.

Leutenant Christian Ladera. 27 years old. Five years in service. Died in a Car Accident. Ex-Police Chief of Special Investigation Team under Leutenant Denber Macapulong. Promoted on 2011. Under his Team, Chief Marion Elzikier Bustamante. Today replace by Leutenant Eulicris Tayone.

Namatay siya two years ago. Gusto ko pang mabasa ang iba nang sumakit bigla ang ulo ko. Parang mabibiak na at para din sasabog sa sakit. Walang oras na pinipili ito, may nakikita ako pero blur wala parin kwenta. Pumikit ako at hinawakan ang ulo para makakita na naman ng ibang alaalang hindi malinaw sa akin. Kailan ba ako maghihirap? Kailan ko ba malalaman ang nakaraan ko? Bakit ako nawalan ng alaala? Ano ang totoong nangyari sa akin? Lahat gusto kong malaman pero ngayon pa lamang ay hirap na hirap na ako.

"Muestra!" bungad sa akin ni Chief Bustamante.

Hindi ako nakasagot agad. Dinaluhan niya ako at kakargahin na sana pero pinigilan ko siya. Wala ring maibibigay na sagot sa akin ang mga doktor. Wala rin akong makukuha sa kanila kaya mas mabuti pang huwag niya akong dalhin doon.

"Okay lang ako, Chief. Don't worry." sabi ko.

"You need to consult your doctor. Muestra, baka may developments na o baka nakakasama ang ganyang pananakit sa 'yo." sabi niya.

Umiling ako sa kaniya. I don't need anyone. I want to figure things out on my own. "I can handle myself. I'm fine. Ah!" mas sumakit pa ito.

Pinipilit ako ni Chief pero nagmamatigas ako. Ayaw ko. Hindi ako pupunta kahit saan. I want to know Christian Ladera. Kung car accident ang dahilan kung bakit siya nasagasaan at namatay why is he still here? Isa ba 'yong frame up na accident. Someone did the brake? Who's the girlfriend? Where is she? Hindi ko nakikita sa paligid si Leutenant Ladera but I know he is still around. Hindi ako spiritista but I can feel him. He looks familiar but I end up messing my head.

I should find him. Kilala niya kaya ako? When someone is familiar, may possibilities. Kagaya ni Commander Porminto. Hindi ko pa siya napupuntahan ulit after my promotion. Napasalamatan ko lang siya sa regalo at mensahe ko but personally hindi pa.

Nakatunganga lang akong mag-isa sa office. May meeting daw sila Chief Bustamante kaya ako nalang ngayon mag-isa sa office. Wala pa sila PO2 Garcia, gusto ko sanang dalawin si PO2 Dominguez.

Ang dami kong gustong mangyari pero dapat dahan-dahan at isa isa. "Damn! Not again." sumasakit nanaman ang ulo ko.

Gusto ko nalang sumabog sa sakit. May mga araw na ayaw ko na. Na gusto ko nalang matulog habambuhay. Na huwag nalang alamin ang lahat sa nakaraan. Sumasakit siya at lumalala, wala naman akong napapala sa huli. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung saan ako pupunta, ano ang gagawin ko sa sakit. Wala akong mahawakang iba kung hindi ang ulo ko lang na sumasabog na.

CASE CLOSEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon