B.
Nakarating na ako sa unit ko na parang may iniindang sakit sa ibabaw'ng parte ng leeg ko para bang nilaslas ito mahapdi siya pag ginagalaw ko. Umaripas ako ng punta sa banyo para tignan kung may sugat. Natulala ako nang makitang meron nga konti nalang ang dugo at kanina'y pumapatak pala ito sa damit ko. Hindi ko namamalayan. Naalala ko ang paglaslas ng matandang babae kanina. Hindi rin ako makapaniwala sa unang araw ko ay makakatanggap na ako ng ganitong panganib.
Kung hindi ba ako nakakakita ng mga taong yumao na ay marahil hanggang ngayon ay hindi ko rin ito mareresolba. Sa isang araw lang iyon tapos ang kasong iyon ay nasa 3 linggo ng nakatengga. Bakit wala nagpapatuloy noon? Bakit wala man lang nangahas na ipagpatuloy ang imbestigasyon? Alam konh marami pang mahahalagang kaso ang dapat inuuna pero nakakapagtaka naman yata ito. Well, I dont have any rights to question my work.
"Sabi nga ni PO3 De Vera tricky iyong kaso." Sabi ko pa.
"P-Pero diba nga mismo nanay ang salarin. Bakit hindi agad nakita sa bahay ang mga pinaggamit sa pagpatay?" Dugtong ko pa na nakaharap sa salamin.
"Ewan ko sayo Beatrice. Ang mahalaga tapos na ang kaso." Nagkibit balikat nalang ako.
Nilinis ko ang sugat ko kasabay ng pagligo ko narin. Isang maligamgam na paligo sa buong maghapong trabaho. Napapikit ako sa sarap ng tubig at napahinga ng malalim. Isa-isang bumabalik ang mga nangyari saakin kanina iyong pangingilabot sa bahay na iyon pati ang amoy patay na katawan ay naaalala ko parin. Hindi ko namamalayan na nanginginig na pala ako sa kinalalagyan ko hanggang sa tumunog ang cell phone ko. Napatayo ako sa gulat at lakas ng pintig ng puso ko.
PO3 De Vera: PO2 Muestra report to the headquarters at 7AM pinapatawag ka ng nakakataas.
Ito ang mas nagpakaba saakin. Maaga akong ipapareport dahil sa ginawa ko kanina. Hindi ako humingi ng permiso kay PO3 De Vera para isaulo ang kaso at muntikan pa akong napahamak. Sigurado akong pagagalitan ang ng matandang hukluban na si SPO4 Bustamante. Napaalis ako bigla sa bath tub at agad nagbihis kailangan kong maghanda, beauty rest ang kailangan ko. Alam kong mahihirapan ako sa pagtuloh pero pinilit ko nalang matulog nalang dahil pagod at kaunting trauma na nararanasan ko ngayon.
"PO2 Muestra reporting." Nagsalute ako ng pumasok sa office namin at humarap kay PO3 De Vera.
"Good Morning PO2 Muestra." Nag salute din si PO3 De Vera saakin at nakangiti.
"A-Ang aga po natin huh?" Awkward kong utas.
"I also want to know..." Sabi niya.
"Ang alin PO3 De Vera?" Tanong ko.
Kumunot ang noo ko. Anong kailangan niyang malaman din? Hindi ko siya maintindihan. Nagising nalang ako dahil sa isang hindi pamilyar na panaginip. Masyadong blurry ang pangyayari pero naroroon ako sa sitwasyong iyon. Wala akong maririnig na tunog pero alam ko ay nasa kalagitnaan iyon ng panganib. Nangyari na kaya iyon? Sino ang kasama mo noon? Ngayon ay nakaramdaman ng kaba ulit dahil nararamdaman ko ang presensya ng matandang huklubang Chief Bustamante. Napatalon ako ng may malakas na boses ang tumatawag sa isang kwarto.
"Pinapatawag ka na ni Chief." Maigting niyang sabi.
Tumango ako sa kanya at agad namang pumunta sa desk ko para ilagay ang bag at mga papeles na kailangan kong gawin sa opisina ngayong araw. Kinakabahan ako inaamin ko. Anong hitsura ni Chief Bustamante? Matanda na ba siya? Hukluban at bastos? Iyon ang napipicture ng utak ko. Hindi ko maiwasang mapatawa sa iniisip ko kung gaano siya kapanget sa isipan ko. Napatawa ako habang bumabalik sa nilalakaran ko kanina lamang.
"May nakakatawa ba PO2 Muestra?" Nagtagpo ang mga kilay ni PO3 De Vera.
"Pffft...Wala PO3 De Vera. Pasensya na." Namumula na ata ako sa nakakatawa niyang mukha sa utak ko.