Okay. Excuse the 'Lieutenant', excuse the spelling. Excuse all the gramm. errors. Thanks :)
Sorry for the very, very late forever update! This is just a special chapter. Not a case! Hope you still like this.
_
B.
Halos mapaluhod niya ako sa gulat. Naninindigan ang balahibo ko dahil sa kaniyang mapupungay na mata. Kumakalampog ang puso ko na parang tambol at parang sasabog na dahil sa bilis. My God, what is this?
"Sino ka ba talaga?" mahina kong sabi.
Sumilay ang kaniyang pamilyar na ngiti na siyang nagbigay ng kaligayahang napakapamilyar. Lieutenant Christian Ladera. Magkakilala ba talaga tayo noon? Are we really that close? Ano ang ugnayan natin sa isa't isa? Speak up and tell me! Why are you still in this world? Your case is already closed.
Diretso ang kaniyang titig sa mga mata ko. I've seen this eyes before. His eyes are so familiar to me. I know I've seen this before and I felt that I missed it for a very long time. Totoo ba talaga ang sinabi ng lalaking 'yon? I and this dead guy had a relationship?
"Totoo ba talagang magkakilala na tayo noon?" Tanong ko.
Nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi siya makapagsalita. All my life, I've been following deads. Kung ano ang mga gusto nilang sabihin ay sinusundan ko lang sila hanggang sa makarating kami at makuha ang totoong pakay nila. I've been living like this for more than two years from now. Ngayon ko lang hihilingin na sana magsalita ang isang kaluluwa.
I want him to talk to me. Tell me everything. Lead me to the truth. What really happened two years ago? Sino ba ako dati? Paano kami nagkakilala? Lahat ng tanong ko ay gusto kong mabigyan ng sagot. I want to go back to the start. Ano ba ang nangyari bago ako nawalan ng alaala.
I need to ask him. At kung mabibigyan niya ako ng sagot ay maaaring maging simula ito ng imbestigasyon ko sa totoong nangyari sa kaniya. Malalaman ko kung mapagkakatiwalaan ko ba ang lalaking 'yon. Malalaman ko kung talagang may katotohanan ang mga sinabi sa akin ang lalaking 'yon. That will be my chance.
"Ahm... yung lalaking 'yon, d-did he really killed you? Siya ba ang may gawa ng aksidenteng 'yon? Magkaibigan ba talaga kayo no'n? Ano ang nangyari sa inyo sa araw na 'yon?" I asked.
Wait... Beatrice, isa isa lang. You'll confuse him.
"Yung lalaking 'yon-" bigla siyang nawala sa paningin ko.
"PO2 Muestra! Why are you still there?" Tawag ni Chief na kakarating lang.
Pagharap ko sa kaniya ay muntikan na ako magmura sa gulat. Napatingin ako sa babaeng nasa likuran niya. Ito ay nakatingin sa akin habang mahigpit na niyayakap si Chief Bustamante ng mahigpit. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, who is that girl? Bakit niya niyayakap si Chief ng ganiyan? Does he knows her? Or she is just playing prank on me.
Bakit may sumisikip sa loob ko? Bakit naghahalo lahat? Ilang sandali palang ay binitawan niya si Chief at ngumisi sa akin.
Then she's gone...
"Muestra!" Tawag niya sa akin ulit.
"Yes, sir?" Mabilis ko siyang nilapitan, "how'd you know I'm here?" Tanong ko.
Umawang ang labi niya na parang may pagkagulat sa sinabi ko. Nanlaki din ang mata niya at unti-unting namumula ang kaniyang mukha. God, may mali ba akong nasabi? Shit! Bakit ko siya tinatanong bakit siya nandito? Wala akong karapatang magtanong sa kaniya. Malapit siya sa nakatataas kaya siya nandito. Pinatawag siya o kung anu-ano pang dahilan tapos nakita niya akong natulala sa labas kaya niya ako tinawag. Gano'n lang 'yon, Beatrice!