What happen two years ago? Why cant she remember anything? Si Beatrice Mabelle Muestra ay nabubuhay sa mundo na walang nakaraan. Nakalimutan na niya, lahat nabura, walang natira. Two years na din nyang nasasaksihan na ang mundo ay masikip, masyadong marami sila, maraming nakikita ang mga mata nya. Hanggang ngayon ay tinatakasan nya ang katotohanang nakakakita sya ng mga tao, pero hindi buhay, malamig, nagmamakaawa, humihingi ng tulong.
"HAPPY ANNIVERSARY!"
Sigaw ng mga kaibigan at kakilala namin na inimbitahan sa 1st Anniversary namin Christian Ladera, sa exclusive room ng bar kami nagkasayahan at nagcelebrate. Masaya kami, akalain mong tatagal kami ng isang taon? Mostly months lang ang iba e. Mukhang nakatiis ang lalaking ito saakin, sa ugali ko, mahal na mahal ako ng gagong to.
"Oy, kasal na ba ang kasunod nito?" Sigaw ni Yngrid, kaibigan ko.
"Onga, mukhang seryoso to e." Sigaw ni Bench, bestfriend ko.
Natatawa ako sa kabaliwan nila. Kasi naman sa aming lahat kami lang ni Chris ang may seryosong relasyon, iyong iba puro flings and lust lang ang alam. Ayaw pa nilang magsettle dahil sa mga bata pa raw sila. Mukhang mas mauuna pa kami ni Chris sa kanila. Nagsimula na ang sayawan namin, lahat kaming mga babae ay humataw. Ito ang maganda kay Chris, hindi niya ako pinipigilan sa mga gusto ko pero may kapalit iyon, kailangan naroroon sya habang tinutupad ko lahat ng gusto ko.
"Sip and dckin shit mauna na kayong dalawa." Tumawa si Lloyd na kaibigan ni Chris, pinapaalis na kami.
"You should get a room, couple." Dugtong naman ni Grace, lasing na sila.
"Mga gago kayo, uuwi na kami." May tama narin si Chris, pulang-pula na ang pisngi nya.
"Boring! Seriously? Uuwi?" Matama akong tinitigan ni Debris bago ngumisi.
"Yeah! You should go home now, not in a motel." Lasing na sigaw ni Troy.
Hindi nanamin sila pinansin, nagpaalam na kami na may mga bagay-bagay na pumapasok sa utak nila. We're not doing it, MOMOL lang but not to the point na gagawin namin iyon. Kahit na kami, gusto kong gawin iyon pag kasal na kami. Inalalayan ko si Chris palabas ng bar, mukhang natamaan na talaga ng alak, right now ako ang mag d-drive.
"I should drive you home, baby." Umayos sya nang tayo at inatid ako sa passenger's seat, hindi na ako makapaglaban sa kanya.
"C-Chris..." Kontra ko pa sa kanya.
"I'm not drunk, tipsy lang." Tumawa nanaman sya't pumikit.
Gusto ko pang magreklamo pero di na nya ako pinansin pa't pinaandar ang sasakyan niya. Kasabay ng pagcelebrate ng anniversary namin, celebration din namin ito sa 3 years of service nya sa Police Investigation Team. Mataas ang rank nya roon at marami ng achievements, marami ng kaso ang na kanyang nabigyang justice dahil sa talino nya't galing sa mga bagay-bagay.
Mabilis kaming nakaalis sa parking lot, dahil sa mabilis ng pag mamaneho, bigla akong kinabahan, pero di ako nagsasalita dahil sa nasusuka narin ako. Mabilis ang pagmamaneho nya't napatingin na ako sa kanya gusto nya bang magpakamatay sabi ng ako na ang magmamaneho e.
"Shit." Mura nya.
"C-Chris... hinaan mo naman, mamamatay tayo nito." Sigaw ko, natatakot na ako.
"Fuck! Fuck! Shit." Mura pa nyang tuloy-tuloy.
"What's wrong Chris?" Namutla na ako wag nyang sabihing may mangyayaring di maganda.
Humina konti ang takbo ng sasakyan nya. Di ko na alam kung masasayahan ako o mas lalong kabahan dito.
"JUMP OFF! Baby jump!" Napatalon ako sa sigaw nya, in-unlock nya ang pinto saakin. Natataranta sa nangyayari.
"WHAT? CHRIS! ANO BANG NANGYAYARI?" Sigaw ko.
"FUCK! BABY PLEASE JUMP OFF" Tumulo na ang kanyang mga luha.
"NO! I'M NOT GOING TO LEAVE YOU HERE!" Tumulo narin ang mga luha ko, wala nang kontrol si Chris sa sasakyan.
Then, every lights I see in the streets starts to fade. Malakas na halagapak ng sasakyan sa isang malaking poste, kasabay nito ang pagyakap saakin ni Chris. Nasira ang harang sa bangin, doon gumulong-gulong ang sasakyan. I cried in scare. Yakap ni Chris ang promoprotekta saakin ngayon. Then, at the moment the car stopped rolling, everything turns to black and dying.
After 8 months.
Nagising ako ng walang maalala, sino ako, anong nangyari saakin, bakit ang daming tao sa paligid ko, sino sila? Bakit sila umiiyak, anong nangyayari? Bakit di sila nangsasalita? Puro luha lang na hindi matapos-tapos. Sinubukan ko silang hawakan, pero lumamig ang katawan ko.
Hindi sila nahahawakan.
