B.
Natapos ang malagim na pangyayari ay natulala nalang ako. That was unexpected, sa lahat ng panganib na nangyari iyon ang pinakanakakatakot sa lahat. Hindi pa natatapos ang linggo ng pagkakasuspended ko sa Area Cases ay marami ng nangyari hindi ko alam kung papaano ako makakasurvive gayong napakastubborn ko di ko mapigilang lumabag sa patakaran dito. Napatingin ako sa bahay na pinangyarihan hindi ko lubos maisip na tinago niya ang asawa niya ng matagal na panahon diyan.
Paano siya nabuhay ng ganoon. Sa ganoong kasangsang na amoy hindi ako magtatagal sa ganoon. Nakakapanindig balahibo ang pangyayari. Napabuntong balahibo nalang ako at tumingin sa tulalang Chief Bustamante. Hindi naman niya siguro first case ang ganito siguro ay pagod lang siya sa pangyayari. Nasa sasakyan niya ako ngayon at ihahatid niya pauwi nandyan na ang ibang team para ihandle at ireport ang case kaya makakapagpahinga na ako.
"Damn!" Napatalon ako sa galit na sigaw ni Chief.
"B-Bakit Chief?" Tinignan ko siya at pinakitaan ng pag-aalala
Bigla naman siyang nagulat sa pag-aala ko. Ano kaya ang nangyari dito kay Chief Bustamante? Sinapian ba siya ni Manong? Naku! Joke lang wag namang ganoon Beatrice nananahimik na ang patay. Umiling naman ito at umiwas ng tingin sa akin. May nangyari bang hindi maganda? Mukha kasi talaga siyang galit. Ilang sandali pa ay pinaandar niya ang sasakyan at walang pasabing nagdrive. Hindi ako makaimik wala din naman akong sasabihin kaya mananahimik nalang ako. Tumingin ang mga mata ko sa labas ng sasakyan at minamaneho ang sasakyan papunta sa bahay na tinitirhan ko.
"Are you really alright, Muestra?" Ito ang pang sampung tanong niya simula kanina.
"Y-Yes, Chief... I'm alright. Konting galos lang ito." Sabay tingin sa braso ko at sa wrist.
"Kailangang gamutin natin iyan." Napatingin ako sa nakatitig din palang si Chief.
"A-Ako na ang bahala Chief..." Umiwas siya una ng tingin para mag focus sa pagd-drive.
"NO! Ako ang gagamot diyan... papasok ako sa unit mo." Mariin niyang sabi ikinagulat ko.
"Pero C-Chief..." Napapansin kong kanina pa ako nauutal, bakit?
"I'll fire you or gagamutin ko iyan... answer me Muestra?" Pagalit nitong sabi kaya natulala nalang ko.
"N-Naku! A-Ano... siyempre gagamutin niyo po! D-Diba po concern kayo sa akin?" Tumawa ako ng may pagkaka awkward.
After 20 minutes yet the longest drive ever nakarating na kami sa condominium building. First time ko pa lang atang magpapasok ng bisita dahil ni isa wala pang bumibisita sa akin at nagclaim na kamag-anak ko sila o kaibigan. Gusto ko na ngang manawagan sa tv para makita nila ako eh, pero why bother? Ako pa talaga ang maghahanap sa kanila, hindi ba dapat nag aalala sila kung saan ako napunta? Wala parin akong naaalala kahit ni isa. Lagi nalang sumasakit ang ulo ko napapagod na ako. Bumaba ako agad sa sasakyan at kinuha ang susi ko sa unit.
Bumaba narin si Chief dahil naramdaman at naaamoy ko siya sa likuran ko. This is giving me... fast heartbeats. Damn this man. Pumasok ako sa unit at sumunod rin naman siya natahimik lamang ako habang tinatahak ang sala. Anong gagawin ko? OMG! I need to die first. Hindi ako mapakali ngayon Anong ipapakain ko? Anong gagawin ko? Huminto ako sa paghinga dahil hindi ko alam ang aking gagawin. Umupo siya sa sofa kaya tinahak ko nalang din ang kwarto ko para kunin ang first aid. I dont want to be rude but I dont want him here. Nakakahiya sa kaniya.
"F-F-First aid kit Chief..." Nauutal kong utas nang lumabas ako sa kwarto.
"Stop making awkward scenes, Muestra. You are intimidated, right now." Malamig nitong utas at kinuha ang kit sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/17786019-288-k145494.jpg)