the next day
nag-ayos na ko para pumasok, nalaman ko na walang ginawa kahapon. busy daw lahat sa pagprapractice ng sayaw sa js prom.
dumating ako sa parking lot, konti pa lang mga kotse dito. medyo maaga pa kasi, lalakad na sana ko ng may naaninag ako. tinignan ko siya at nginitian.
"oh,robin. bat nandito ka?"
"hinihintay kita."
"ahh, tara pasok na tayo?"
"sige" sagot niya tapos nagvolunteer na siya na magbubuhat ng gamit ko.
habang naglalakad kami papuntang building namin.
"bakit mo nga pala ko hinihintay?" tanong ko.
":) yang, m-may.." kinakabahang salita niya.
"may?" tanong ko naman.
"*sigh* itatanong ko l-lang sana. m-may partner ka na sa js prom?" nagulat ako, yun lang ba itatanong niya? tss yun lang naman kabado effect pa.
"wala, kailangan ba nun?" tanpng ko.
"hindi naman."
"oh hindi naman pala, pero kung gusto mo. sige papartneran kita. ;) "
"talaga?! :) sige!"
tapos dumiretso na kaming room.
pagpasok namin konti yung mga tao, may mga nagpapractice din ng sayaw para sa js prom. umupo ako, at iniub-ob yung ulo ko sa desk. bakit kaya nakita ko siya? bakit bigla siyang nawala? bakit di siya lumapit?
aissh! napahawak ako sa ulo ko, andaming tanong sa isip ko na walang makasagot. pagtingin ko sa harap may teacher na pala, di ko napansin sa sobrang pag-iisip.
"nagpunta ko dito para sabihin sa inyo na mqy bago kayong teacher sa math" sabi nung teacher namin, may nagtanong naman na cm namin.
"ma'am ano pong nangyari kay ma'am *toot*"
"ahh, nalipat siya sa ibang school. nagpalit sila ni sir. " nagulantang yung iba.
"ma'am lalake?!"
"oo, kaya dapat kung anong trato niyo kay mam *toot* ganun din sa kanya. maliwanag ba?" napa yes at napatango yung iba.
"pero sa js prom niyo pa siya makikilala at makikita, pero baka naman nakita niyo na siya.tatlong araw na siyang nag-iikot ikot."
pagtapos sabihin ni mam yun umalis na siya, depende na daw sa ibang teacher kung papasok para magturo. busy nga kasi yung iba sa sayaw.
"yang tara! :)" robin.
"saan?" tanong ko.
"sasali tayo sa sayaw! :) lika practice na e!" tumayo na ko at nagpaalam sa bebs na magpapractice ako w/ robin.
@court
dito nagpapraktis lahat, naka line up na.
sumasayaw na kami pero bigla ko may naalala. bat pala wala si vry? absent kaya?
*sigh*
"problema?" tanong ni robin mstapos kong magbuntong hininga.
"ahh wala."tapos ngumiti ako, ayoko namang itanong kung pumasok ba si vry kasi parang mali ata yung. siya kasi kasama ko pero hahanapin ko si vry.
pero wala namang mali diba? kasi di ko naman siya boyfriend.
"yang"
"oh?" tanongko, nakaupo kasi kami sa bench nagpapahinga break pa sa practice.
"may pag-asa ba ko sayo!?" tanong niya habang umiinom ako ng tubig bigla tuloy ako nasamid.
maski sa sarili ko di ko alam ang sagot, may pag-asa ba sya o si vryan? hindi ko alam, ang alam ko lang ayoko na may nang-aagaw ng atensyon nila sakin.ang alam ko at sigurado ko, pareho silang mahalaga.
hindi ko nakasagot.
"okay lang kung di mo muna sagutin, lika na tinatawag na tayo." sabi niya tapos bumalik na kami.
nagulat ako kasi iba na yung pwesto namin sa kanina, tumingin ako sa kaliwa ibang pair na pagtingin ko sa kanan
°_° si mitra at vry ang partner?!
asdfgh naman oh! napahinto ako saglit, pero mukhang di naman nila napansin. arrghh!! >< bat naiinis ako?
naalala ko yung sinabi ni mitra, bakit? kiya ba kasi sinabi niya yon?ireject ko si vryan.
natapos yung practice na nag-iisip ako kung bat niya pinapareject si vry,nakwento ko na nga din sa bebs e.
"alam mo yang, kesa napapaisip ka kung bat niya pinapareject si vry. bat di mo na lang sabihin samin kung sino sa kanila sasagutin mo, hindi naman pwedeng dalawa tyaka para hindi umasa isa sa kanila."ren
"oo nga, wag kang paasa! masakit yon! tignan mo ako umaasang magugustuhan ni--- haay. basta wag ka paasa!" essa. sabi nila.
"eh kasi---" ako.
"anong kasi?! two months nang may umaasa! ano ka ba! " cath.
"mamili ka, o pare-pareho kayong masasaktan. di habang buhay nililigawan ka nila! baka dumating yung time magsawa sila...
ligawan ako:D *pok* ARRAAYY! mashakit ah!nagjojoke lang*pout*" essa, sinapok ko talandi e.
tapos tumunog yung bell, means uwian na.
habang nasa kotse ko napaisip na naman ako, mamili na daw ako.
*bzzt..bzzt*
tinignan ko yung phone kong nagvibrate. text from essa.
"alam kong pinag-iisipan mo mga sinabi namin,alam kong nahihirapan kang mamili. kasi naman dalawang handsome guy yun! kahit naman ako pag nasa sitwasyon mo mahihirapan pumili pero may mga tanong ako na siguro makatulong sayo"
"kanino ka ba masaya?"
"sinong nakakapagpangiti sayo"
"sinong hinahanap-hanap mo?"
"sinong lagi mong iniisip?"
"kanino ka natatanga?nalulutang?"
"sino yung may malaking space diyan!sa puso mo?"ayan yung mga tanong niya, sinagot ko naman yun sa isip ko.
siguro nga siya, sana tama na siya ang piliin ko,sana tama na siya ang sasagutin ko.
