Kabanata 5

118 7 0
                                    

Switch

Nagising akong late kinaumagahan, dumiretso na agad ako sa banyo para umpisahan na ang araw ko. Pagkatapos maligo ay nagbihis na agad ako. 

Today i decided to wear a Mock Neck Plaid Top and Skirt, white sling-back sandal for my heels. And a small purse for my other stuff. I'm a women of fashion, bahala si Selene. Basta ito ang gusto ko.

Plano kong gumala dahil nabuburyo na ako dito sa bahay, o kung bahay pa ba ang dapat na itawag dito.

Bumaba na ako para mag-agahan, i'm expecting na ako na naman ang kakain mag-isa. Dahil siguradong nasa girlfriend nya na ang isang yun. But to my surprise, nandoon ang kup*l at dahan dahang kumakain. Wow, wala kang lakad sir?

"Good Morning ma'am Selene." bati sa akin ni Nimfa pag kakita sa akin nito. Tsaka lang nag-angat ng tingin sa akin si Cain, napatingin ako sa kanya pero iniwas niya lang ang tingin sa akin. Napangiwi ako sa ginawa nito, sungit! Kala mo naman yummy.

"Good Morning too! my dear nimfa!" nilakasan ko talaga ang boses ko para mahiya ang lalaking nasa harap ko. Wala ba siyang bibig? Kahit salitang "morning" lang hindi nya masabi?

"Ay hala si Ma'am!" Natatawa nitong turan sa akin, ngumiti lang ako at umupo na sa right side ng lamesa. Cain's sitting at the head of the table.

Nagsimula na akong kumain ng maalala kong aalis nga pala ako. Tinawag ko si nimfa at lumapit naman ito agad sa akin.

"Bakit po Ma'am Selene?" nagtataka nitong tanong.

Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita ulit. "Uhm, pwede bang ipahanda ko ang sasakyan ko." nakangiti kong request dito, nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang mapanuring tingin ni Cain.

Akala ko may sasabihin ito sa akin kaya tumingin ako dito. Hinihintay ko na itong magsalita pero tinarayan lang ako nito. Wow ha! The Audacity?

Tinuloy ko na ang pagkain ko habang inis na inis sa lalaking nasa harapan. Napaka-kapal naman ng mukha niya para tarayan ako. Ni hindi man lang siya nag Good Morning ngayon. Mas lalo lang akong nainis dahil doon.

"Bwisit." mahinang bulong ko.

Napatitig ako sa kinakain ko ng marealize ang mga nangyayari sa akin. Andaming nagbabago sa pag-uugali ko. Noon, wala akong pakialam kung may pakialam ang tao saken. Hindi ko iniisip ang mga iniisip nila, masama man yun o maganda. Pero magmula ng mapunta ako dito, parang naglaho lahat ng iyon. Andaming pagbabago at alam kong hindi maganda yun. F*ck! Anong ginagawa ng lalaking ito sa akin. Bakit ko nararamdaman ito.

Napabalik ako sa reyalidad ng tumunog ang cellphone ng lalaking nasa harap ko. Sinagot nito ang tawag ng hindi umaalis sa inuupuan nito.

"Hello, yes. Kumakain na ako, pupunta ako dyan mamaya pagkadaan ko sa office. Yes, i promise." sagot nito sa kausap. Hindi ko na sana ito papansinin ng maramdamang nakatitig ito sa akin. Iniwas ko ang tingin ko dito. Bahala ka kung aalis ka.

Tumayo na ako agad pagkatapos kong kumain, naglalakad na ko palabas ng biglang tumawag si mommy.

"Yes mom, what is it?" sagot ko agad dito. And of course sa pinakamahinhin na paraan.

"Are you with your husband now?" tanong nitong nagpangiwi sa akin. Hanapan ba ako ng lalaking yun. Atsaka mom, hello anak mo po ako. Uso kamustahin muna ang anak bago asawa nito. Naiinis lang ako lalo dahil sa tanong nito.

Huminga muna akong malalim bago ulit sumagot sa kanya. "Yes mom, i'm with him" sagot ko dito habang nakatingin sa lalaking katatapos lang kumain. Mukang naghahanda na rin itong umalis base sa postura nito.

The Substitute Wife (Saldivar Sister) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon