Mad
It took me minutes before arriving at Xylo at The Palace here in Taguig. Hindi pa ako nakakapasok sa loob pero yung pagod ko to the next level na.
Hindi ko mapigilang maala-ala ulit ang nangyari kanina.
I'm still damn confused with his sudden action towards me. Yung paghalik nya, yung pag-amoy nya, and lastly that fucking baby thingy.
Pinilig ko ang ulo ko para mabura sa isipan ko ang nangyari. I need to fucking chill. And drinks can surely chill me. A hard one.
Thick clouds of smoke, colorful lights, and people wildly dancing at the dancefloor greet me when i entered. Inikot ko ang mata ko sa paligid upang mahanap ang lalaking kanina pa siguro galit sa akin.
Opps babae pala!
And there i found Mark sitting at the VIP Table. Akala ko ba maghahanap siya ng malalandi? Wala bang gwapo dito?
Naglakad na ako papunta sa kung saan ito naroroon. He keeps on looking at his phone. Probably waiting for me to text or call him.
Umupo ako agad ng makalapit ako dito. Tinaasan muna ako nito ng kilay bago nagtanong.
"Finally Sari! What took you so long?" pasigaw nitong tanong sa akin habang nakataas parin ang on fleek nitong makapal na kilay.
"I run some errands" pagsisinungaling ko dito.
Not that i don't trust him. May mga bagay lang talaga na gusto ko sa akin lang.
Afterall hindi naman required na alam dapat ng kaibigan mo ang nangyayari sa buhay mo.
"Run some errands ba talaga?" mapanuring tanong sa akin nito. Ngumiti ako dito ng alanganin.
I heard him sigh while looking at me straight in the eyes. Iniwas ko ang tingin dito.
"Look. I don't wanna talk about it right now." suko kong pag-amin dito. Ngumiti ito sa akin, he knew me already.
"Let's just enjoy the party then." sambit nito bago tinawag ang waiter para umorder ng maiinom.
Pagkalapit ng waiter ay agad kaming tinanong nito. I ordered a shot of tequila. Gulat naman na tumingin sa akin si Mark. Nginitian ko lang ito ng matamis.
"Girl! Hindi kita ihahatid sa bahay mo!" naiiling na sabi nito sa akin. Tinawanan ko lang ito.
Dumating na ang waiter dala ang mga order namin. Kinuha ko agad ang akin at inisahang lagok ito. Gumuhit agad ang mainit at mapait na lasa nito sa aking lalamunan.
F*ck!
"Dang it! Hinay-hinay! Ayokong magbantay sayo! I want to get laid tonight!" kinakabahan nitong litanya sa akin. Hindi ko ito pinansin at umorder ulit ng isa pa, at ng isa pa ulit.
I'm feeling dizzy already after that six shots of tequila. Ramdam ko parin ang gulat na tingin ni Mark sa akin. Hindi makapaniwala na uminom ako ng ganoon kadami. I want to get wasted tonight, that's why.
"Why don't you just drink and be happy Mark?" nakangising tanong ko dito. Tinaasan lang ako nito ng kilay.
"Relax okay. Hindi ako gagawa ng gulo. I promise." nakataas pa ang kanang kamay ko habang nagsasalita dito. Umismid lang ito sa sinabi ko at ininom din ang kanya.
Maya-maya pa ay may lumapit ditong lalaki. Napangiwi ako ng makitang naghahalikan na ang mga ito. Real Qiuck eh?
"Really? Right in front of me? Go get a room!" sigaw ko sa dalawa. Tinawanan lang ako ng mga ito.
BINABASA MO ANG
The Substitute Wife (Saldivar Sister) ON-GOING
RomanceI married my sister fiance to destroy their marriage, sounds confusing right? But that was the plan,not until we got married. Cain Aiden is a total asshole. Kabaligtaran ng pagkatao nya ang pagmumukha nya. Sabi nga nila "Gwapo pero Gago!" at hindi l...