Kabanata 12

350 13 10
                                    

Wallpaper

Magaalas-dose na ng tanghali ng magdesisyon kami ni Cain na umuwi na sa bahay. Isang kotse lang ang ginamit namin ni Cain pauwi dahil ang gusto nito ay iwan ko ang dala kong kotse at sa kanya ako sumakay. Pinagtalunan pa namin itong dalawa, sa huli ay ito parin ang nanalo dahil hinila na ako ni papasok sa loob ng kotse nya.

Tahimik lang itong nagdadrive samantalang ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana. Iniisip ang mga dapat gawin pagkadating sa bahay.

This should stop now. Tama nang pinagbigayan ko ang sarili ko, kailangang ituloy na ang plano.

Pagkauwi sa bahay ay hindi ko na ito hinintay na pagbuksan pa ako, lumabas ako agad at hindi na ito hinintay na makalapit sa akin. Mahirap na, baka pag lumapit pa ito ay tuluyan ng mabura ang mga dapat kong gawin.

Cain is dangerous, kahit hindi ko aminin alam kong kayang-kaya nyang baguhin ang mga magiging desisyon ko. At hindi pwede yun. I made a promise to my sister, I should do it whatever it takes.

Umakyat agad ako sa taas at pumasok sa kwarto ng hindi kinakausap ang lalaking nakasunod lang sa likod ko. Ayokong humarap at kausapin ito, di bale ng isipin nyang galit ako. Mas ayos na siguro iyon, para mas madali ko ng magawa ang plano ko.

Napahiga ako sa kama pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto. Sumagi sa isipan ko ang mga nangyari sa condo kahapon at kanina. Napailing na lang ako sa sarili kong katangahan.

"Damn it! Ako ang gagawa ng sarili kong kapahamakan"

Hinayaan ko ang sarili kong mahulog ng ganito dapat alam ko rin kung paano iahon ang sarili ko dito.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, tinatamad man ay wala akong nagawa kundi ang pagbuksan ito.

Pinihit ko na ang siradura pagkalapit ko sa pintuan. Nagulat ako ng makitang isang bulto ng lalaking nakatitig sa akin ng mariin ang bumungad pagkabukas ko ng pinto.

Iniwas ko ang tingin dito, hindi ko talaga kayang tumingin ng deretso sa mga mata nito. Nakakapanghina. Kinakabahan man ay wala akong nagawa kundi ang tanungin ito.

"Bakit?" simpleng turan ko. "Anong kailangan mo?"

Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Umuwi lang tayo sa bahay, ganyan ka na ulit." napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi nito. Kung gaano kawalang emosyon ang boses nito siya namang kabaligtaran ng mga mata nitong puno ng pag-aalala.

Nahihirapan man ay pinilit ko paring patigasin ang boses ko. "Pagod ako, mamaya na tayo mag-usap."

Narinig ko itong bumuntong hininga bago umalis sa harapan ko. Napatingin ako sa papalayong bulto nito. Hindi ko mapigilang masaktan habang nakikita itong galit na naglalakad paalis, kahit ng isara nito ang pintuan ng kwarto ay padabog din tanda ng galit ito.

"I'm doing this for us Cain, sana maintindihan mo." turan ko bago dahan dahang isara ang pinto.

Nang makalapit sa kama ay ibinagsak ko ang katawan ko, napatiitig ako sa kisame at di maiwasang magdalawang-isip sa lahat ng mga plano ko.

Napahawak ako sa ulo at di mapigilang gumawa ng mga imahe sa utak.

Kung sa ibang sitwasyon lang Cain.

Napakagat ako sa labi bago mahinang bumulong. "If I ever get a chance to be with you one day, I promise I will grab it no matter what it takes." that's a promise sa sarili ko at para sa kanya.

Pinunasan ko ang luha bago hinayaan ang sarili kainin ng pagod at lungkot. Nagising na lang ako ng marinig kong kumakatok sa pinto si Nimfa. Napatingin muna ako sa cellphone at nakitang alas 7 na pala ng gabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Substitute Wife (Saldivar Sister) ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon