It's Friday!
Nakasuot ako ng PE pants namin at isang hoodie dahil masama ang pakiramdam ko.
Nang makababa ako sa tricycle, hindi ko inaasahan si Ethan sa gate. Andun siya! Hindi kami nag-usap mula noong hilahin ako ni Joax at hindi ko rin alam ang sasabihin!
"Good morning po," bati ko sa guard, pagkatapos iswipe ang ID ko.
Nagkukunwareng hindi ko pa nakikita si Ethan.
"Salixins!" halos mapatalon ako nang marinig yun. Of course, it's Joax! Sino pa ba?!
"Bakit?"
"Tara na. Pasok na tayo"
"Pero...kasi" wala sa sariling naituro ko si Ethan.
"Anong meron sa kanya?" tanong ni Joax matapos tingnan ang tinuturo niya at muling tumingin sa kanya.
"Ah, mag-gogood morning lang ako, Alix" biglang sabi ni Ethan.
"Sabihin mo na, tapos alis" seryosong sabi ni Joax.
"Good morning, Alix. Sige, ingat" nakangiti at nahihiyang sabi sa'kin ni Ethan. Ngumiti lang din ako bago samaan ng tingin si Joax.
"Ang sama ng ugali mo!" sabi ko bago naunang pumasok.
"Huy, Salixins!" rinig kong tawag niya pero hindi ko pinansin. Pero dahil mas matangkad siya eh naabutan niya ako!
"Babati lang naman daw sa'yo ah. Tsaka malay mo pinagtitripan ka lang nun, edi sinave pa kita"
"So Superman ka ngayon? Letse ka!"
"Wala naman masama sa ginawa ko ah! Pinabati ko pa nga eh. Ang masama kung hinila na lang kita ng hindi pa siya nakaka-good morning"
"Hayup napilosopiya mo yan!"
"Galing diba? Tinalo pa si Pareng Albert"
Inirapan ko na lang siya at hindi pinansin. Peste lang!
Nang mag-lunch break hindi ko alam kung tatabi pa ako sa mga kaibigan ko. Hindi pa rin kami nag-uusap. Though si Schy lagi akong tinatanong hindi pa rin normal gaya ng dati. Umupo ako sa sunod na table ng sa kanila. Lahat sila napalingon sa'kin dahil tumabi na naman sa'kin si Joax. Mula noon sinasabayan na niya ako dahil tinulak na siya ng mga kaibigan niya paalis sa table nila.
"Ay hayup oh! What na ghurl? Hindi ka pa rin majoin?" Napalingon ako sa sinabi ni Gail.
Okay na ba kami? Magjoin na ba ako? Tanong ko rin sa sarili.
"Huy, Erasmus! Padaanin mo nga yan. Lagi na lang ikaw kasabay kumain, jowa ka?!" sigaw din ni Schy.
"Why not diba?" sagot naman ni Joax.
Hinampas ko ang braso niya saka tumayo, dala ang plato ko.
"San ka pupunta?" taas kilay na tanong niya sa'kin.
"Sa kabila. Pinapalipat nila ako eh" sagot ko bago lumipat doon.
"I'm sorry" sabay naming sabi ni Gail kaya natawa na lang kami.
Naputol ang tawa namin ng biglang tumabi sa'kin si Joax!
YOU ARE READING
With All The Stars Combined [RPW Series #1]
RomanceJoax is a jackpot. Screaming girls here and there, but he's not interested in anyone but Alix. Alix and only Alix. Yet he made the biggest mistake. It's loving her, anonymously, it's hurting her without her knowing it's him. Alix, on the other hand...