2

15 2 6
                                    

Pagkatapos akong ihatid sa sakayan ni Joax, tinanong ko siya kung kelan siya magpapaturo. Sabi niya magchachat na lang daw siya.

Weird pero sabi ko na lang sa sarili ko. "Hayaan na nga siya."

Pagdating ko sa bahay, halos naging school na rin yun. Dahil sa Special Science Class, hindi talino ang dapat na meron ka, sipag at pasensya dapat. Tinatawag na ako ni Mommy sa baba para kumain pero kagaya ng lagi kong sagot.

"Sige po, mamaya na lang"

I doubt na wala pa akong sakit. Puyat at lagi akong nalilipasan ng gutom. Rason ang mga gawaing parang hindi natatapos. Napahinto lang ako sa pag-edit ng chapter 1 nang tumawag si Schy.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Gaga, hindi ko na alam gagawin sa chapter 2. Patulong maghanap ng studies"

"Same title ba?" tanong ko.

"Oo, plesh bebe."

"Sige, send ko"

"Ulanin ka sana ng lalaki ngayong weekend" habol na sabi nya bago ko ibaba.

But she was just saying that. Wala akong oras na mailalaan sa panlalaki. Sa dami ng responsibilidad ko bilang anak at estudyante ay hindi ko na alam paano pa ba ako makakaranas ng high school romance.

Nagmadali akong tapusin ang pag-edit para makasend na sa kanya at makagawa pa ng ilang mga projects. Madaling araw na rin nang makatapos ako at makaramdam ng gutom. Bumaba ako at nagluto ng noodles, like what always happen.

Nag-open ako sa RP account ko, habang hinihintay kumulo ang tubig, just to see kung anong update.

Kairon: buhay ka pa sana

Ang gago naman ng lalaking ito! Nung chinat ko sinungitan ako tapos ngayon ichachat ako. Wala ba siyang magawa sa buhay?!

Sana nga hindi na

Nagreply pa rin naman ako kahit 5 hours ago na yung chat n'ya. Daming ebas lang diba? Bored din ako eh.

Halos mabuga ko ang kinakain ko nang biglang may green na sa profile n'ya! Tangina, gising pa rin siya ng 2 o'clock?!

Kairon: same, gusto ko na lang din mamatay

Gaya gaya naman ito sa trip, parang tanga.

Kala ko ba "you're too
handsome to talk to me,"
e bat ka nagchat ha?

Kairon: masama?

Kairon: di pwedeng gusto lang?

Hindi

Batas ako.

Kairon: gago

Kairon: I badly need someone's opinion rn

Eh bat sa'kin?

Muka ba akong matino?

Kairon: I'm lost so kahit
kanino siguro pwede

Ano ba yun?

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now