20

8 2 11
                                    

Kinabukasan 6:20 sakto may pumarang sasakyan sa harap namin. Akala ko sundo ko na, kay Schy lang pala.

"Hi. Ikaw si Alix diba?" ani ng driver. Pero wala ako sa mood makipag-usap dahil kasama ngayon ng boyfriend mo ang nag-iisang taong pinagseselosan ko.

"Pakealam mo?" singhal ko sa kanya.

"Ay ang aga aga po! Jusmeyo!" ani Frey na nasa shotgun seat.

"Frey?" paniniguro ko.

"Hi, wazzup" aniya pa.

"Kala ko nagtransfer ka ha? Bakit andito ka?" dahil busy minsan na lang kami magkasama-sama o kahit magchat man lang.

"Ihahatid si Schy sa school nya. Tsaka para makita ka" sagot nya pero tinanguan ko na lang sya.

Kanina pa ako naghihintay ng tawag o kahit text o chat man lang sa bwisit kong jowa pero wala!

"Huy! Kanina ka pa wala sa wisyo! Parang tanga! Ano bang problema mo ha?!" ani Schy mula sa loob na inaayos pa ang tie niya.

"Hey, what about ako? Aren't you gonna kumusta me ha? Just the dalawa lang ba ha?" pagtatampo ni Gail na nasa likod pala.

Himalang hindi kasama ang jowa.

"Osige, kumusta ka?" tanong ko pero pinahalatang pilit 'yun.

"Psh! You are so nakakainis! You don't have pake na to me. Are we still magkaibigan?" tanong pa niya.

"Parang tanga! Natiis ko nga kaconyohan mo ng ilang taon na ngayon pa ba ako hihinto? Ngayong sanay na sanay na ako at normal na lang sa'kin iyan ha?" mahabang pangaral ko.

"May maghahatid ba sa'yo? Gusto mo bang sumabay?" ani ng driver. Tiningnan ko lang s'ya na parang kinikilala. "By the way, I'm--"

"I'm not interested." ani ko nang makita mula sa side mirror si Joax.

"Ow okay." napapahiyang sabi niya.

"Sungit mo naman. Lokohin ka sana." ani Frey mula sa loob.

"Pake mo? Iwan ka sana" ani ko bago pumasok at kunin yung gamit ko.

Paglabas ko at nagpaalam na sila Frey na aalis na dahil malelate na raw. Nang mapatingin ako kay Joax at sa motor niya ay napatingin ako sa uniform na suot ko.

Blazers na kulay black na pantay ang haba sa palda naming itim din, knife pleated na palda at 2 inch above the knee 'yun.

Hindi ko alam kung paano ako sasakay sa motor na yun! Tanga ata ito si Joax eh!

Bigla niyang inalis ang coat niya at inabot sa'kin. Umupo ako ng patagilid sa motor at ipinatong sa hita ko ang coat niya.

"Hindi mo sinabing ganyan kaikli ang uniform mo, sana kotse ang dinala ko" sermon niya. Bakit hindi niya ba alam na sa SMA ako nag-aaral ha? Malamang iisa uniform dun at ganito nga! Tanga rin eh.

"Kapit na" muling utos niya. Wala pa akong helmet!

Pinagtaasan ko siya ng kilay at tiningnan niya ako mula sa side mirror.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now