Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Parang pinipiga ang puso ko. After 8 years naramdaman ko na ang sakit, lahat ng sakit. It took years.
Hindi ko rin sigurado kung tumitibok pa ba ang puso ko. Masakit ang lahat lahat sa'kin, buong katawan ko. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko na mas nagpapabigat ng nararamdaman ko.
Ngayon, after making myself numb for all the pain. Pwede ko na bang ramdamin 'yung sakit?
Pinunasan ko ang luhang pumatak galing sa mga mata ko, dahilan para maramdaman ko ang lamig ng singsing sa daliri ko.
Napangiti ako nang makita ko yun. I think it's time.
Binuksan ko ang pinto ng kotse niya kaya naman natuliro siya.
"Tara" sabi ko saka diretsong pumasok sa loob.
"Atty!" tawag sa'kin sa front desk.
"Hi Atty." magiliw na bati sa'kin ni Faye. Crush niya kasi si Kuya kaya tuwang tuwa siya tuwing makikita ako.
"Yes?"
"Akala ko hindi ka uuwi, kasi nakita ko na si Atty. Aki na umakyat pero di ka kasa---"
"Nasa taas siya?" tanong ko kaya naman gulat na gulat siya.
Mas nagulat siya nang biglang tumabi sa'kin si Joax.
"I left my card inside. Can I have the spare?" tanong ni Joax. Dito siya nakatira?! Nanlaki ang mata ko nang napatingin sa kanya at lalo na dun sa card na kakaabot pa lang ni Faye.
"Thanks." nakangiting sabi niya kay Faye saka bumaling sa'kin. "Let's go?"
"Faye, don't tell Aki, I'm here." utos ko. Nakangiti naman siyang tumango.
Nang sumakay kami sa elevator parang walang hangin. Nahihirapan akong huminga! Parang dinaganan ang dibdib ko ng napakalaking bato. And no words can thoroughly describe what I feel today, right at this moment. Ang hirap. Sobra.
"Do you live here, too?" tanong niya.
"Yes, 15th floor" sagot ko.
"Kakalipat ko lang din sa 1502" Shit! The unit beside mine! Oh gawd!
"I'm in 1501" nahihiya pa ako nang sabihin ko iyon!
Nang bumukas ang elevator ay huminto siya sa tapat ng unit ko.
"Nasa loob si Aki" bulong ko.
"Just answer my question first. I'll leave you with him"
"Hindi ko pa...masasagot. Nang ganito...kadali. Hindi ko pa alam. Hindi ko..." nahinto ako ng biglang gumalaw ang door knob.
Dali-daling swinipe ni Joax ang card at hinila ako papasok ng unit niya.
"Hindi kita ibibigay sa kanya hangga't hindi mo nasasagot ang tanong ko" seryosong sabi niya.
"So pwede ko pang hindi sagutin?"
"Oo, pero sa'kin ka uuwi" nakangising sagot niya.
Umiling na lang ako saka nilibot ang mata sa unit niya. Lalaking lalaki ang itsura noon. May dalawa ring kwarto gaya ng sa'kin. More like, pareho lang naman sila ng design at furniture lang ang naiba.
Umupo ako sa sofa niya habang titig na titig sa picture niya. Nasa dingding iyon. Picture ito noong ball. May kasayaw siya pero hindi kita 'yung babae. Grabe 'yung ngiti n'ya, totoong-totoo.
YOU ARE READING
With All The Stars Combined [RPW Series #1]
RomanceJoax is a jackpot. Screaming girls here and there, but he's not interested in anyone but Alix. Alix and only Alix. Yet he made the biggest mistake. It's loving her, anonymously, it's hurting her without her knowing it's him. Alix, on the other hand...