33

8 1 0
                                    

Nasa tapat kami ngayon ng bahay nina Mama.

"Halika na, gutom na ako." aya ko saka lumabas na.

"Ma!" tawag ko.

"Anak! Pinag-alala mo ako. San ka ba pumunta?" sabi niya niyakap pa ako.

"Ahhh" hindi ko alam ang isasagot! Buti na lang saktong lumabas si Joax. "Mama, si Joax po...ahh f..f-iance ko" sabi ko pinakita pa sa kanya ang singsing.

"Nak? Pakiulit. Hindi ata tama narinig ko"

"Hello po" bati ni Joax. "I'm Joax po, fiance po ni Alix. I know---" natigil siya sa pagsasalita nang biglang sumingit si Inayacui Ezekiel! Papatayin ko talaga 'yang lalaking iyan eh!

"Huy, Inday na 'di marunong umuwi! Bilisan mo at ang kalat na naman pala ng kwarto mo! Ayusin mo muna nga 'yun!"

"Ma oh! May bisita ako eh." sumbong ko.

"Ikaw na mag-ayos doon, Aki. May bisita siya." sabi ni Mama.

Napatingin ako kay Joax na salubong na ang kilay.

"Ah Ma, okay lang. Ako na po." sabi ko saka hinila na si Joax papasok sa loob.

Dumila pa si Aki sa'kin nung madaanan namin siya.

"Tito, andito na ako" bati ko kay Tito nung makita ko siyang nagluluto sa kusina.

"Oh, kwarto mo raw malala na naman" nakangiting sabi ni Tito.

"Psh! Sumbongero talaga! Iniwan ko naman po 'yun nang maayos eh" nagmamaktol na sabi ko.

"Ayan na naman sa imposibleng rason mo, Alix eh!" singit ni Aki.

"Tumahimik kayo ah! May bisita oh." saway sa'min ni Mama.

Nanlaki ang mata ni Aki ng makita si Joax sa tabi ko.

"Oh bat nag-aala tarsier ka na naman dyan?" nang-aasar na tanong ko.

"Anong---" tanging nasabi ni Aki

"Ma, Tito, akyat na po ako." paalam ko.

Hinila ko si Joax pataas pero naalala kong makalat nga daw pala sa kwarto ko.

"Makalat sa kwarto ko, doon ka na lang" turo ko sa sofa.

"Ha?" halatang halatang kinakabahan siya.

"Psh! Tara na nga! Doon ka muna sa labas ha?! Aayusin ko lang"

Pagkadating namin sa tapat ng kwarto ko iniwan ko siya roon sa labas. Nakakahiya eh, makalat daw kwarto ko. Pagpasok ko sa loob. Lintik ang gulo nga! Iniwan ko ba itong ganito?! Isa isa kong iniligpit ang mga papel na nakakalat sa sahig. Ang burara! Matapos iligpit lahat ng papel ay binuksan ko na ang pinto.

"Huy! Ayos ka lang diyan?" tanong ko kay Joax.

Pero hindi siya sumagot, nakapout lang sya. Kaya nakakunot tuloy yung noo ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now