16

6 3 17
                                    

Natapos na ang party at wala na si Joax, hindi na siya bumalik. Kaniya-kaniya kaming paalam sa isa't isa kasabay ng maiinit na yakap.

Tag-debut ngayon at mukang ubusan ng pera panregalo ang mangyayare. At ibig sabihin nun ay makikita pa namin ang isa't isa sa susunod. Pero wala eh. Kung makapagpaalam kami ngayon parang hindi na magkikita.

"Alix, kung may problema ka sa SMA sabihin mo lang ha?" ani ni Vin.

"Sinasabi mo 'yan for me to say the same thing right? Hindi ako tanga!" Hayup na 'to! Tangina! Dimunyu! Bwisit!

"Hehe, kung ayos lang sana patulong sa Biology o kaya kahit Chem lang" Hinawakan niya pa ang kamay ko at parang tangang nagpout.

"May girlfriend ka?" tanong ko.

"Oo. Pero kaya kong iwan para sa'yo. Sige, tayo na" mabilis na sabi niya.

"Tanga! Hindi kita type. Ang hanapin mong girlfriend yung ready ka samahan mag-aral, hindi yung sasamahan ka nga, sa kama lang naman."

"Nag-aaral naman kami ng sabay, new positions" aniya sabay kindat pa. Nagtawanan tuloy ang lahat.

Agad akong nandiri. Wtf?! Gago, hindi ako ready makarinig nun! Alam ko naman ang mga bagay bagay pero basta may part sa bagay na yun ang ayaw ko.

Nang makarating kami kala Gail kaniya-kaniya kaming higa sa kama. Nang makapalit kami lahat doon na nagsimula ang daldalan.

Kinuha ko muna ang phone ko para sabihin kay Kai ang nangyayare sa buhay ko.

Love: iinom na kami

Hi loveeeeeeee, kami din😁

Enjoy ka muna with your friends

Hintayin ko tawag mo

Love: 👍

Para na naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Like?! Yun yung makukuha ko?!

"Oh ba't ganyan itsura mo? Pinabayaan ka na naman?" tanong ni Schy.

But I concealed my emotions.... Ngumiti ako sa kanila.

"I know you na, it's been three na taon na the friendship natin 'no" ani ni Gail.

Yeah, conyo.

"Okay lang ako. Inom na tayo" ani ko sabay tayo at punta sa kusina.

Pagbalik ko may dala na akong alak at pulutan.

Uminom kami gamit ang drunk cards at dice. Kaming tatlo nina Schy ay 'sip' lang ang nakuha sa unang dice. Pero si Gail 'drunk two cups' na ikinareklamo niya.

"Why naman the earth hate me ha?" aniya bago uminom.

Nagpatuloy kami gamit ang drunk cards. Ang alam ko na lang ako na lang ng ako ang uminom.

"Dinadaya na ba ako?" tanong ko.

"Lasing na si tanga oh" sambit ni S4chy na katabi ko.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now