12

6 1 0
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas at ganoon lang din naman sa'kin si Joax. Nasanay na akong susunduin, ihahatid, sasabayan niya kumain, sasandal sa balikat niya, lahat. Mas naging malapit kami sa isa't isa. Pati humor niya nakuha ko na. Sa galit niyang muka pa lang ako hindi nasasanay. Aaminin kong gwapo siya, pero meron sa puso ko ang nakakaramdam ng hindi maganda tuwing magagalit siya.

"Huy, Salixins!" tawag sa'kin habang may naririnig akong malalakas na katok.

"Sandale" inaatok kong sagot.

Kinukusot ko pa ang mata ko habang naglalakad palapit sa pinto. Nakapikit pa nga ako ng mabuksan ko na yun.

"Bakit?" sabi ko.

"May practice ngayon. Baka gusto mo mag-asikaso"

Doon pa lang ako natatauhan. Hinayaan kong nakabukas ang pinto at dali dali akong naghanap na ng damit.

Isang blue cropped top and a white skorts (short and skirt) ang nahanap ko. Nagmamadali akong maligo at magbihis. Dahil sa pagmamadali yung flats na lang ang sinuot ko.

Nang makarating kami sa court, wala, nagsisimula na sila. At isa sa katarantaduhan namin ni Joax ay ang sumayaw mula sa dulo sa kung anong beat na magustuhaan namin, tuwing late kami.

"Dating gawi?" tanong ko.

Kinuha niya ang phone niya at nagpatugtog ng kung ano. This time it's 'Huling Sayaw' by Kamikazee. Yan din ang favorite song ng Einstein.

Nagsimula kaming kumembot hanggang sa para na kami nasa bar na sumasayaw at tumatawa doon.

"Ito na ang ating huling sayaw may dulo pala ang langit" pagkanta ko.

"Huy! Magpractice na kayo dito! Late na naman" sigaw ni Mamu.

Two weeks na lang at prom night na namin. Next week ang exam week namin kaya half day lang ang practice ngayon kahit Sabado. Sabay sabay ang lahat ng gawain pero ewan ko ba bakit hindi ako nagrereklamo, siguro kasi sanay na ang katawan ko.

Nagsimula na ulit ang practice at basic na lang para sa'min ni Joax ang step.

"Ay punyeta! Two weeks na lang hindi pa makuha nung iba! May idadagdag pang steps sabi ni Madam Carmy!" galit na sigaw ni Mamu.

Maya-maya...

"Ay punyeta! Joax bubuhatin mo si Alix. Tapos kayong lahat aalis. Sila lang muna, total sila pa lang ang pair na alam ang steps!" galit pa ring sigaw niya.

As much as gusto kong umayaw sa idea niya, galit siya kaya umayon na lang ako.

"Try!" sigaw pa rin niya.

Nagsimula ang tugtog at nagsimula na rin ulit kaming sumayaw. Sa part na bubuhatin na ako, Joax was hesitant.

"Huy, ayusin mo" sabi ko sa kanya.

"Ayos lang ba ito?" tanong niya. Ni hindi makatingin sa mata ko.

"Osige, galitin mo pa si Bakla" bulong ko.

Binuhat niya ako at agad na nagreklamo.

"Ang bigat mo. Magdiet ka ha" reklamo niya.

With All The Stars Combined [RPW Series #1]Where stories live. Discover now