Confession

1K 31 1
                                    

"Pau, sorry. Di ko naman akalaing magkakagusto ako sa'yo. At gusto ko lang sabihin kung anong nararamdaman ko kasi ang bigat na. Gusto ko lang mawala na 'to kasi alam kong mali."

Di mapigilan ni Stell ang pagtulo ng luha nya. Kailangan nyang mailabas tong nararamdaman nya at bakasakaling unti-unti, kahit paunti-unti ay makamove on sya. Nanatili syang nakatungo, hindi nya magawang tingnan si Pablo na nasa harap nya. Hindi nya kakayanin kung makitaan man nya ng kahit katiting na pandidiri sa reaksyon nito kaya mas minabuti nyang wag na itong tingnan.

"Wag kang mag-alala Pau, kahit mahirap pipilitin kong kalimutan tong nararamdaman ko kaya pakiusap.. please lang Pau, wag sanang magbago ang pakikitungo mo sa'kin. Sana okay parin tayo. Sana itrato mo parin akong kaibigan mo, kagrupo mo. Sana hindi ka magbago. Sana hindi mo ako pandirihan."

Pinunasan ni Stell ang mga luha sa pisngi gamit ang likod ng palad nya at pinilit nyang ngumiti. Sa pagkakataong yun lakas loob niyang tiningnan si Pablo at kitang-kita nya ang gulat sa mukha nito at dahil dun nakaramdam sya ng kirot sa puso nya.

"Thank you Pau. Salamat sa pakikinig. Sana hindi nito maapektuhan Ang samahan ng grupo." Sabi nya at nagmadaling umalis. Mabuti nalang sila lang ang tao ngayon sa "the Zone". Talagang tinaon nya na walang tao bago nya kausapin si Pablo ay magtapat dito.

Expected na nya ang magiging reaksyon nito pero masakit parin. Sa grupo nila, si Pablo ang pinakaclose nya, though close din sya sa lahat ng members pero pag kay Pablo iba ang comfort na nararamdaman nya. Pag si Pablo ang kasama nya kahit gano kapangit ng araw nya, masaya parin. Kahit anong panlalait ang marinig nya mula sa bashers nila, kunting comfort at joke lang ni Pablo, masaya na ulit sya.

Noong narealize kong inlove ako sa kanya sobrang natakot ako, aside sa katotohanang nagkagusto ako sa isang lalaki, ay mas natakot ako sa sasabihin ni Pablo. Natakot akong malaman nya kasi pano kung magbago sya? Layuan nya ako? Mabuwag Ang grupo dahil lang dito sa nararamdaman ko? Kaya minabuti kong itago 'to pero habang tumatagal bumibigat ang nararamdaman ko. Ang hirap itago, ang bigat sa dibdib hanggang sa umabot sa puntong naaapektuhan na ang performance ko at ng grupo. Tinatanong nila ako kung ano ang problema pero di ko masabi. Kaya minabuti kong kausapin si Pablo at sabihin sa kanya para makamove on na ako at baka sakaling maibalik ko sa dati ang lahat.

Huminga ako ng malalim at inayos Ang sarili ko. Ngayong nasabi ko na sa kanya ang lahat, kailangan ko ng magmoveon. Bukas na bukas babalik na ako sa dati. Kahit mahirap kailangan para sa sarili ko, kay Pau at sa mga kagrupo namin. Huminga ulit ako ng malalim at nagsimulang maglakad.

Sabi MoWhere stories live. Discover now