"Pau? Alis na 'ko." Kumatok si Stell na kwarto ni Pablo para magpaalam pero walang sagot mula dito. Aalis na sana sya pero wala sa loob na naitanong nya, "Pau? Pwedi ba kitang makausap? Kahit saglit lang please?" Akala ni Stell hindi parin sasagot si Pablo kaya napabuntong-hininga sya, pero bigla nyang narinig ang pagbukas ng pinto.
"Pasok." Yun lang ang narinig nya kay Pau. Naglakad ito pabalik sa harap ng computer nito. Sya naman ay pumasok at sinara ang pinto. Sanay na sya sa kwartong 'to. Madalas syang mag overnight dito lalo na nung trainee days nila. Nung hindi nya pa narerealize na mahal nya si Pablo. Naupo sya sa gilid ng kama. Nakaharap sya kay Pau na nakaharap naman sa computer nito. Ang side profile nito ang nakikita nya. Hindi nya alam pano magsisimula kaya nakatingin lang sya kay Pau. Napalingon sya sa computer nito at nakita nyang ang mga dating pictures nila noong trainees pa sila ang tinitingnan nito.
"Pau? Hindi ko alam kung pano sasabihin to pero gusto ko sanang sabihin sa'yo na nakapagdesisyon na ako." Simula nya.
"Na ano? Na kalimutan ang feelings mo? Na kailangan mo ng space para makamove on? Ou na. Gets ko na." Sabi ni Pablo na nakatingin pa rin sa computer nito.
"Na liligawan kita." Biglang napalingon si Pau sa kanya.
"Ano?"
"Liligawan kita."
"Stell, niloloko mo ba ako? Ano na naman to? Baka mamaya sabihin mo na naman na nagbago isip mo. Pwedi ba? Tantanan mo ako." Mapait na ngumiti si Pablo at binalik ang tingin sa computer. Sakto namang mga pictures nila ni Stell ang lumabas. Nakaslideshow kasi Ang mga pictures sa Trainee days album nya."Liligawan kita Pau. Ipapakita ko sa'yo kung gano kita kagusto." Lumapit si Stell sa kinauupuan ni Pablo. Paluhod syang nakaupo sa may gilid nito. "Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba, sa magiging opinion nila. Mula ngayon Pau, ikaw nalang ang aalalahanin ko. Okay lang kahit wala ka pang feelings sa'kin ngayon. Let me court you for 1 month at kapag hindi ka parin nainlove sa'kin sa panahon na yan, I won't bother you with my feelings again. Please Pau? Please."
Dahan-dahang pinihit ni Pablo ang kanyang upuan paharap kay Stell. Nakatingin ito sa kanya na parang nagmamakaawa. Napangiti sya at tumango. Hinila nya ang braso ni Stell upang tumayo ito. Nang nakatayo na silang dalawa ay yumakap si Pablo kay Stell at pabiro nyang sinabing.... "Ayusin mo ang panliligaw. Dapat maimpress ako."
Napangiti naman ng todo si Stell kahit kanina lang ay naiiyak sya.
"Ipaparamdam ko sa'yo kung pano magmahal ang isang Ajero." Natatawa nyang sabi at mahigpit na niyakap si Pablo.
Natawa si Pablo. Masaya sya. May sagot na sya kay Stell kahit hindi pa ito nagsisimulang manligaw. Hindi nya alam kung mahal nya si Stell pero ang alam nya, ayaw nyang iniiwasan sya nito, ayaw nyang may kasama itong iba at lalong-lalo nang ayaw nyang may iba itong pinagtutuunan ng pansin maliban sa kanya. Kahit si Ken na bespal ni Stell, aminado syang pinagseselosan nya. Gusto nyang sabihin sa iba na sa kanya lang si Stell. Kaya kung ano man tong nararamdaman nya kay Stell, alam nyang higit pa sa pagkakaibigan 'to. After 1 month siguro naman kaya na nyang pangalanan itong nararamdaman nya kay Stell.
"Thank you Pau. Pano? See you on Monday? Alis nako." Kumalas sya sa yakap ni Pablo at hinawakan nya ang magkabilang pisngi nito. Bago pa nakasagot si Pau ay humalik sya sa noo nito.
Natigilan si Pablo sa ginawa ni Stell pero agad syang napangiti. Nakaramdam sya ng kilig sa ginawa nito. Ganito pala ang feeling ng mga babae paghinahalikan sila sa noo ng mga boyfriend nila. Nakaramdam sya ng hiya. Pakiramdam nya namumula sya. Naalala nya ang sinabi ni Stell.
"Uuwi ka na?"
"Ou, bakit ayaw mo ba? gusto mo dito na ko matulog? Biro ni Stell na tuwang-tuwa sa reaction ni Pablo. Medyo namumula ito kaya alam nyang nahihiya ito. Nadadagdagan ang confidence nyang mapapasagot nya si Pau."Ou." Lalong lumaki ang ngiti ni Stell sa sagot ni Pablo. "Kasi nga di ba ang tagal mo ng hindi nakakapag overnight dito?" Depensa agad ni Pablo.
"Ou nga eh, gusto ko rin dito matulog. Pero nakapagsabi na ako kina mama na uuwi ako. Promise next time Magoovernight ako dito at ipangako mo rin na magoovernight ka samin. Okay?" Nakita nyang medyo nalungkot si Pablo sa sinabi nya kaya hinalikan nya ulit ito sa noo. Napangiti na ulit ito.
"Okay. Ingat ka sa byahe. Kitakits sa Monday." Sabi ni Pablo. "Hatid na kita sa labas ng bahay."
Bago umalis si Stell, nagpaalam muna sya kay Tita Ley at sa dalawang kapatid ni Pau na nasa sala. Tumaas ang kilay ng tatlo ng makita silang magkasama. Para silang nanunuksong ngumiti kay Stell. "Ingat sa byahe Stell at baka maiyak itong si Pau." Pahabol pang tukso ni Tita Ley.
_________________________________Kinikilig ako sa Stelljun!!!! Wah!!! Salamat at dahil sa inyo naeexperience ko parin kiligin kahit wala akong jowa hahhahaahaha
Itataya ko lovelife ko magkatotoo lang Stelljun hahahaha. De joke lang. Pawang kathang isip lamang po ang mga nakasaad sa kwento. Blessed weekends mga Kaps.
YOU ARE READING
Sabi Mo
FanfictionStelljun to mga kaps #credits po sa lahat ng may ari ng mga pictures. Sa google ko po lahat yan nakuha. Thank you po. Dedicated to kay Ate Kim. Salamat sa pag introduce ng BL at SB19 sa'kin, ate. Hulog ka ng langit.