"Good morning!" Napalingon sila Josh, Justin at Pablo ng marinig nila Ang masiglang bati mula kay Stell.
"Uy, Stell ikaw na ba yan? San ka galing?" Biro ni Josh sa kadahilanang ngayon nalang nya ulit narinig ang masiglang tinig ni Stell. Parang bumalik na ang dating ito. Mga ilang buwan na rin ang nakakalipas ng unti-unti nyang napansin ang pagbabago nito. Palaging malungkot at malalim ang iniisip. Alam nyang may problema ito, alam nilang lahat pero alam din nilang ayaw nitong pag usapan yun. Kaya nirespeto nila ito pero palagi nilang pinapaalala na nandon lang sila at handang makinig. Pero ngayon natutuwa syang marinig uli ang masiglang boses nito.
"Wooow Stell, nakakain ka ba ng isang kilong strawberry 🍓 at ganyan kaganda ang umaga mo?" Biro din ni Justin. Kahit kailan talaga ang corny 🌽 magjoke nito.
Natawa si Stell sa mga komento ng mga kaibigan. "Well, bagong umaga, bagong tao!" Ganting biro ni Stell at nagtawanan sila. Pero nang napalingon si Stell kay Pablo ay nanigas bigla ang katawan nya. Pero saglit lang at nakabawi agad sya. Si Pablo ay ni hindi man lang ngumiti sa joke nila at parang galit itong nakatingin sa kanya. Pilit nyang pinaalala sa sarili na umaktong parang walang nangyari.
"Oh, Pablo? Bumalik na nga ang dating Stell, naging bugnutin ka naman?" Puna ni Josh. Nakatingin silang tatlo kay Pablo.
"Hindi ka ba nakakain ng hotdog kaninang alimusal, ha, Pablo? Tanong ni Justin na ikinatawa ulit nila. Si Pablo ay masama parin ang tingin kay Stell. Habang si Stell ay kabang-kaba sa inaasal ni Pablo. Galit ba ito sa pag amin nya?
"Si Ken pala, wala pa rin? Ano ba naman yung bes pal ko, talagang best in late eh." Pabirong iniba ni Stell ang topic para makaiwas kay Pablo. "Nakapag almusal na ba kayo? Ha?" Tinanong nya ang mga kaibigan habang inayos ayos nya ang mga gamit sa locker nya. Sumagot sila Josh at Justin ng ou at tumingin sya kay Pablo ng walang sagot mula dito. Padabog itong tumalikod ay umupo sa sahig sa pinakasulok. Nilabas nito ang cellphone at nagfocus na sa paggamit nito. Nakahinga sya ng maluwang dahil makakaiwas sya dito.
Pagdating ni Ken agad na silang nagsimula sa practice. Nung break na nila ay nakisali sya sa biruan at usapan. Tawa sila ng tawa dahil kay Stell, sa mga biro nitong bentang benta sa kanila. Si Pablo ay nakikinig at nakikitawa rin pero hindi sya kasing daldal dati.
"Maglalunch na guys san kayo kakain?" Tanong ni Justin nong bandang 11am na.
"Kung san malapit?" Sagot ni Josh. "Ikaw Pau?"
"Hmmm.. di ko pa alam. Ikaw St-"
"San ka kain Ken? Sama ako sa'yo." Biglang sabi ni Stell. Hindi man nahalata ng ibang kagrupo pero natigilan si Pablo sa sinabi ni Stell. Every lunch sila ang magkasama at magkasabay ni Stell pero si Ken Ang tinatanong nito ngayon.
"Naku pre, hindi muna ako kakain, medyo busog pa'ko eh. Tulog muna ako." Sabi ni Ken na akmang hihiga sa sahig.
"Anong matutulog? Kailangan mong kumain uy mahaba haba pa ang training natin mamaya kaya kailangan natin ng energy. Hala tayo! Tayo ka dyan."
"Ayoko. Gusto ko matulog nalang." Parang walang pakialam na sabi ni Ken.
Hinatak ni Stell ang braso ni Ken upang tumayo ito. "Kain na tayo. Ulam tayo Ng fried chicken, di ba gusto mo yun?" Malambing na sabi ni Stell kay Ken mapapayag lang ito. Hindi nya pa kayang makasama si Pablo ng sila lang dalawa.Kitang-kita ni Pablo ang ginagawa ni Stell at Ken. Naiinis sya na nagagalit. Ewan. Nung papaalis na sila Josh at Justin ay sumama nalang sya sa dalawa.
YOU ARE READING
Sabi Mo
FanfictionStelljun to mga kaps #credits po sa lahat ng may ari ng mga pictures. Sa google ko po lahat yan nakuha. Thank you po. Dedicated to kay Ate Kim. Salamat sa pag introduce ng BL at SB19 sa'kin, ate. Hulog ka ng langit.