"Hi Tita!" Si Tita Ley (mama ni Pablo) ang nagbukas ng pinto ng kumatok si Stell. Nandito sya ngayon, Sabado ng alas otso ng umaga, sa bahay nila Pablo.
Kagabi habang nakahiga ay nag isip ng mabuti si Stell at napagdesisyonan nyang ipursue si Pablo. Susubukan nya kahit natatakot sya. Sa naging desisyon nya ang daming kailangan isaalang alang pero nangibabaw ang nararamdaman nya kay Pablo. Kaya sana hindi sya magkamali ng desisyon. Sana tama ang hinala nya na may pagtingin si Pablo sa kanya. Kahit kunti, kahit kunti lang susugal sya.
"Stell? Napadalaw ka? Teka, may importante ba kayong lakad ni Paulo o gagawin? Aba't di ako sinabihan ng batang yon at ng naipagluto kita ng masarap. Halika, pasok ka. Pasok." Sunod-sunod na sabi ni Tita Ley. Talagang ang bait ni Tita. Sa kanya nagmana si Pablo sa kabaitan at kadaldalan.
"Eh, wala naman po Tita. May sasabihin lang po ako kay Pau na importante kaya napadaan ho ako. Pasensya na po Tita at masyado akong maaga." Naglalakad na sila papasok ng bahay.
"Ay, naku, ikaw pa ba Stell? Welcome ka dito anytime. Alam ko naman kung gano ka kagusto ni Pablo, eh."
"Ho?" Parang tumalon ang puso nya ng marinig ang sinabi ni Tita Ley. Parang tumaas ang confidence nya pero alam nyang hindi ganon ang ibig sabihin ni Tita.
"Ah sya nga pala Stell, may nangyari ba kagabi? Bad mood kasi si Pau pagdating dito at nagkulong lang sa kwarto. Hindi din kumain. May problema ba sa grupo nyo?"
"Ah, eh... Wa...la naman po Tita." Nauutal sya dahil hindi nya alam ang sasabihin.
"Minsan ko lang makitang ganyan si Pau, eh. Alam mo naman na sobrang masayahin nyan. Upo ka muna at pupuntahan ko sya sa kwarto. Tsaka mayamaya kain na tayong almusal." Nilagay nya ang dalang bagpack sa may sofa at naupo, habang si Tita Ley ay pumunta sa kwarto ni Pau. Nagdala sya ng kunting gamit dahil after nya kina Pau dederetso muna syang uwi. Naririnig nya ang pagkatok ni Tita Ley sa pinto ng kwarto at pagbukas ng pinto.
"Nandyan si Stell, may importante daw sasabihin sa'yo." Matagal muna bago sya nakarinig ng sagot mula kay Pablo. "Pakisabi po Ma, ayaw ko muna ng bisita ngayon." Napabuntong hininga si Stell mukhang sa lunes pa sya magsisimulang makapanligaw kay Pau.
Narinig na nyang pabalik sa Sala si Tita Ley. At bago pa ito makapagsalita ay inunahan na nya.
"Mukhang magpapahinga pa si Pau, tita kaya sa lunes ko nalang po sya kakausapin."
"Magsabi ka nga sa'kin Stell? Nagkatampuhan ba kayo ni Pau?"
"Eh, sorry ho Tita. Opo meron po kaming tampuhan ngayon eh."
"Ah.. kaya pala ganyan sya ngayon. Naku, wag ka muna umalis. May naisip akong paraan para magkaayos kayo. Halika dali." Nagtataka man, sumunod nalang din sya kay Tita Ley.
________________________________"Pau, kakain na. Labas kana dyan at di ka pa kumakain. Kagabi ka pa. Magpapakamatay ka ba sa gutom?" Pinuntahan na ni Tita Ley si Pau para ayaing kumain. Nandito si Stell sa kusina at busy sa paghahanda ng mesa. Tinulungan nya si Tita Ley sa pagluluto ng mga gustong pagkain ni Pau. Sigurado daw na lalambot ang puso nito pagnalaman nyang nagluto si Stell para sa kanya.
Sana nga pero kinakabahan parin sya sa magiging reaksyon ni Pau. Sakto 11:30 sila natapos. Nagskip nalang sila ng breakfast maliban sa dalawang kapatid na babae ni Pau na tumulong din sa kanila sa pagluluto. Parang may handaan tuloy sa bahay nila Pau.
"Ma ayoko po kumain. Hindi pa po ako gutom." Narinig nyang sagot ni Pablo.
"Anong hindi kakain? Kagabi hindi ka rin kumain ha? Ano bang problema ha Pau? Nag away ba kayo ni Stell?"
Nakaupo lang si Stell sa harap ng mesa kasama ang dalawang kapatid ni Pau. Tahimik lang silang nakikinig. Halata kay Stell ang kaba habang and dalawang kapatid ni Pau ay nakamasid lang kay Stell.
"Wala po ma. Tampuhan lang po." Sagot ni Pablo.
"Eh, yun naman pala eh. Ba't ayaw mo kumain? Kung wala kang gana, pilitin mo. Naghirap kaming magluto tas hindi ka kakain? Sige na at masama na pinapaghintay mo ang pagkain."
"Opo." Wala ng nagawa si Pablo at sumunod sa nanay nya papuntang dining room.
Napatayo agad si Stell ng Makita nya si Pablo. "Pau."
Si Pablo naman ay napahinto. Nakatingin lang sya kay Stell at mayamaya ay tumingin sa mama nya na para bang nagtatanong. "Ma?" Pabalik na sana si Pablo sa kwarto ng nagsalita ang mama nya.
"Oooops! Balik! Sabay-sabay tayong kakain! Ganyan ang bonding ng pamilya.Alam mo yan Pau."
Dahan-dahang naglakad si Pau sa mesa. Si Stell naman ay aligaga sa pag-asikaso kay Pau. Hinila nya ang upuan at inalalayan si Pablo sa pag-upo bago sya umupod ulit sa tabi nito. Sya narin Ng nagsandok ng kanin para kay Pau. Sinunod nya ang mga ulam.
"Anong gusto mo Pau? Eto oh, tinulungan ko si Tita magluto ng kare-kare. Tsaka itong adobo, di ba paborito mo rin to? Tikman mo. At syempre 'yung pinakapaborito mong tuicy jender." Sunod-sunod na sabi ni Stell habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Pablo.
"Hindi putol ang mga kamay ko, Stell. Kaya kong kumuha ng sarili kong pagkain." Pagtataray ni Pau.
"Gumawa din kami ng buko salad, di ba gusto mo rin 'to?" Parang walang narinig na alok ni Stell. Si Tita Ley at mga kapatid ni Pablo ay nakangiting nagmamasid sa kanila. Ang totoo ay kinikilig sila sa dalawa dahil para lang magjowang nag-aaway. At Stelljun shipper din sila pero di nila pinapaalam kay Pablo dahil ayaw nilang magalit ito.
Habang kumakain ay nagkukwentohan at nagtatawanan sina Stell at Tita Ley, sumasali din ang dalawang kapatid. Si Pablo naman ay nakikinig lang habang tahimik na kumakain. Minsan-minsan pinipilit nyang hindi ngumiti sa mga hirit at joke ni Stell. Sumasakit ang lalamunan nya sa pagpipigil ng tawa. Sa totoo lang hindi naman sya galit kay Stell. Nasaktan lang talaga sya. Ano ba talagang gustong mangyari nito? Para syang itinaas sa ere at biglang iiwanan, yun ang nararamdaman nya. Sasabihan syang gusto sya pero sasabihin ding pipilitin nitong mawala ang feelings sa kanya. Kung ganoon lang din naman pala sana hindi na ito nagtapat sana hindi sya nasasaktan ngayon. Tapos ngayon, hindi nya alam kung bakit nandito ito sa bahay nila? Ano ang gusto nitong sabihin ngayon na okay na sya at gusto na nyang maging magkaibigan kami ulit?
_____________________
Pagkatapos kumain ay napansin ni Stell na tutulong sana si Pablo sa pagliligpit ng mesa at agad nyang sinaway ito."Pau, ako ng bahala dito. Magpahinga ka nalang." Agad kinuha ni Stell ang platong hawak ni Pablo.
Tumingin lang si Pau kay Stell at tumalikod at naglakad papuntang kwarto. Nakatingin lang si Stell kay Pau hanggang nakalabas ito ng dining room. Napabuntong hininga sya. Akala nya medyo papansinin na sya ni Pablo. Hindi parin pala.
YOU ARE READING
Sabi Mo
FanfictionStelljun to mga kaps #credits po sa lahat ng may ari ng mga pictures. Sa google ko po lahat yan nakuha. Thank you po. Dedicated to kay Ate Kim. Salamat sa pag introduce ng BL at SB19 sa'kin, ate. Hulog ka ng langit.