Yes.Happy.

816 33 18
                                    

"Guys? Okay lang bang makausap kayo in private?" Tanong ni Pablo kina Ken, Josh at Justin.

"M-may gusto lang sana kaming sabihin sa inyo." Dagdag pa nya.

Kinakabahan sya ng sobra ngayon. Napagdesisyonan nila ni Stell na sabihin na sa mga kasama ang tungkol sa kanilang dalawa. Dalawang buwan na rin simula ng maging sila kaya panahon na siguro, at syempre nakakapagod magtago ng sekreto. Parang kapatid naman din nila ang tatlo kaya sila ang gusto nilang unang makaalam about sa relasyon nila.

Nasa may likod na bahagi sila ng "the Zone" kung saan pwedi silang makapagpahinga. Nandoon naman ang mga staff sa may practice area at busy sa meeting. Hindi muna sila kasali sa meeting ngayon, bukas pa ang scheduled meeting nila with the staff.

Sobrang kaba nya pero si Stell ay hindi man lang kinakabahan. Confident daw ito na matatanggap sila ng mga kaibigan.

"Sure. Ngayon mo nalang kaya sabihin at tayo-tayo lang naman ang nandito." Sabi ni Josh na iniangat ang paningin mula sa cellphone nito.

Nag-angat na rin ng tingin sina Ken at Justin na busy sa kanya-kanyang cellphone.

Natigilan sya, pinangunahan na naman sya ng kaba. Lumingon sya kay Stell na parang nanghihingi ng tulong. Nasa may likuran nya lang ito at nakaupo malapit sa kanya. Ngumiti lang si Stell at tumango na parang iniencourage sya. Bigla syang nainis dito
talagang iniinis sya eh, kitang-kita namang kinakabahan sya pero wala itong ginagawa para tulungan sya.

"Ah,eh.... Ano..." Napakamot sya sa ulo. "Ako at si.... Stell.... ano..."

"Magjowa kayo? Okay. Alam na namin." Walang anumang sabi ni Ken at bumalik na sa paglalaro ng phone.

Gulat na gulat si Pablo. Pagtingin nya kay Justin at Josh ay pareho narin silang nakatingin sa kanya-kanyang phone na parang walang pakialam.

"A-alam nyo? Pano? Kailan pa?" Sunod-sunod na tanong ni Pablo. "Wag nyong sabihing...... Stell? Sinabi mo?" Lumingon sya kay Stell at pinandilatan ito.

"Huh? Ba't ako? Wala akong ginagawa. Takot ko lang sa'yo." Depensa agad ni Stell.

"Walang sinabi si Stell, matagal na naming alam." Sabi ulit ni Ken habang busy kakalaro ng mobile game.

"Kahit di nyo sabihin, ang obvious naman kasi." Sabi pa ni Josh na inioff ang phone at tumingin kay Pablo. "Panong di namin malalaman eh Ang sweet sweet nyo. Kulang nalang langgamin kayo."

"Anong sweet? Eh halos di kami magtabi sa training at events para lang di mahalata." Sabi naman ni Pablo. Naguguluhan pa sya.

"Di nga kayo magtabi pero grabe naman magtitigan at magbulungan. At yung sa mga pasimpleng banat nyo rin kaya dumadami tuloy ang Stelljun at Pabstell shipper." Sabi pa ni Josh na sumandal sa dingding at nagrelax.

'Yon din ang isang pinagtataka ni Pablo, kahit wala na silang masyadong interaction ni Stell sa mga events nila, mas dumami pa tuloy ang shippers nila.

"Ou nga, at kung hindi nyo napapansin minsan "Hal" parin ang tawagan nyo." Sabi naman ni Justin na sumali na sa usapan nila.

Biglang nahiya si Pablo dahil sa mga sinabi ng mga kaibigan. Hindi nya alam na ganon na pala sila kaobvious.

"Ahmm...so.. okay lang ba sa inyo na kami ni Stell? I mean alam nyo na Ang sitwasyon di ba?" Mayamaya ay sabi ni Pablo. Gusto nyang malaman kung ano ang opinyon ng tatlo tungkol sa relasyon nila ni Stell.

"Syempre okay na okay. Nakikita naman naming mahal nyo ang isa't isa eh. Kung masaya kayo, masaya rin kami para sa inyo." Sabi ni Josh na ngumiti sa kanya. Bigla syang natouch sa sinabi nito. Parang gusto nyang maiyak. Wala pala talaga syang dahilan para kabahan.

"Tama. At maganda yan always kang masaya para wala na ang istrikto at bugnuting Pablo hahahaha." Biro naman ni Justin.

"Ou nga pre, at wag nyo masyadong isipin ang sasabihin ng ibang tao. Ang importante masaya kayo sa desisyon nyo at alam nyo naman na siguro na always lang kaming nandito para sa inyo." Sabi naman ni Ken na tumingin kay Pablo.

"Wooow ang haba nung sinabi mo Ken, di ka ba hiningal?" Panunukso ni Justin. "Pero seryoso Pau, wag ka masyadong mag-alala, sobrang dami ng Stelljun shipper na mga A'Tin kaya maraming susuporta sa inyo if EVER worse comes to worst. Ang importante masaya kayo." Sabi naman ni Jah at nginitian sila.

Tuluyan ng napaiyak si Pablo. Hindi nya akalain na ganito ka supportive ang mga kaibigan nila. Naramdaman nyang may yumakap mula sa likod nya.

"Sabi ko naman sa'yo di ba? Everything will be alright. Tama, mahal?" Niyakap ni Stell si Pablo mula sa likod nito. "Tahan na wag na umiyak." Tinulungan nitong punasan ang luha nya.

Humarap si Pablo kay Stell at gumanti ng yakap. At binulingan nya ito ng "I love you, Stell."

"Okay na, okay na. Maawa naman kayo sa mga single grabe PDA lang?" Biro ni Jah.

"Langgamin sana kayo!" Hirit pa ni Josh.

"Ang sakit nyo sa mata." Sabi pa ni Ken sabay takip sa mata.

Natawa si Pablo sa pang-aasar ng mga kaibigan. Humarap sya sa mga ito at nagpasalamat.

"Salamat sa inyo. Akala ko talaga hindi nyo matatanggap kung anong meron kami kasi sobrang risky lalo na sa industriyang meron tayo. Kaya salamat talaga. Napakalaking bagay neto."

"Sus kahit noon pa Stelljun shipper na kami. Di ba mga pre? Kala nyo di namin napapansin mga galawan nyo. Sus!" Sabi pa ni Ken na parang nag-eenjoy sa usapan.

"Sus si Ken pa ba, sekretong chismoso." Biro ni Stell dito.

"Sa susunod sa staff naman natin sabihin, hal." Malambing na sabi ni Pablo kay Stell.

"Alam na din nila, Pau. Kaya hindi mo na kailangan problemahin yun." Sabi agad ni Justin.

"Huh!? Alam din nila!?"
"Sila din!?"
Sabay pa silang nagulat ni Stell.

"Nagtaka pa kayo. Ang obvious nyo nga kasi. Para kayong mga teenager na sobrang inlove hahahahah." Nang aasar na naman si Justin.

"Ayaw nyo yun? Di na kayo mamomroblema kung pano nyo sasabihin. Legal na agad kayo sa workplace at workmates." Pag-alo naman ni Ken.

Nagkatinginan nalang sila ni Stell at Pablo.

"Basta, matagal ko na gusto sabihin sa inyong dalawa to. Congratulations sa inyo. Sana forever na yan kung anong meron sa inyo." Napangiti silang pareho sa sinabi ni Josh.

Sana nga hindi matapos kung anuman ang meron sila ni Pablo ngayon. Sobrang saya nya, never in his wildest dream na magakakatuluyan sila ni Pablo. Noon sapat na sa kanya ang nakikitang masaya at komportable si Pau sa kanya pero ngayon, kita mo naman, mahal na mahal na din sya nito.

Basta gagawin nya lahat para maging masaya. Ngayon at sa susunod na mga araw.

______________________

Sana kahit papano napasaya kayo ng story na 'to. Asahan nyo na gagawa pa ulit ako at mas iiklian ko na para di nakakasawang basahin hahahah

Ingats mga Kaps!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sabi MoWhere stories live. Discover now