Ligaw

546 28 4
                                    

"Ang sinabi ko lang last week, sana bumalik na kayo sa pagiging sweet sa isa't isa. Hindi ko sinabing magkainlaban kayo." Sabi ni Jah habang nakaupo silang lahat sa sahig ng "The Zone". Break time nila kaya nagpapahinga muna sila. Si Stell ay nakaupo at nakasandal sa dingding, habang si Pablo naman ay nakahiga at nakaunan sa hita ni Stell. Masayang nag uusap ang dalawa, si Stell ay nakatungo kay Pablo habang si Pablo ay nakatingala kay Stell. Para silang magboyfriend na kitang-kita sa mga mata na masaya at inlove.

Sabay silang napatingin kay Jah dahil sa sinabi nito. "Ano na naman? Nag-uusap lang eh." Parang inis na sabi ni Pablo na napakamot sa ulo. Nakangiti lang si Stell.

"Aaah nag-uusap lang. Sana all ganyan mag-usap." Hirit pa ni Jah pero wala na sa kanya ang atensyon ng dalawa. Nag uusap na ulit sila at nagtatawanan. Napailing-iling nalang si Josh habang nakangiti. Si Ken naman ay nakahiga rin sa sahig at mukhang nakatulog.

Lunch time.

"Pau, sa'n mo gustong kumain?" Tanong ni Stell habang inaayos ang mga gamit sa bag. "Gusto mo ba maghanap tayo ng bagong kainan? Yung malapit-lapit lang dito para makabalik agad tayo."

"Kahit dun nalang sa paborito nating karendirya. Bakit? Ayaw mo na ba dun?" Seryosong tanong ni Pau.

"Hindi naman sa ayaw, pero maganda sana makatry naman tayo sa iba."

"Kayo lang? Di kayo mag-aaya?" Singit ni Josh na kanina pa nakikinig. Actually lahat sila nakikinig naman talagang umepal lang si Josh.

"Kung gusto nyong sumama, e di sama kayo. Kayo din ate Rose." Aya nya sa ibang staff.

"Wow ha parang napipilitan eh." Pang-aasar ni Josh.

"Hindi na at may ginagawa pa kami. Sige na kumain na kayo at ng makabalik kayo agad." Pagtataboy sa kanila ni Ate Rose.

"Tara Pau? Guys? Oh Ken tumayo kana dyan. Wag mong sabihing di ka na naman kakain? Tama na kakadiet. Masama yan." Nag-aalalang sabi ni Stell nang Makita nya si Ken na nakahiga lang sa sulok at nagcecellphone.

"Sige mauna na kayo. Hahabol ako."

"Tsk. Halika na sabay kana samin." Hinila ni Stell ang kamay ni Ken para pilitin itong patayuin. Walang nagawa si Ken kundi tumayo nalang.

Paglingon ni Stell sa ibang members ay wala na dun si Pablo.
"Asan si Pau?"
"Ayun umalis na. Ikaw kasi eh." Sabi agad ni Jah na parang nangingiti.
"Huh bakit anong ginawa ko? Anong nangyari?" Natarantang tanong ni Stell at patakbong lumabas.

"Lagot ka Ken pinagselos mo na naman si pinuno." Pang-aasar ni Justin. Si Josh naman ay nakangiti lang na nakatingin kay Ken.

"Aba, bahala sila wala naman akong ginagawa. Tara kain na tayo." Nagpatiuna ng naglakad si Ken.

"Pau! Anong nangyari? Ba't umalis ka kaagad? Hindi mo na ako hinitay." Hinihingal si Stell sa kakahabol kay Pablo mabuti nalang naabutan nya ito.

"Nagutom na ako eh kaya nauna na'ko. Eh ba't mo naman sila iniwan?" Sabi ni Pau na hindi man lang tumutingin kay Stell.

"Pau. Galit ka ba? May nagawa ba ako?"
"Hindi. Wala." Tipid na sagot ni Pau.
"Galit ka nga. Pau anong nagawa ko? Sorry hindi ko alam." Sabi ni Stell.

"Wala nga. Sige na balikan mo na sila, lalo na si Ken, baka di na naman yun kumain." Naglakad na ulit si Pablo.

Natigilan si Stell.
"Pau? Nagseselos ka ba kay Ken?" Tanong nya habang nakatingin sa likod nito.

Biglang napahinto si Pablo.
"A-anong selos? Ba't naman ako magseselos? Ewan ko sa'yo. Basta mauna na'ko." Bigla nitong binilisan ang paglalakad. Napangiti naman si Stell at patakbong hinabol si Pau.

"Di ba sabi ko sabay na tayo?" Inakbayan nya si Pau at sabay na silang naglakad. Ngiting-ngiti parin sya.
"Pau? Mamayang gabi free ka ba? Pwedi ba tayong gumala?"

"Gumala? Pwedi ba yon? May pandemic uy. Mas safe kung wag muna tayo gumala-gala."

"Saglit lang naman eh. Gusto ko lang naman magdinner sa labas kasama ka. Okay lang ba yun? Promise saglit lang tayo."

"Hmmm." Kunwaring nag iisip si Pablo at ngumiti. "San naman tayo gagala? At sino pang kasama?" Maingat na tanong ni Pablo.

"Tayo lang dalawa. Sunduin kita mamaya?"

"Anong sunduin? Wag na noh. Magkita nalang tayo kung saan tayo gagala." Sa pagkakataong ito abot hanggang mata ang ngiti ni Pablo.

____________________

Busy si Pablo sa pagpili ng susuotin para sa gala nila mamaya ni Stell. Natuwa sya nung nalamang dalawa lang silang lalabas. Parang ito yata yung magiging first date nila. Well, nuon pa man ay lumalabas na sila ni Stell ng sila lang magkasama pero bilang magkaibigan 'yon.

Nakarinig sya ng katok mula sa main door ng condo nya. "Naku ngayon pa, sino ba 'to? wala naman akong inaasahang bisita. Baka malate ako sa lakad namin ni Stell." Bubulong-bulong syang tumakbo para buksan ang pinto. Hindi pa nya tapos mabutones ang polo nya at nakapaa pa.

"Sino yan?--Anong ginagawa mo dito? Di ba sabi ko magkita nalang tayo sa SBiz?" Nagulat sya ng makita si Stell sa labas ng pinto.

"Gusto ko parin sunduin ka. Sorry." Sabay nitong inabot ang malaking rose na nakatago sa likod nito.

"Ano 'to?" Nangingiting tanong ni Pablo ng inabot nya ang bulaklak mula kay Stell

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ano 'to?" Nangingiting tanong ni Pablo ng inabot nya ang bulaklak mula kay Stell. "Para kang sira Stell. May paflowers flowers ka pang nalalaman. Ang corny mo."

"Bakit ba? Gusto mo naman. Ayiiee, kinikilig ka noh?" Pang-aasar ni Stell.

"Ewan ko sa'yo. Pasok ka nga muna. Tapusin ko lang pagbibihis ko tapos alis na tayo."

"Okay, para sa'yo kaya ko maghintay kahit gano pa katagal."

"Sira ka talaga." Natatawang sabi ni Pablo.

Bago sila umalis nilagay muna ni Pablo ang Rose sa boteng may tubig dahil nga wala naman syang vase sa condo nya. Hmmm parang kailangan nya ng bumili, naisip nya.

Hindi na sila masyadong nag alala kung may makakilala sa kanila dahil pareho silang nakasumbrero at nakafacemask kaya tagong-tago ang mga mukha nila.

Una nilang pinuntahan ang SBiz, isa sa mga kilalang restaurant. After kumain, napagkasunduan nilang pumunta sa SM at naglibot libot. Then last destination nila sa Luneta at naglakad-lakad. Masaya silang dalawa habang nag uusap at nagtatawanan pa. Hindi nila alam na may iilang tao sa paligid ang kumukuha ng litrato nila. Nakilala sila ng ibang fans pero mas piniling wag silang disturbuhin.

Sabi MoWhere stories live. Discover now