Mabilis naglakad palabas ng studio si Pablo, si Stell ay humahabol sa kanya habang nagpapaliwanag.
"Pau, wag ka na magalit. Sa condo ka na matulog di naman talaga ako matutulog kay Ken eh." Biglang tumigil si Pablo sa paglalakad.
"So sinabi nyo 'yon para hindi ako matuloy sa overnight? Hindi naman halatang ayaw mo akong makasama Stell." Humarap si Pablo sa kanya at nagkatitigan sila. Magkasing tangkad lang sila kaya talagang mata sa mata ang titigan.
"Eherm, eherm." Napalingon kami sa may pinto ng studio. Nandoon ang tatlo at parang mga asong ulol na nakangiti. Para bang nang aasar.
"Padaan po. Mauna na kaming umuwi sa inyo mukhang busy kayo eh." Sabi ni Josh na may halong pang aasar.
"Mag-usap kayo ng masinsinan at sana sa lunes, sweet na ulit kayo." Dumagdag pa si Justin na ngumiti ng matamis pero alam nilang nang aasar din ito.
" LQ- LQ kayo dyan at nakaharang pa kayo. Sa loob kayo mag LQ uy." Parang tatay namang sinaway kami ni Ken. Talagang nang aasar ang mga ito. Hinayaan ko lang silang makadaan at binalik Ang tingin ko kay Pablo. Si Pablo naman ay tumingin sa tatlo ng masama.
Bago pa sila nawala sa hallway ay narinig pa namin ang sigaw ni Ken. "Ayyiiieeee bati na yaaaaan!" At nagheart sign pa gamit ang dalawang kamay. Nang nawala na ang tatlo ay nabalot kami ng katahimikan ni Pau.
Unti unti kong inabot ang kanang kamay nya.
"Pau, sorry. Hindi ko gustong saktan ka. Kinailangan ko lang iwasan ka para makamove on na ako." Hinayaan nya lang na hawakan ko ang kamay nya. "Ngayon lang to Pau. Hayaan mo after 3 months, kahit 2 months lang, babalik na ulit ako sa dati. Yung dating close sa'yo. Yung dating kayang makipagtitigan sa'yo ng hindi sumasakit ang dibdib ko. Kasi sa ngayon di ko pa kaya eh. Talagang gusto kita Pau." Napaiyak ako habang nakadungo. Tinitingnan ko ang kamay nya kasi di ko matagalan ang titig nya."Tumingin ka sa'kin Stell." Umiling ako.
"Pau, tulungan mo naman ako na makamove on sa'yo oh. Kahit ito lang Pau. Wag ka naman sana magalit sa'kin. Para din naman sa'yo to eh. Ayokong maging awkward ka sa'kin. Pangako, pinapangako ko Pau, babalik tayo sa dati." Mas bumilis ang patak ng luha ko. Ang sakit ng dibdib ko.
"Tumingin ka sabi sa'kin eh." Hinawakan ni Pablo ang kamay kong nakahawak sa kanya. Para syang naiinis na nagmamakaawa. Pinunasan ko muna ang mga pisngi ko bago tumingin sa kanya. At nakita kong umiiyak din sya.
"Tinanong mo ba ako kung okay lang sa'kin ang nararamdaman mo? Tinanong mo ba ako kung anong nararamdaman ko, ha, Stell? Alam mo bang galit ako sa'yo hindi dahil dyan sa nararamdaman mo sa'kin.... Galit ako kasi nagdesisyon ka kaagad ng hindi mo man lang ako tinatanong. Sabi mo ayaw mong mandiri ako sa'yo pero sa ginawa mong pagdedesisyon parang ikaw ang nandidiri sa nararamdaman mo eh." Parang batang pinunasan ni Pablo ang mga pisngi nya gamit ang likod ng palad nya.
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Gusto ko syang yakapin pero ramdam ko ang galit nya.
"Hindi ako naniniwalang gusto mo ako." Patuloy ni Pablo. "Kasi kung gusto mo ako, ako sana yung niyaya mong kumain tuwing lunch time. Ako sana yung kinukulit mo twing break. Ako sana yung nilalambing mo pero hindi eh, kasi palagi ka nalang Ken, Ken kain tayo dun, Ken laro tayo nito, Ken tabi tayo. Si Ken yata ang gusto mo eh. E di dun ka kay Ken!" Akmang tatalikod na si Pablo ng pigilan ko sya sa balikat. Iniharap ko sya at tiningnan sa mata, gusto kong kumpirmahin kung tama ba ang mga narinig ko. Pero natatakot akong tanungin sya baka mali lang ako ng intindi. Sobrang kinakabahan ako. Kung hindi ako nagkakamali, base sa sinabi nya, maaaring gusto nya rin ako. Maaaring may nararamdaman din sya sa akin.
Pero pano kung hindi pala nya ako gusto? baka dobleng sakit ang maramdaman ko. Pero kung hindi ako maglalakas loob na itanong ngayon at tama ako ng hinala, pano na? Anong mangyayari? Mariin akong pumikit nang hindi ko magawang makapagdesisyon.
"Oh ano? Maduduwag ka na naman?Bakit hindi mo ako tanungin ng masagot yang mga tanong mo?" Sumbat sa'kin ni Pablo parang nabasa nya lahat ng nasa utak ko.
"Kung wala kang itatanong o sasabihin, aalis na ako. Uuwi pa ko samin." Tumalikod na sya at naglakad paalis.
YOU ARE READING
Sabi Mo
FanfictionStelljun to mga kaps #credits po sa lahat ng may ari ng mga pictures. Sa google ko po lahat yan nakuha. Thank you po. Dedicated to kay Ate Kim. Salamat sa pag introduce ng BL at SB19 sa'kin, ate. Hulog ka ng langit.