Napabalikwas ng bangon si Stell ng mag alarm ang phone nya. Agad nya itong kinuha at binasa ang nasa reminder.
"The day!" yun lang ang nakasulat pero alam na alam nya kung tungkol saan ito.
Isang buwan na ang lumipas mula noong niligawan nya si Pau. And this is the day para malaman nya ang sagot nito.
Kinakabahan sya kahit alam nyang sobrang laki ng pag-asa nya kay Pau. Pero hindi nya maiwasang mag-isip ng negative.
Pano kung maisip ni Pau na baka masira ang grupo kapag naging sila. Pano kung narealize ni Pau na bilang kaibigan lang talaga ang tingin nya sa kanya.
Kinakabahan talaga sya pero kahit ganon nakapaghanda na sya. Nagpareserve na sya ng dinner date sa SBiz kung saan una silang nagdate. Pinili nya ang VIP room sa SBiz para intimate at romantic ang dating at para narin may privacy sila ni Pau. Kahit mahal talagang pinag ipunan nya para sa araw na ito.
Sa nakalipas na isang buwan, sinigurado nyang lagi nyang ipinaparamdam kay Pau kung gano ito kaimportante.
Nagdidate sila twice a week,lagi nya itong dinadalhan ng flowers, hinahatid, sinusundo, kinakantahan, pinagluluto lagi din nyang sinasabihan ng mga banat na sinearch nya pa.
Lahat na yata ng bagay na alam nyang makapagpapakilig dito ay ginawa nya at nakikita naman nyang effective ito kaya lumaki ang confidence nyang sasagutin sya neto.
Pero ngayon, parang nawala bigla lahat ng yun, sa sobrang kaba nya, distracted sya sa practice at meetings nila.
"Stell? Okay ka lang ba?" Biglang tanong ni Pablo sa kanya ng makita nitong nakatulala sya.
"O-ou naman. Nauuhaw ka ba? Gusto mo ba kumuha ako ng tubig?" Pag-iiba nya ng topic. Break time na nila.
"Hindi. Okay lang ako..... Ahmm, Stell?"
"Hmm? Bakit Pau?"
"M-may gusto ka bang sabihin sa'kin?" Biglang kinabahan si Stell sa tanong ni Pau.
"Sabihin? W-wala naman. Bakit?"
"Ow. Ahmmm... May gusto ka bang itanong sa'kin?""Itanong? Hmmm..." Kunwari nag isip si Stell pero isang tanong lang ang pumapasok sa utak nya at yun ay "can you be my boyfriend?" At hindi nya pa ito matatanong ngayon.
"Wala naman akong gustong itanong. Bakit Pau? May nakalimutan ba ako? Ano yun?" Wala ng ibang maisip si Stell na gusto nyang itanong.
"Ganon ba? Okay." Biglang nagdabog si Pablo kaya medyo nagpanic si Stell.
"Pau, bakit? Sorry may nakalimutan ba ako? Or may nagawa ako?"
"Wala."
"Pau naman. Marami lang talaga akong iniisip. Kaya nagiging makakalimutin ako. Sorry na Pau.""Sabi ko wala. Hindi mo kailangang mag explain okay? Hindi ako galit o anuman. Akala ko lang..... wala. Sige na balik na tayo sa practice."
Nakokonsensya si Stell kahit wala syang ideya kung ano ang sinasabi ni Pablo.
______________________"Ano ba Jah! Itaas mo nga sabi ng kunti sa bandang dulo. Yung Saiyo na word."
Nagpapractice sila sa bago nilang kanta at napapansin nila Josh na wala sa mood si pinuno.
Natatakot silang tanungin kung anong problema. Wala sa kanila ang gustong biruin o kausapin si Pablo.
"Josh, kausapin mo muna si Pablo. Natatakot na 'ko." Pabulong na sabi ni Justin.
"Ba't ako? Ikaw nalang kaya. O, si Stell. Total magjowa naman sila."
"Shhh.. wag ka maingay pag narinig ka nyan lagot tayo. Mukhang si Stell yata ang may kasalanan eh kaya ganyan si Pablo."
YOU ARE READING
Sabi Mo
FanfictionStelljun to mga kaps #credits po sa lahat ng may ari ng mga pictures. Sa google ko po lahat yan nakuha. Thank you po. Dedicated to kay Ate Kim. Salamat sa pag introduce ng BL at SB19 sa'kin, ate. Hulog ka ng langit.