"Ou. Yes." Naiiyak na sabi ni Pablo habang kinukuha mula kay Stell ang tatlong American roses.
"You mean tayo na Pau?" Hindi makapaniwala si Stell sa narinig.
"As in, Ikaw at ako magboyfriend?" Tanong ulit ni Stell sabay turo kay Pablo at sa sarili nya. Hindi sya makapaniwala boyfriend nya na si Pablo.
"As in boyfriend? Jowa?" Tanong nya ulit na nanlalaki ang mata.
"Ou nga." Natatawang sagot ni Pablo. "Ang korni ng jowa." Tawang-tawa ulit sya.
Hinila sya ni Pablo patayo at niyakap ng mahigpit.
"Ou tayo na. Sa'yo ako. Akin ka."
Hindi sya makapaniwala sa narinig. Sa kanya na si Pablo. At unti-unting nagsisink in sa utak nya ang nangyayari.
"Yeeeeessss! Boyfriend na kita! Yeees akin ka na! Thank you Lord!" Napasigaw sya sa saya at sobrang higpit na niyakap si Pablo.
"Gusto Kong isigaw sa buong mundo na akin ka na Pau. Salamat sobrang saya ko." Sabi nya habang hinaharap sa kanya si Pablo at hinaplos nya ang mukha nito.
Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Pablo ng marinig nya ang sinabi ni Stell.
"Pau? Bakit?"
"Imposible pa siguro ang gusto mo Stell. Maniwala ka gusto ko rin isigaw sa lahat at sabihin na akin ka lang pero.... alam mo naman ang sitwasyon natin di ba? Sa ngayon walang pweding makaalam sa relasyon natin. Hindi lang tayo ang maaapektuhan. Pati sila Josh, Justin at Ken. Pati pamilya natin." Sabi ni Pablo na sya namang humaplos sa mukha ni Stell.
"I know Pau. Naiintindihan ko. Pero sana kahit paunti-unti pwedi ba natin sabihin sa kanila? Kahit hindi sa lahat, kahit sa pamilya lang natin at sa mga kaibigan natin. Sa mga taong alam kung maiintindihan tayo." Pakiusap ni Stell. Ayaw nyang itago ang kung anong meron sila.
Tumango-tango si Pablo. "Ou naman darating din tayo dyan." Sabi nya at ngumiti.
"I love you, Stell. I hope maging masaya tayo."
"I love you more, Pau. Pagtrabahuan natin para maging masaya tayo. Okay?" Sabi ni Stell.
"Pau? Pwedi ba kitang...." Kinabahan si Pablo sa sasabihin ni Stell dahil sobrang lapit nito sa mukha nya. Hawak nito ang magkabilang pisngi nya. At nakatingin sa lips nya.
Kiss? Yun ang nasa isip nya. Kinakabahan sya na naeexcite.
"Iinvite magdinner ngayon? N-nagpareserve kasi ako sa SBiz. Hindi ka ba busy?"
"Dinner?" Disappointed na tanong ni Pablo.
"Busy ka ba? Sorry. How about bukas?"
"No,no. Okay ako sa dinner ngayon. Yun lang ang gusto mong sabihin?" Tanong ni Pablo. Nadisappoint sya kasi akala nya.... Ah ewan."O-ou. Gusto ko sana itong maging first date natin ngayong official na tayo."
"Okay sige magbibihis lang ako. Mabilis lang ako okay?" Nakangiting sabi ni Pablo at mabilis na pumunta sa kwarto nya.
Habang naghihintay, nakita ni Stell ang lalagyan ng ice cream sa mesa na katabi lang ng mini sala. Nakabukas lang ito at medyo may natitira pa. Malaking ice cream ito kaya nagtaka si Stell. Katatapos lang bang magmukbang ng ice cream ni Pau?
Mga ilang minuto pa lumabas na si Pablo. Naka semi-formal din ito at bagay na bagay dito ang suot.
"Ang gwapo naman ng mahal ko." Puri ni Stell dito. Napangiti naman si Pablo sa sinabi ni Stell.
"Pero Pau, nagmukbang ka ba ng ice cream? Nakaya mong ubusin ganito kadami?"
"Sabi daw kasi, maganda kumain ng ice cream pagbroken hearted. Kaya yun." Sabi nito habang nagsusuot ng sapatos.
YOU ARE READING
Sabi Mo
FanfictionStelljun to mga kaps #credits po sa lahat ng may ari ng mga pictures. Sa google ko po lahat yan nakuha. Thank you po. Dedicated to kay Ate Kim. Salamat sa pag introduce ng BL at SB19 sa'kin, ate. Hulog ka ng langit.