1 week na simula no'ng nagconfess ako kay Pablo. Sa araw araw na practice namin kinakaya kung maging masaya, maging masigla para lang makita ni Pablo na kaya kong kalimutan Ang nararamdaman ko at ng wala syang dapat ikabahala.
Iniiwasan kong magkasama ng kami lang dalawa, na palagi naming ginagawa noon. Sleep over, lunch, kapag magpapahinga during break magkatabi kaming hihiga sa sahig at magkukulitan, minsan sabay kaming nag-i-scroll ng phone nya at nagbabasa ng updates at comments. Halos lahat. Nakakamiss. Sobra. Pero kailangan ko syang iwasan. Para na rin makamove on na ako kahit paunti unti, na alam kong malabo. Pero kahit para nalang kay Pau at sa grupo, iiwasan ko sya.
Minsan di ko maiwasang tingnan sya at titigan. Iniiwas ko agad ang tingin ko sa twing lilingon sya. May times na nahuhuli nya akong nakatitig pero umiiwas agad ako. Haaaay kailan kaya ako makakamove on?
Unti- unti na rin kaming nag uusap pero pag nariyan lang ang mga kagrupo namin. Pag magkasama kaming lima, nag uusap at nagbibiruan kami ni Pau gaya ng dati. Minsan napapaigtad ako kapag bigla bigla nalang niyang hinahawakan ang kamay ko at nilalaro ang mga daliri ko, tulad ng dati. Yan Ang habit nya eh. Sobrang touchy nya sa akin. Hinahug ako bigla. Minsan parang nanggigigil na pinipisil ang braso ko o pisngi ko. Minsan naman habang nanggigigil eh nilalapit ang mukha nya sa mukha ako. Bigla ko syang namiss. Sobra.
"Oh lunch break na, san kayo kakain?" tanong ni Jah na kagagaling lang sa CR. Unang sumagot si Pablo na ikinagulat ko.
"Dun sa paborito naming karinderya ni Stell. Tara Stell kain tayo dun." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya napabaling ako kay Ken.
"Ken sama ka. Tara, masarap dun. May fried chicken dun masarap timpla nila." Niyaya ko si Ken kasi hindi pweding kami lang dalawa ni Pablo. Ang awkward non.
"Talaga? Sige ba."
"Ou tara na. Tara na Pau?" Bumaling ako kay Pablo na nakatingin lang sa'kin na nakapoker face. Parang nag iba ang mood nya.
"Eh doon na din kaya tayo kumain Josh?" Tanong ni Justin.
"Sige bah. Masarap nga dun." Nakahinga akong maluwag. Salamat naman at marami kami. Bigla akong napatingin kay Pablo at nakatingin parin pala sya sa'kin. Hindi ko alam kung naiinis ba sya o galit o ano basta ang importante may mga kasama kami.
Habang naglalakad kami papunta sa karinderya ay nakaakbay lang ako kay Ken habang nagbibiruan kami. Sa may bandang kanan ako ni Ken at medyo nauuna kaming dalawa at silang tatlo naman sa likuran namin. Hindi pa rin masyadong kumikibo si Pablo kaya hinayaan ko na.
Pagkatapos ng practice ay nagpahinga muna kami bago umuwi. Weekend na kaya pahinga na namin. Nag iisip ako ng gagawin ng tinawag ako ni Pablo.
"Stell, dun ako matutulog sa condo mo ha weekend naman eh. Namimiss ko na yung luto mong breakfast." Nabigla ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya napatagal ang sagot ko. Hindi ko alam kung pano sya tanggihan na hindi makakahalata ang tatlo na may problema samin.
"Di ba Stell sabi mo sa condo ka magweweekend?" Napalingon ako bigla kay Ken. Huh kailan ko sinabi yun?
Tumango tango agad ako nung napansin kong sinenyasan ako ni Ken.
"Ou nga pala, sorry Pau pero nauna na kaming nagplano ni Ken eh. Next time nalang, ipagluluto kita." Nginitian ko sya pero may halong kaba ang ngiti kong 'yon.Hindi sumagot si Pablo at nakatingin lang sa'kin, at di ko masabi kung anong mood nya. Bakit ba kasi di sya makaramdam. Alam naman nyang iniiwasan ko sya eh."Eh di dun ka nalang din kina Ken magweekend Pau." Biglang sabi ni Justin.
"Ou nga pwedi rin kasya naman tayo dun." Pagsang ayon naman ni Ken.
"Wag na. Uuwi nalang ako ng bahay." Sabi ni Pau na parang galit.
"Ay, wawa tampo agad si bebe." Tukso ni Josh at binigyan lang sya ng masamang tingin ni Pablo. Habang si Ken at Justin ay tumatawa. Hindi ko naman magawang tumawa. Nakokonsensya ako pero kailangan kong gawin.
Gumamit muna ako ng CR bago kami umalis. At nang paglabas ko sa CR ay nandun si Pablo at masama ang tingin sa'kin.
"Pau." Yan lang ang nasabi ko dahil na rin sa nagulat ako.
"Bakit?" Nagulat ako sa tanong nya. Anong bakit? At parang nakikita kong gusto nyang umiyak."Sabi mo walang magbabago? Sabi mo i trato parin kita tulad ng dati?............ Pero bakit ikaw ang nagbago Stell?"
Wala akong maisagot at nakatingin lang ako sa kanya. Nakita kong napaiyak sya at agad syang pumasok sa CR. Gustong-gusto ko syang yakapin at icomfort pero ayoko, hindi pwedi. Pano naman ang plano kong iwasan sya at magmove on?
Gusto kong umiyak. Nasaktan ko si Pau kaya dobleng sakit ang naramdaman ko. Kung alam lang nya na gustong gusto kong hawakan ulit ang kamay nya. Gusto ko syang yakapin, makipagkulitan at makipagtawanan ulit sa kanya pero kailangan kong dumistansya. Ayaw kong masira kami ng dahil lang sa nararamdaman ko. Kung hindi ko sya iiwasan ngayon baka anong magawa ko at masira ang pagkakaibigan namin at ang grupo.
Huminga muna akong malalim bago bumalik sa mga kaibigan namin. Pagbalik ko nakatingin silang tatlo sa'kin.
"Oh bakit? Para kayong nakakita ng heartthrob ha." Biro ko dahil kinabahan ako sa mga tingin nila. Tumawa naman sila pero nagsalita si Josh.
"Stell, kung anuman ang problema nyo ni Pablo, pag usapan nyo. Wag yung iwas ka lang ng iwas kasi hindi matatapos yan eh." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natakot ako, alam na ba nila ang nararamdaman ko para kay Pablo? Pano?
"Hindi namin alam kung ano talaga ang problema nyo ni Pablo, pero ayusin nyo yan. Parang palaging gustong umiyak nung isa eh dahil palagi mo nirereject." Parang inis na payo ni Justin.
"Ou nga pre. Kanina tinulungan lang kita magpalusot kasi kita sa mukha mong nagpapanic ka. Pero sorry I changed my mind. Hindi kayo welcome ni Pau sa condo. Bahala kayo magbahay bahayan." Sabi ni Ken na hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso eh.
"Sorry guys. Aayusin ko 'to promise. Pero Ken, ang haba ng sinabi mo, di ka ba hiningal?" Akmang hahampasin sya ni Ken at nakatawang umiwas sya habang tumatawa naman sila Josh at Justin. Nagtatawanan pa rin sila ng bumalik si Pablo sa practice area. Dumiretso ito sa pag aayos ng gamit. Bigla silang natahimik at nagmamasid lang kay Pablo.Dahan-dahang lumapit si Stell sa pwesto ni Pablo at kinakabahan syang nag aya umuwi.
"Pau, sabay na tayong umuwi?" Biglang tinigil ni Pablo ang ginagawa at tumingin ng masama sa kanya. Kinakabahan sya sa tuwing ganito ang mga tinginan ni Pablo dahil ibig sabihin lang nito ay talagang galit sya.
"Kay Ken ka nalang sumabay total dun ka naman matutulog sa condo nya." Nagdadabog na sabi ni Pablo, bumalik na ito sa pag aayos ng gamit.
Hindi nya alam ang isasagot kaya nanatili lang syang nakatayo sa gilid nito.
"I changed my mind, ayoko pala Ng bisita, nakakatamad mag entertain eh." Sabi agad ni Ken.
"So? Di ko na problema 'yon." Mataray na sabi ni Pau, sabay alis. Atechona talaga 'to nako kung di ko lang mahal to eh.
YOU ARE READING
Sabi Mo
FanfictionStelljun to mga kaps #credits po sa lahat ng may ari ng mga pictures. Sa google ko po lahat yan nakuha. Thank you po. Dedicated to kay Ate Kim. Salamat sa pag introduce ng BL at SB19 sa'kin, ate. Hulog ka ng langit.