(26) Eyes

21 1 0
                                    

Treasha's POV

Pumasok na ako sa bahay. Nakita kong andun padin si Gian sa kinatatayuan nya.

Huminto ako saglit at matalas na  tumingin sa kanya.

Naiinis ako sa inaakto nya, hindi ba sya.makaintindi? Nakakahiya kay Dylan. Wala namang ginagawang masama sa kanya yung tao.

Then it hit me.

Wala ngang ginagawang masama si Dylan sa kanya, pero ako meron.

I kissed him.

Bigla naman akong naguilty, na lalong nag palala sa inis ko.

Nilagpasan ko lang sya at umakyat na. Sinundan naman nya ako.

"Tell me, lagi ba kayong nagkikita? Lagi ba kayong magkasama sa t'wing wala ako ha?"

I clenched my teeth, nang sabihin nya sakin yun.

"So anong gusto mong plabasin? Na ang landi ko ganun? Ha?" Sabi ko habang papasok ng kwarto ko.

Pumasok din sya at may pagkalakas na sinara ang pinto.

"I didn't say anything Treasha Mavy Ann, What I mean is bakit parang napapalapit ka na ata sa lalake na yun? "

Dumeretso ako sa veranda at pinatong ang dalawang kamay ko railings duon.

"Answer me, Treasha." Madiin na sabi nya.

Marahas ang ginawang pagharap ko sa kanya.

"Are you really asking me this huh? Wala ka bang tiwala sakin?" Nanggigilaiti ko din na sabi sa kanya.

Tinitigan nya lang ako, ginantihan ko din yun.

"You need to trust me. Pano mag wo-work tong relationship natin, kung di mo ko pagkakatiwalaan, And besides, ano pang problema mo? Nasayo na ako, ikaw ang pinili ko, Ano pa bang gusto mong gawin ko?" I hopelessly said.

Di sya nag salita.

Napayuko na lang ako.

"You like him, dont you?" He said breaking the ice.

Napaangat ang ulo ko sa kanya, at naglandas ang mga mata ko sa mga mata nya.

"Frankly speaking, YES. I like him. Pero sadly yung taong gusto ko, hindi ako gusto, Kaya nga ikaw na lang ang pinili ko Gian, kasi alam ko, you are willing to accept me, that you will understand me, pero ano? Tingin ko nag kamali ako, kasi ngayon pa lang, simpleng bagay lang, pinagdududahan mo na kaagad ako." I said nearly crying.

He tried to touch me, pero humakbang ako palayo. at tumalikod.

"This will not going to work, bukas na lang tayo mag usap, kapag naiintindihan mo na ako." Sabi ko habang nakatalikod sa kanya.

Di naman sya sumagot, at narinig ko lang ang mga hakbang palayo, at pag bukas sara ng pinto.

Napabuntong hininga na lamang ako, nag punta ako sa Bathroom and take a cold shower, I let the cold water flow in my body na para bang kasabay ng pag agos nito, ay ang pag agos din nang mga problema ko.

"Kahit sabihin ko pa na gusto kita- No- Kahit sabihin ko pa na mahal kita. Wala pading mababago Treasha. Ayokong saktan ka, kaya please, dont fall, wag kang mahulog, Treasha, Kasi hindi ako ang para sayo. You deserve someone better than me. I'm sorry."

I remember the things he said a while ago. Whats the meaning of those?

Does he like me?

Err, No, Imposible, how would it happen na Dylan likes me, kung nililigawan nya si Ellaine diba?

Undecided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon