(32) Tears

32 2 0
                                    

Treasha's POV

(This was before makabalik ni Dylan.)

"Beeeeest! Miss na miss na talaga kita! Antagal mong nagsleep!! Nakakainis ka!" Sabi ni Ashley habang mahigpit ako na niyakap. Medyo masakit dahil, may mga sugat pa, from stilitos na ikinabit sakin.

"Hoy Bruha nasasaktan si Treasha oh." Poker face na sabi ni Rosedel. Namiss ko ang ka astigan ni Rosedel. ^-^

"Hmp! Ako lang ba ang naka miss kay Treasha besty? Kayo di nyo ba sya namiss?" Naka pout na sabi ni Ashley.

"TREASHAAAAAAA!!!!! *PAK!*" Sigaw ni Jhake, na binatukan agad ni Rosedel.

"Ang amazona mo talaga! Ano bang kasalanan ko? ba't bigla bigla kang nangbabatok!?" Umaapila na sabi ni Jhake na parang inakusahan sya na mamamatay tao.

Nakakamiss sila pero di nakakamiss tong away nila ah.

"Eh, bakit ka ba kasi bigla biglang sumisigaw!? Ang ingay ingay na nga nung bruha dumadagdag ka pang tanga ka!" Balik na sigaw ni Rosedel.

"Ahm-" Aawatin ko sana sila, pero ayaw papigil.

"Grabe ka naman mag salita! Maka tanga ka ah! Ano bang katangahang ginawa ko! Eh namiss ko din si Treasha! Akala ko kasi yun yung ginagawa pag na mimiss si Treasha! Eh kasi yun yung ginawa ni Ashley kaya ginawa ko ding tanga ka!" Sigaw din ni Jhake.

Ano bang problema nang dalawa na to, at bakit parang ang laki nang galit sa isat isa?

"A-anong sabi mo!? Ulitin mo! Ulitin mo!"

Inaawat na silang dalawa ni Carylle, April at Ashley, pero si Ashley, di ko alam kung umaawat ba, o sumisigaw.

"Sabi ko tanga ka! Lagi mo na lang akong tinanga ah! Akala mo di masakit!? O diba masakit na masabihan nang tanga!? " Ayaw paawat na sabi ni Jhake.

"So anong pinaglalaba-"

"SHUT UP!! BIBISITA BA KAYO!? O MAG IINGAY!?" Di na talaga ako nakapag timpi, inipon ko na ang lahat na lakas na kaya ko makasigaw lang nang ganon.

"Sabi ko sa inyo, tama na ih." Pabulong na sabi ni Ashley.

"Tama na pre." Tapik ni April sa balikat ni Jhake.

Hinilot hilot ko ang ulo ko, na nag kukunwaring galit.

"Maupo kayo." Hindi pang welcome ang tono ko, kundi isang pag utos, kunyari pa talagang tinuro ko ang mahabang sofa dun, at waring pinapaupo sila.

Sumunod naman sila, nakita kong padabog umupo sa magkabilang dulo ang dalawang lover's quarrel at di pa nakontento at nag irapan pa.  At umupo naman sa gitna nila si April at Carylle. Kung gaano ka layo sa isat isa si Jhake at Rosedel ganun sila kadikit na dalawa. Para silang mga linta. Di pa nakuntento, at ibanaon pa ni April ang muka nya sa leeg ni Carylle, na, nagpa bulate moves kay Carylle Mag jowa na ba tong dalawa na to? Napairap na lang ako sa hangin

"So what happened on that 1 month." I said and smile sweetly to Ashley na para bang walang nangyari.

Sa loob ata nang 40 minutes si Ashley lang ang nag sasalita di sya nauubusan nang kwento, para syang manok, kung pumutak, no doubt bestfriend ko nga talaga to.

Kung ano ano ang ki-nwento nya sakin, tungkol sa school, specialy, nabanggit nya din na di pa pala nakapag desisyon ang SSC sa darating na Chritmas Activity, na nag pa sakit ulit nang ulo ko. Bakit hinintay pa nila ako? Eh two weeks na lang bago ang deadline?

Na ikwento nya rin yung pag aalaga sakin ni Dylan at Gian, kinikilig kilig pa sya habang kinikwento yun, ang haba daw masyado nang hair ko, hanggang Los Angeles daw. Natatawa na lang ako sa pinag sasabi nya lalo na pag uma-action sya.

Undecided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon