Prologue

105 5 2
                                    

"Hoy, Kazzandra!" Sigaw ni Zendaya. "Nakikinig ka ba?!"

"Ha?" Distracted kong tanong.

"Nakikinig ka ba kako?" Ulit niya sa akin.

"Oo nakikinig ako."

"Oh, edi ano yung sinabi ko sayo kanina?" Pag hahamon niya sa akin.

"Ano, yung ano." Ngiwi ko sa kanya. "Ano nga yun?"

"Sabi na eh, hindi ka nakikinig." Pinitik niya pa yung noo ko.

"Aray!" Reklamo ko naman sa kanya. "Ano nga kasi yun?"

"Ang sabi ko bakit ka nanginginig, giniginaw ka ba?"

Kumunot naman yung noo ko dahil sa sinabi niya. Paano ako giginawin eh ang init init ng panahon ngayon.

"Huh? Paanong manginginig? Eh ang init init nga ng panahon."

"Ayan oh tignan mo yang mga kamay mo." Turo niya kaya sinundan ko iyon ng tingin.

Tama nga siya, nanginginig nga yung mga kamay ko. Hindi ko naman naramdaman na ganoon na pala yung nangyayari sa mga kamay ko. Sinubukan kong itigil yung panginginig ko pero hindi iyon tumigil. Naalarma ako bigla pero buti nalang tumigil din naman na ito matapos ang ilang segundo.

"Okay lang ako, hindi ako giniginaw." Sagot ko kay Zendaya.

"Tara na nga, malelate pa tayo sa next class natin. Alam mo naman pag Pre-calculus, bawal ma-late." Aya niya sa akin.

Tumayo naman kaagad ako sa pwesto ko at sabay na kaming naglakad papunta ng classroom namin. Habang naglalakad kami ay biglang nanigas ang mga binti ko at bigla nalang akong nadapa buti nalang may nakasalo sa akin.

Isang lalaki iyon na may katangkaran at kayumangi. Medyo magulo ang itim na buhok nito. Napatingin ako sa name plate na naka burda sa uniform nito.

Leaño, S. N. M. STEM 11

"Uh, salamat." Nahihiyang kong sabi nang makatayo na ako.

"Tsk." Umiling siya. "Hindi kasi tumitingin sa nilalakaran."

Naglakad na ito papalayo sa amin. Ang sungit naman nun. Sana hindi nalang niya ako sinalo kung magsusungit lang din naman siya. Hindi ko naman kailangan ng may sasalo sa akin.

"Oy, Kazzandra lumalandi ka pa ah." Asar ni Zendaya sa akin. "Sino yun ah?"

"Pota ka!" Binatukan ko siya. "Hindi ako lumalandi, sadyang nadapa lang talaga ako."

"So sino nga yung lalaki?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami.

"Hindi ko kilala, yung strand niya lang nabasa ko sa name tag niya. STEM 11." Sagot ko naman.

"Bakit ganyan ka maglakad? May masakit ba sayo?" Puna niya sa paglalakad ko.

"Huh?"

"Huhtdog." Asar niya sa akin.

"Anyare sayo ngayon teh? Bakit apaka weird ng galaw mo today tapos apaka sabaw mo pa." Concern niyang saad sa akin.

"Okay lang ako." Sagot naman sa kanya.

Buti nalang hindi na niya ako kinulit at nagpatuloy na kaming naglakad papunta sa classroom namin. Pagkarating namin ay pumunta na kami sa kanya kanya naming pwesto at umupo.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang terror prof namin para sa Pre-cal na si Prof. Valdez. Nagsimula naman kaagad ang discussion at nag-take down notes naman kaagad ako. Kalagitnaan ng lesson at ng pagnonotes ko ay nanginig na naman ang mga kamay at paa ko. HindI ako makasulat ng maayos dahil sa nangyayari.

Last First Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon