Chapter 6

71 3 6
                                    

Kazzandra

"I like you Kazzandra Hazel, no, scratch that, I love you. Do you love me too?"

Napakurap kurap ako sa sinabi niya sa akin.

Ano raw?!

Mahal ako ni Shaun?!

Sandali lang naman! Hindi pa nagsi-sink sa akin na siya si Nico tapos bigla bigla pa siyang magcoconfess. Hindi man lang niya pinatapos na maghapunan kami.

"What's your answer my Kazzandra?" Taas kilay niyang tanong sa akin. "Nevermind, I know you love me too."

Putcha, hindi pa rin talaga nawala ang kayabangan niya. Mas lalong nagsink in sa akin na siya at si Nico ay iisa lang.

Parehas lang sila na mayayabang na nilalang.

Lalo na pagnaaalala ko ang una naming pagkikita. Kung paano siya magyabang sa akin noon. Pero surprisingly, napanindigan naman niya ang sinasabi niya noon.

"Ikaw nga talaga si Nico." Sagot ko sa kanya. "Ang yabang mo pa rin."

"Mahal mo naman."

"Ang hangin po bigla dito sa restaurant, sinong naglakas ng aircon?" Pangaasar ko sa kanya.

"Remember this baby, I'm always ninety-nine percent correct." Kindat niya sa akin.

Oo na. Mahal na kita. Simula pa noon, ikaw na talaga.

But hindi ako aamin sayo ngayon. Yayabang ka na naman masyado Shaun.

"What happened sa one percent?" Pagbibiro ko sa kanya.

"Well, miracle na pag nagkamali ako." Tawa niya sa akin.

"Mag-dinner nalang tayo Shaun. Wala akong balak mabusog sa kayabangan mo." Tawa ko lang sa kanya.

"Oh right, I almost forgot that." Sheepish niya lang sagot sa akin.

Natawa nalang ako sa sinabi niya sa akin.

Inalalayan niya akong makaupo sa upuan ko at kinuha niya yung boquet para ilapag muna sa kabilang table bago siya umupo sa upuan niya at pina serve na ang mga pagkain namin.

Napansin ko naman kaagad na lahat ng nakahain sa table namin ay mga paborito kong pagkain. Napansin niya siguro ang takang taka kong itsura kay bigla siyang napatanong.

"Is everything alright hon?"

Pakshet! May pa endearment kaagad wala pa nga kaming label.
"Ikaw ah, namumuro ka na sa endearments mo."

"Oh, come on hon, alam kong gustong gusto mo naman."

Bakit naman ako nahulog sa isang hambog Lord?!

"Just messing with you Kazzandra, but, what's wrong?" Concern niyang tanong sa akin.

"Wala naman, nagtataka lang ako." Sagot ko sa kanya.

"About what?" Tanong niya habang hawak na ang mga kubyertos.

"Paano mo nalaman ang mga paborito kong pagkain."

"Ahhh, that one." Mahina niyang tawa sa akin.

"You know my Kazzandra, as a doctor you need to know everything about your patient or else you might misdiagnose them. I just applied that mindset with you. I researched everything about you." Pa ngiti ngiti niyang sagot sa akin.

"At paano mo naman nalaman yun, I know the hospital records didn't have these records Shaun." Pag hahamon ko sa kanya at ngumisi.

"Let's have dinner first and I'll answer your questions baby." Kindat niya sa akin.

Last First Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon