Chapter 10

70 7 29
                                    

Kazzandra

"Hon, what happened?" Medyo hirap kong tanong kay Shaun noong nagising ako.

"Do you remember anything hon?" Balik niyang tanong sa akin at dahan dahan akong umiling sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya sa akin bago nagsalita ulit.

"You were in a coma for five days hon."

"Ilang beses ka na ring nag cardiac arrest while you were in coma."

"Kaya mo pa ba talaga?" Tanong niya sa akin.

"Kaya ko pa, ngayon pa ba ako susuko? Gagaling din ako sa mga ito hon." Sagot ko sa kanya at matipid na ngumiti.

Sa totoo lang ay pagod na ako. Gusto ko nang sumuko sa laban. Pero sa tuwing maiisip ko na maiiwan ko si Shaun at ang pamilya ko ay biglang hindi ko na kayang sumuko. Hindi kayang maatim na masaktan sila pag sumuko na ako. Kaya kahit ayaw ko na ay pinipilit ko pa rin para sa kanila.

"Yung totoo Kazzandra, sabihin mo yung totoo." Hinawakan ng dalawang kamay niya ang kaliwang kamay ko at inilapat sa mukha niya.

"Kasi kung hindi muna kaya, kaya na kitang i let go wag ka lang mahirapan pa." Medyo naluluha niyang sabi.

"Shaun, kaya ko pang lumaban. Hindi ba nangako ako na hindi kita iiwan? Wala akong balak na hindi tuparin iyon."

After kong magising sa sinabi niyang comatose ko ay halos hindi ako nawalan ng bantay sa kwarto ko. Mula sa pagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko sa gabi ay may nakabantay sa akin. Mula kay Jaelyn hanggang kila mommy at daddy pati si Zendaya hanggang kay Shaun at ng team niya ay naging mga bantay ko na rin.

Sa lalong paglala ng kondisyon ng medically acquired Lupus at ng Huntington's ko na hindi naman talaga nawala ay minabuti nila Shaun na wag na akong iuwi para matutukan nila ang kondisyon ko. Bumigay na ang kidneys ko at naka dialysis nalang ako. Hindi rin naman kasi ako naapprove sa transplant list dahil bumabagsak na rin ang baga at puso ko.

"Fuck! Bakit ba kasi ayaw ka nilang ilagay sa emergency transplant list." Reklamo ni Shaun noong nareject kami sa transplant commitee.

"Sayang din naman kasi yung organ kung sakaling sa OR lang ako mamamatay." Obvious kong sagot sa kanya.

"Tsaka mas maraming nangangailangan ng kidney kasya sa akin."

"Ikaw din naman kailangan mo yun." Dahilan niya sa akin.

"Pero mas mataas ang chance nilang makalabas ng OR ng buhay." Prangka kong sagot sa kanya.

Maraming na rin ang nakakabit na kung ano anong aparato sa katawan ko. Yung dalawang kamay ko ay parehas ng naka swero. Tapos naka kabit pa ako sa dialysis machine na 24 hours na tumatakbo para malinis ang dugo ko. Naka-oxygen na rin ako para tulungan akong huminga. May machine na rin na para sa pag monitor ng heartbeat at ng pulse ko.

"Kulang nalang talaga nasa ICU na ako ano?" Biro ko bigla kay Zendaya isang araw.

"Alam mo ikaw," Pinitik niya bigla ang noo ko. "Puro ka biro, bruha ka!"

"ICU ka diyan, muntik ka na talagang ipasok doon ni Shaun kung hindi ka pa nagising. Ni ayaw nga niya ibinigay kila tita at tito yung DNR kahit yun na ang suggestion ng ibang mga doctor."

"DNR?" Tanong ko sa kanya.

"Do not resuscitate. Basically hindi ka na nia bubuhayin pag nag flat line ka."

Dahil sa sinabi niya ay napaisip ako tungkol sa Do Not Resuscitate na iyan. Pinagiisipan ko kung pipirma ba ako sa ganoong usapan ngayong nasa tamang wisyo pa ang pagiisip ko. Tiyak magagalit sa akin si Shaun pag sinabi ko sa kanya na pipirma ako ng ganoon pero ayaw ko na rin siyang mahirapan na iresuscitate niya ako pag bumigay na ang katawan ko.

Last First Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon