Special Chapter: The Trial Succeeds

53 2 17
                                    

Kazzandra

"Hon, stay still will you?" Natatawa kong sambit kay Shaun.

Pero hindi ako pinansin nitong kumag na ito.

"Shaun, pumirmi ka nga." Ulit ko pero wala pa rin.

Panay lakad pa rin ng lakad si gago at bumubulong pa.

"Niccolo, isa, tumigil ka nga." Irap ko sa kanya.

"Mr. Shaun Niccolo, my fiancee, stop walking, nahihilo ako sa ginagawa mo!"

Finally, tumigil din siya sa paglalakad.

Ayun lang pala magpapatigil sa kanya, pinahirapan pa ako.

"What did you just call me, Hon?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

Tangina, kinikilig pa ata si gago.

"I said, my fiancee." Ngisi ko sa kanya at nag cross arms habang nakasandal ako sa hospital bed ko.

Kaagad namang namula ang pisngi ni Shaun na kitang kita dahil sa kutis nito. Lumawak pa lalo ang ngiti niya kaya naman napahalakhak ako.

"Taena, kinikilig ka pa ata."

"Lah, sinong kinikilig diyan, 'di ako yun." Iling naman niya kaagad at umiwas ng tingin sa akin.

"Lol, huling huli na yang mukha mo, Nico. Malapit na maging kamatis yang pisngi mo sa pula." Pambabara ko sa kanya.

"Hey!" Angal niya at nagtakip na ng pisngi kaya naman mas natawa ako lalo.

"Masyado ka kasing kabado, mag relax ka nga diyan." Sambit ko nung lumapit siya sa gilid ng kama ko.

"It's a make or break result, Hon. Of course, I'm worrying but at the same time hoping for a positive result."

"Oh, akala ko ba you're Dr. Shaun Niccolo Leaño, the always right." Pambabara ko sa kanya sabay pabirong hampas sa balikat niya.

"Hon naman, this is a serious matter." Alma niya sa akin.

"Alam ko yun, stop worrying. Everything will be fine." Pagseseryoso ko. "Masyado kang worried sa result."

Right on cue, may kumatok bigla sa kwarto namin at maya maya lang ay pumasok na si Doc Zach kasama ang ibang mga doctor ni kasama ni Shaun sa trial na ito.

"Andami niyo namang magaannounce ng result." Asar ko sa kanila.

"Si Doc Zach lang nakakaalam ng result. Gusto lang din namin makichismis." Sagot naman ni Riley.

"Tsaka, gusto ko lang makita kung paano himatayin yang si Shaun." Pangaasar naman ni Ryan sa kanya.

"Fuck off, Aki." Pagsama ng tingin sa kanya ni Shaun.

"Life or death situation yarn?" Asar ko sa kanilang lahat.

"Yes!" Sagot nilang lahat maliban kay Doc Zach.

"Ay wow, okay, life or death nga." Pag hawak ko pa sa dibdib ko para mang asar lalo.

Maya maya lang din ay dumating na rin sila Mommy at Daddy. Isa rin sila sa mga excited para sa result.

"Doc Zach, announce mo na para malaman ko kung maikakasal na ba ako." Natatawang hirit ni Zendaya habang naka akbay kay Christopher.

"Kaya nga natapos na ni Kazzandra yung bahay namin at fully furnished na pero di pa rin kami naikakasal." Dagdag naman ni Christopher.

"May excited nang mag honeymoon, oh." Pangaasar ni Shaun sa kanila.

"Ay 'di niyo sure." Tawa ni Zendaya sa amin.

Last First Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon