Chapter 3

28 5 0
                                    

Kazzandra

Nang makalabas ako ng kwarto ay doon ako natauhan sa ginawa ko. Napasandal na lamang ako sa pader at napatakip ng mukha.

Sinampal ko si Shaun Leaño.

Wala nang oras para pa makonsensya ako sa ginawa ko. Nagawa ko na, ano pa bang magagawa ko? Kahit medyo nahihirapan pa akong maglakad ay naglakad ako hanggang sa makarating ako ng elevator.

Balak kong pumunta sa rooftop ng ospital para makapagisip at magpalamig ng init ng ulo. Bigla nalang din talaga akong nabwisit sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung epekto ng sakit ko o sadyang nainis lang ako sa mga lumalabas sa bunganga nung doctor na yun.

Pumasok kaagad ako ng elevator at pinindot ang button na magdadala sa akin sa rooftop ng ospital. Hinahabol ko pa ang hininga ko habang nasa loob ako ng elevator.

Nang bumukas ang elevator ay lumabas kaagad ako at dumiretso sa may railings na harang para doon sumandal at magpahangin. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa mga langit. Halos palubog na rin ang araw kaya naman pinagmasdan ko lang ang sunset.

"Ang gago mo Shaun Leaño." Bulong ko habang nakatingin pa rin sa sunset.

Sino ba naman kasi ang matinong doctor ang magsasabi nun? Oo na at napilitan lang siya rito sa ginagawa niya para ma-approve na yung resignation niya pero para sabihin niya na hindi siya naniniwala na maililigtas kami ng gamot at wag na kaming umasa ay ibang usapan na iyon.

"Buti pa si Nico todo suporta sa akin noon, asan na kaya yun? Doctor na kaya siya?" Bulong ko ulit.

Si Nico kasi yung nakita sa akin noon noong Senior High ako tapos ayaw ko pang sabihin kahit kanino yung sakit ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko sinabi sa kanya yung sakit ko pero parang ang komportable kasing magkwento sa kanya kaya naman ayun napakwento ako. Ang problema lang Nico lang yung binigay niyang pangalan sa akin.

Dahil na rin sa palyado kong memories ay hindi ko na rin maalala yung mukha niya. Ang alam ko lang ay mag kabatch kami noon at same strand kami noon na STEM.

Siya rin ang first love ko.

Naalala ko bigla kung paano kami nagkita noon.

Nasa outdoor ampitheather lang ako ng school. Iniisip ko pa rin kasi yung sakit ko. Sinumpong na naman kasi ako kanina habang nagkaklase kami kanina. Nagdahilan lang ako sa kanila para hindi nila malaman ang sakit ko. Kahit si Zendaya ay hindi alam na may sakit ako. Ayokong makita yung awa sa mga mukha nila.

"Alam mo minsan dapat iniiyak na yan." Sambit ng isang boses.

Napalingon ako sa boses na iyon. Isang matangkad na lalaki na naka soccer uniform pa at may hawak na soccer ball. Medyo basa pa ang buhok nito dahil siguro sa pawis.

"Sino ka ba? Anong ginagawa mo dito?" Pagtataray ko sa kanya.

"Bakit bawal ba? Sayo ba tong school na ito?" Pamimilosopo niya sa akin.

Well may point naman siya. Napa pout nalang tuloy ako sa sinabi niya.

Natawa nalang siya sa akin at umupo siya sa tabi ko. Ay wow feeling close siya ah.

"Mukhang problemado ka ah. Care to share?" Sambit niya bigla.

Ay wow concern siya sa akin. Sino ba siya?

"Sorry pero I don't share my problems to strangers." Pagtataray ko pa rin sa kanya.

"Ang sungit mo naman. Ganda mo na sana kaso ang sungit mo." Asar niya pa sa akin.

Last First Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon